Tuesday, June 30, 2015

Jiro Manio, pagalagala at nanghihingi na lang ng pagkain sa NAIA

Nakitang pagalagala na lang sa NAIA terminal 3 ang multi-awarded actor na si Jiro Manio o Jiro Katakura sa toong buhay.

Batay sa mga security guard duon, humihingi na lang ng tirang pagkain si Jiro sa mga kainan sa paliparan.

Hindi rin maayos ang suot nito nang maabutan ng mga reporter.

Sa video na nasa ibaba ay tila nagulat ang dating child star nang lapitan siya ng mga mamamahayag.

Ngunit kalaunan ay pumayag na itong sagutin ang ilang mga katanungan.

Ayon kay Jiro, wala raw siyang matirahan kaya sa airport na ito namamalagi ng ilang araw.



Taong 2011 nang sumailalim sa rehabilitasyon si Jiro dahil sa pagkakalulong nito sa droga, ngunit hindi niya natapos ang kanyang pagpapagaling dahil sa kakapusan sa pera.

Nakilala si Jiro sa pelikulang Magnifico at nag uwi ng Best Actor trophy sa FAP at Gawad Urian at Best Supporting Acotor naman sa FAMAS dahil sa natatanging pagganap niya naturang pelikula. 




Mag-asawang Ben Affleck at Jennifer Garner, hiwalay na.

Credit: US Magazine
Matapos ang sampung taon na pagsasama bilang mag-asawa ay kinumpirma nina Ben Affleck (43) at Jennifer Garner (42) sa People Magazine ngayong araw na sila’y hiwalay na.

"After much thought and careful consideration, we have made the difficult decision to divorce,"

"We go forward with love and friendship for one another and a commitment to co-parenting our children whose privacy we ask to be respected during this difficult time. This will be our only comment on this private, family matter. Thank you for understanding."

Sina Affleck at Garner ay biniyayaan ng tatlong anak, sina Violet, 9, Seraphina, 6, at Samuel, 3.

Naging usap-usapan na nitong nakalipas na taon ang lamat sa kanilang relasyon bilang mag-asawa.

Sa panayam kay Garner ng In Style noong 2014...

"You can't expect to be courted all the time, and I don't want to court him right now – I don't have the energy!

"But we're definitely in a very mindful place where we're making an effort to be together, do things at the same time, and be loving."

Ang dalawa ay nagkakilala sa set ng kanilang pelikula na Daredevil nuong 2003.

Bromance sa PBB house, ikinabahala ng MTRCB

Ipinatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang nasa likod ng reality program ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother 737.

Ito'y dahil sa umano'y ikinikilos at namumuong bromance ng 12-year-old housemate na si Bailey May galing UK at 18 year-old Atenean athlete na si Kenzo Gutierrez.

Pinag-uusapan ang dalawang housemate sa social media dahil sa kanilang mga trending na video clips at screen shots picture sa loob ng PBB house.

Dahil sa sweetness ng dalawa ay may namuong loveteam, ang KenLey.

Hindi naman ikinatuwa ng MTRCB ang  bromance sa loob ng bahay ni Kuya dahil sa posibleng epekto raw nito sa mga manunuod lalong-lalo na sa mga kabataan.

Kaya naman may itinakdang pagdinig daw sa July 9 kaugnay dito.

Pictures not mine, credits to the owner












Katy Perry Prismatic World Tour

Katy Perry celebrates 'Prismatic' tour anniversary in PH on May 7, 2015





















Monday, June 29, 2015

Backstreet Boys In A World Like This Tour

LATE POST:
A sold out and ultimate throwback concert of a boyband Backstreet boys last May 5 in Mall of Asia Arena.

Thank you Ovation Production









PHOTO: Alex Gonzaga AG from the East: The UNEXpected Concert

LATE POST: Alex Gonzaga showcase her singing prowess in his first major concert entitled AG from the East:

The UNEXpected Concert at the Smart Araneta Coliseum Saturday, April 25.