Friday, September 27, 2013

Kylie Padilla, dineadma nga ba ang ginawang pag-rampa ng kanyang boyfriend na si Aljur Abrenica sa Cosmo Bachelor bash?

Bago pa man ang Cosmo bash nuong Martes ng gabi ay nakatsikahan ko si Kylie sa dressing room ng Startalk nuong nakaraang Saturday.

Duon ay sinabi niyang hindi ito dadalo sa Cosmo bash pero susuportahan parin nya ang kanyang boyfriend.

Tinotoo nga iyon ni Kylie dahil hindi siya namataan sa World Trade Center
Ayon kay Kylie, last year ay nanuod ito ng Cosmo pero sa ngayon daw kasi ay busy na ito sa kanyang trabaho

Proud na proud nga itong GF ni Aljur sa ginawang pagrampa sa Cosmo Bachelor bash.

Sa katunayan, sabi ng aking friend, si Kylie daw ang naghatid kay Aljur sa World Trade Center.... Ang sweet diba?

Anyway, kahit marami daw ang nahuhumaling sa kanyang kasintahan ay wala raw siyang dapat ikaselos.

At dahil may bagong programang pinaghahandaan si Kylie ay nabawasan na raw ang pagkikita nila ng kanyang boyfriend.

Pero hindi kaya ito magselos sa ka-loveteam ni Aljur na si Kris Bernal dahil ito na ang laging kasama ng actor?

Ayon kay Kylie, okay naman daw ang relasyon nila ni Kris at sa katunayan, nagbabatian daw sila.

Sinabi rin ni Kylie sa inyong Yours Tootie na binigyan na siya ng kalayaan ng kanyang papa na si Robin Padilla.

Pero natakot daw ito dahil hindi siya sanay na hindi pinapakailaman sa kanyang mga desisyon.

At tanging ang payo lamang daw sa kanya ni Robin ay magpayaman ito.


Dagdag pa ni Kylie, hindi na nga raw siya humihingi ng tulong pinansyal sa kanyang papa

No comments:

Post a Comment