Wednesday, September 4, 2013

Derrick Monasterio, paparangalan sa Golden Globe Awards; relasyon nila ni Barbie Forteza, lalong lumalalim.

Masayang masaya si Derrick Monasterio nang makausap ng inyong yours Tootie nuong Sunday sa backstage ng Sunday All star.

Paparangalan kasi siya bilang isa sa Youth Achievers for Entertainment & Arts ng Golden Globe Annual Awards sa September 29 na gaganapin sa Manila Hotel.

Pero ano nga ba ang katangian ni Derrick at siya ang napiling bigyan ng naturang parangal?

Ayon sa kanya,…
Siguro nakikita nila na mabait ako at walang bisyo

at siguro kahit nagshow-showbiz ako ay ipinagpapatuloy ko pa rin ang studies ko”

Sa ngayon ay  3rd year high school na si Derrick.

Bukod sa kanyang pag-aaral at pag-aartista ay napili rin siya bilang youth ambassador ng National Youth Commission o NYC.

Samantala, nagpapasalamat si Derrick dahil lalong tumataas ang rating ng programa nilang AnnaKarenNina.

Habang tumatagal nga raw ay lalong bumibigat ang mga kinukunan nilang mga eksena.

Aniya…“Abangan nila ang mga susunod na eksena dahil pa-intense ng paintense ang mga eksena dahil malapit ng matapos.

Kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng mga sumuporta kasi hindi naman magiging mataas ang rating namin kung hindi dahil sa mga nanunuod.

Samantala, totoo bang lumalalim na ang pagkakaibigan nila ng kanyang leading lady na si Barbie Forteza?

Sagot ni Derrick, “everytime na magkikita kami parang always getting stronger ang relationship at bonding namin.

 At tsaka lagi kaming masaya pag magkasama kami, kumbaga kung may problema kami we just text each other at okey na kami.

Okey lang daw kay Derrick na mapunta sa ibang level ang kanilang pagkakaibigan.

Parehas daw kasi silang single, pero paglilinaw niya mag-fofocus muna sila ni Barbie sa kanilang trabaho.



PS.
Follow me on twitter and instagram  @yourstootie
Makinig din sa Super radyo dzbb 594khz every Monday-Saturday (4:30-5:00)
at Every Saturday 11:12-NN

No comments:

Post a Comment