Sunday, September 8, 2013

Akin pa rin ang bukas, mamayang gabi na sa GMA telebabad.


Magsisimula na mamayang gabi  ang bagong programa sa GMA 7 na Akin pa rin ang bukas na pagbibidahan nina Rocco Naccino, Charee Pineda, Solen Heusaff, Lovie Poe at Cesar Montano.

Isang dekalibreng drama series sa telebabad ang inyong mapapanuod dahil ang direktor nito ay ang awarded filmmaker na si Laurice Guillen.


Nang makausap ng inyong Your’s Tootie si Cesar Montano kahapon sa backstage ng Sunday all star ay sinabi nitong kakaiba ang storya ng Akin pa rin ang bukas.

Masaya rin si Cesar dahil ang Direktor ng kanilang programa ay si Direk Guillen na minsan na niyang nakasama sa isang pelikula at itinanghal siya nuon bilang Best Supporting Actor sa Famas award.

Naniniwala rin si Cesar na Superstar in the making si Lovi Poe.

At dahil nagsimula na silang magtaping ay napaka professional naman daw na katrabaho si Rocco.

Samantala, si Lovi Poe na nga yata ang pinaka-busy na actress sa ngayon.

Sunud-sunod kasi ang kanyang TV projects at in-demand din siya sa pelikula.

At kagabi nga ay ginanap ang premiere night ng pelikula nilang Lihis nina Joem Bascon at Jake Cuenca sa Cinema 2 ng SM North the block.

Bukod diyan ay naging abala rin si Lovi last week sa promotion ng Akin pa rin ang bukas.

At nang makausap ng inyong Your’s Tootie si Lovie ay ninenerbiyos daw ito at excited dahil mamayang gabi ay ipapalabas na nga ang pagbibidahan niyang serye.

Kapansin-pansin nga ang galing ni Lovi na talaga namang sa bawat character na kanyang pino-portray ay binibigyan niya ito ng buhay.

Katulad na lamang ng dokyu-serye na Titser na napapanuod sa GMA news TV tuwing lingo ng gabi.

Kaya naman dahil sobrang busy ngayon ang actress ay isasantabi muna raw niya ang kanyang love-life.


 




PS:
Follow me on twitter and instagram:
@yourstootie

tune in also in Super Radyo DZBB 594khz 
Umaga na intriga na: Monday-Staurday, 4:30-5:00
Ladies Room: Every Saturday 11:00- 12:00NN

No comments:

Post a Comment