Thursday, September 5, 2013

Tom Rodriguez certified Kapuso na, Nakapila na ang mga projects at magkakaroon pa siya ng concert kasama ang cast ng #MyHusbandsLover

Hindi mababakas sa mukha ni Tom ang pagod at puyat nang pumirma siya kaninang umaga ng 3 years exclusive contract sa GMA Network.

Galing kasi ito sa taping ng My husband’s lover at dumiretso na agad siya sa Kapuso Network.

Sa naturang contract signing ay present sina GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, President and COO Gilberto Duavit Jr. at OIC for Entertainment TV na si Lilibeth Rasonable.

Kasama naman ni Tom na pumirma ang kanyang Manager na si Popoy Caritativo.

Flattered daw si Tom sa tiwala na ibinigay sa kanya ng pamunuan ng GMA.

Aniya…“ really flattering, first and foremost the whole GMA Network is willing to put their trust someone like me”

Sunod-sunod na nga ang mga biyayang natatanggap ngayon ni Tom.

Utang nga raw niya ito sa My husband’s lover na nagpatingkad ng husto ng kanyang pangalan.

Kaya naman sa kasalukuyan ay ginagawa na nila ni Carla Abellana ang pelikulang Lets take a chance.

Pinaghahandaan na rin daw nila ni Dennis Trillo ang nalalapit nilang pagrampa sa bachelor bash ng Cosmo magazine.

Nagsimula na rin silang mag record ni Dennis para sa kanilang TomDen Album na ilalabas ng GMA Record.

At ilan sa laman ng TomDen album ay kakantahin nila sa bigdome sa October 12  para sa “One more try”-the My Husband's lover concert na kung saan makakasama rin nila ang buong cast ng MHL.

Kaya naman excited na raw si Tom dito…

“were excited for that…. ngayon pa lang sobrang ano kami were taping lagi na wala na akong (alam) sa petsa or araw. Were really excited to put on a show for the people.. ani ng napakagwapong kapuso actor.

Samantala sa naturang contract signing ay sinabi ni Mr. Duavit na may mga nakahilera ng proyekto si Tom na gagawin sa GMA Network.

May mga producer na rin daw ang nag-kaiinterest na magkaruon ng concert ang buong cast ng My husband’s lover sa Amerika.

Dagdag naman ni Ms. Lilibeth Rasonable…

“Tuloy tuloy ang drama niya (Tom Rodriguez), kasi nakita natin kung gaano siya kagaling… so we definitely create more memorable characters for Tom."



PS. 
follow me on Instagram at Twitter; @yourstootie
Makinig din sa Super radyo dzbb every Monday-Saturday 4:30-5:00
at every Saturday 11:00-1200NN

Thank you kapuso!



No comments:

Post a Comment