Thursday, September 26, 2013

TomDen, pinagkaguluhan at tinilian sa Cosmo Bachelor Bash


(Late Post: Aired September 25 via Umaga na intriga na on Super Radyo DZBB 594khz)


Hindi nga nabigo ang mga dumalo sa cosmo bachelor bash na ginanap sa world trade center kagabi.

Umulan kasi ng mga nagwa-gwapuhan at nag-gagandahang katawan sa event ng cosmopolitan magazine.

Sa tema nilang Cosmo University ay talaga namang stimulating ang semester ngayong taon dahil sa 69 na hunks na rumampa.

At ilan sa mga cosmo hunk na talaga namang inenjoy ang kanilang moment sa runway ay ang ilan nating mga kapuso.

Tulad na lamang ng mga star ng programang My Husband’s lover na sina Rodjun Cruz, Pancho Magno at Victor Basa.

Ang highlights ng cosmo bash ngayong taon ay ang pagrampa ng cosmo centerfolds na sinimulan ng Prinsesa ng buhay ko leading man na si Aljur Abrenica na nagbigay muna ng isang awitin bago siya unti-unting hinuhubaran ng mga kasama niyang dancers.

Tanging boxer shorts na lamang ang natira niyang saplot na talaga namang kitang-kita pa rin ang Machete niyang pangangatawan.

Pero ang nagpabuhay sa cosmo bash kagabi ay itong mga lead star ng My husband’s lover na sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez o Tomden.

Unang rumampa si Dennis bitbit ang kanyang watergun.

Siya ata ang pinakamabilis na rumampa kagabi dahil wala itong ginawa kundi paputukan ng watergun ang audience.

Sumunod na rumampa si Tom Rodriguez bitbit ang kanyang ninja nunchaco.

Nagpakita nga ng konting martial arts move itong si Tom.

Pero ang talagang nagpadagundong sa worldtrade center ay nang sabay na rumampa sina Dennis at Tom sa runaway.

Kahit puting pants lang ang suot ng TomDen ay kilig na kilig ang mga katabi kong mga beckies at girlash dahil sa kakaibang spark ng dalawa.

pero yun nga lang, Inaasahan pala ng ilan na maghahalikan ang mga ito dahil hindi iyun pwedeng gawin sa  kanilang teleserye ay itutuloy nila ito sa cosmo bash.

ngunit...nganga ang mga audience dahil fistbump lamang ang ginawa ng Tomden.

Pero infiernes sa Tomden, pinatunyan nilang hit na hit ang kanilang tambalan dahil sa mainit at nakabibinging hiyawan na kanilang natanggap kagabi.

Huling rumampa sa cosmo bash ang cover ng centerfold na si Alden Richard na lumabas na super nerdy.

Nang nasa gitna na ito ng entablado ay unti-unti na itong hinubaran at tanging boxer shorts na lamang ang kanyang suot .

Nagpabuhos pa nga si Alden ng langis at saka ito kumuha ng isang babae sa audience.

Maswerte ang babaeng iyun dahil nakakuha siya ng kiss sabay hug sa kapuso heartthrob.

Naging wild nga si Alden kagabi, taliwas sa kanyang itsura sa ilang programa na kanyang ginagampanan dito sa GMA.





PS:
Follow me on twitter and instagram:
@yourstootie

tune in also in Super Radyo DZBB 594khz 
Umaga na intriga na: Monday-Staurday, 4:30-5:00


Ladies Room: Every Saturday 11:00- 12:00NN


*Here are some photos in Cosmo bachelor bash.
video will be posted soon...










































No comments:

Post a Comment