Friday, February 17, 2012

TIPS KUNG PAANO MAGTAGUMPAY ANG LONG DISTANCE RELATIONSHIP

-->
Kailangan ng init ng pagmamahal at katawan kung wala si labidabs

Pero ang problema, wala naman sa tabi mo si labs, kaya ang lungkot diba? Magkalayo kasi kayo sa isat-isa.

‘Yan ang tinatawag na long distance relationship.

Madalas mangyari ito kung si partner ay nasa ibang bansa.

Kaya narito ang aking tips kung paano magtagumpay ang long distance relationship.

Sa mga naiwan dito sa pinas, huwag bigyan ng maraming iniisip si labidabs overseas.
Kung may problema ka dito at kaya mo pa naman hawakan o solusyunan, solohin mo na lang, kasi baka hindi mapakali si loves kaya ang dapat KOREA- Keep optimistic regardless of every adversity.

Iwasan ang palaging magseselos o pagduda, ang pagdududa kasi ay nakakawala ng tiwala sa iyong partner, kaya iwas-iwasan ang pagtatanong sa sarili gaya ng “baka may babae na siya dun, baka niloloko niya ako” . remember ang pagdududa ay over na nakakairita sa mga taong pinagdududahan, kaya dapat mong itaga ay PERU- Porget everyone…remember us.

Matutong gumamit ng mga naimbento ni steve job o ni blaise pascal, iyun ay ang mga computer, ipad, iphone at isama mo na rin ang mga cellphone.
Ang paggamit ng mga modernong gadget ay napaglalapit ang mag-asawang magkalayo, kaya magpasalamat tayo kasi ng dahil sa internet at cellphone parang kapitbahay mo na lang si labs kahit nasa ibang universe na siya, kaya remember NEPAL- never ever part as lover

Huwag na huwag mong kakalimutan ang mga mahahalagang petsa, ibig sabihin tulad ng anniversary ninyo, birthday niya, kasi nakakatampo kung yung mga mahahalagang araw pa ang makalimutan mo, so dapat BURMA parati, Between us, Remember me always.

ITALY ang dapat kailangan, I trust and love you…magtiwala kayo sa isa’t isa, wala namang masama kung magtiwala, isipin mo ang dahilan ng         pag-flysung ni labs ay para rin sa ikagaganda ng inyong pamilya, kaya suklian mo iyun ng wagas at tapat na umaaribang tender loving care.

Ang sikreto sa long distance relationship ay ang wagas na pagmamahal, ang pag-ibig dapat parang wine, habang tumatagal sumasarap, kaya kung wala man sa tabi mo si labs ay lagi mong itaga sa iyong kokote na mahal mo siya sa puso sa salita at sa gawa na parang RUSSIA, romance under the sky and stars is intimate always.

Wag kasi manloko diba? Kung bet mong tumikim ng ibang putahe, kontrolin mo na lang ang sarili para iwas tukso kaya dapat MANILA, may all nights inspire love always.

Wag mawalan ng pag-asa, darating din ang araw na na kayo ay magkikita muli, mahahalikan at makakasiping muli, think positive para maganda ang pananaw sa buhay at pag nakauwi na tandaan PHILIPPINES, pumping hot I love it pls pls I need erotic stimulation or CHINA come here I need affection.

Remember ang pag-ibig ay parang LIBYA, love is beautiful, you also; ng sa ganun ang pagmamahal ay HOLLAND, hope our love last and never dies.

Magkalayo man kayo ni labidabs eh dapat wag kakaligtahang sabihin sa kanya na IMUS, I miss you sweetheart at PASAY, pretty and sexy are you!

Kaya ang dapat mong gawin ay CEBU, Change everything …but us at PARANAQUE, pls. always remain adorable, nice and quite under ecstacy.

Para pag uwi sa bansa ni mahal ay YEMEN.. yugyugan every morning, every night.