Sunday, September 8, 2013

Julie Anne San Jose, isasabak na sa primetime ng GMA Telebabad.




Lingid sa kaalaman ng lahat ay isa si Julie anne Sanjose sa cast ng thriller drama ng kapuso network na Dormitoryo.

Pero bigla siyang tinanggal na ikinalungkot daw nuon ni Julie anne.

Ngunit yun pala ay blessing in disguise ang kanyang pagkakatsugi sa naturang programa dahil may nilulutong serye na para sa kanya.



Ayon kay Julie anne … “Supposedly nasa Dormitoryo ako, nag start  na yung storycon, then bigla akong sinabihan na tatanggalin ako duon kasi may isa pang project na para sa akin.

Siguro blessing-in-disguise po yun na  kahit natanggal ako sa Dormitoryo ay may project pala na ginawa para sa akin, kaya feeling ko  sobrang blessed po  ako.

Kaya naman nuong nakaraang lingo ay tsinika ko sa backstage ng Sunday all star si Julie anne ukol dito.

Pero wala pa siya nuong ideya kung anong proyekto ang gagawin niya sa GMA.

At kahapon nga (September 7,) ay ginanap sa GMA Annex Building ang story conference para sa isang serye na pagbibidahan ni Julianne.

Ito ay may pamagat na “Kahit saan ka man” na ora-oradang magsisimula na sa September 23.

Isa itong Musical drama series na ipapalit sa timeslot nang magtatapos na AnaKarenNina.

Kaya naman nang makausap ng inyong yours Tootie si Julie anne kahapon sa ginanap na storycon ay tuwang-tuwa ito dahil sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng kapuso network.

Aniya…“Actually sobrang blessed and thankful ako, dahil nabigyan ako ng opportunity na mag-primetime. First time kong mag prime time so talagang sobrang excited ako.

“challenging ang role ko rito kasi diba dati ang ginagawa ko lang …light drama, pero heto (sa Kahit saan ka man) medyo may pagka-musical at drama talaga”

Sa naturang serye ay magiging leading man ni Julie anne sina Kristoffer Martin at Lucho Ayala.

Positibo naman ang tingin ni Julie anne sa bago niyang kapareha na si Kristoffer….“Magaling siyang actor, sobrang versatile siya kaya im really excited kasi 1st time ko na makatrabaho si Kristoffer sa isang soap”.

Nagpapasalamat naman si Julie anne sa Juliemo fans na kahit hindi na si Elmo Magalona ang kanyang kapareha ay patuloy pa rin siyang sinusuportahan.

At ngayon ay may nabubuo na nga raw na "Krislie" sa twitter na lalong ikinatuwa ng kapuso singer actress.

Ayon naman kay Julie anne, wala raw dapat ikalungkot ang mga krisjoy fans at maging si Joyce Ching na girlfriend ni Kristoffer…

“Ok naman kami ni Joyce, im here to work at wala akong balak na manira ng buhay ng ibang tao

Sa kahit saan ka man ay makakasama rin nina Julie anne, kristoffer at Lucho sina Eula Valdez, Tessie Tomas, Yayo Aguila, Rita Avila at Ricky Davao.

Orihinal na likha ito ni Suzeth Doctolero (Creative Director), at magiging Head writer si RJ Nuevas at Directed by Gil Tejada.








PS:
Follow me on twitter and instagram:
@yourstootie

tune in also in Super Radyo DZBB 594khz 
Umaga na intriga na: Monday-Staurday, 4:30-5:00
Ladies Room: Every Saturday 11:00- 12:00NN

3 comments:

  1. Julie Anne po hindi julianne. Paki correct po :)

    ReplyDelete
  2. Julie Anne San Jose yung name nya. Hanggang ngayon hindi pa rin maitama?

    ReplyDelete
  3. sino ba yang krisly??.. baka krislie?.. julie eh,hndi july.. naman!

    ReplyDelete