Monday, September 23, 2013

Tom Rodriguez at Dennis Trillo, magiging wild nga ba ang gagawing pagrampa sa cosmo bachelor bash?

Kahit kagagaling lang sa sakit nuong nakaraang linggo ay magiliw na humarap sa media si Tom Rodriguez sa presscon na inihanda ng Cosmopolitan magazine.

Si Tom at Alden Richard ang cover ng centerfold ng naturang babasahin.

Sa naturang presscon ay nakausap ng inyong Yours Tootie si Tom.

Ikinuwento nga niya sa akin ang kanyang paghahanda para manumbalik ang ganda ng kanyang body.

Nang dahil daw kasi sa Dengue na dumapo sa kanya at pagod sa trabaho ay bumagsak ng husto ang kanyang katawan.

Dala raw ito ng halos araw-araw na taping sa programang My Husbands Lover.

Kaya naman dahil ok na raw ang kanyang kalusugan ay puspusan na ang kanyang pagbubuhat ng bakal sa gym.

Palalabasin nga raw niya ang kanyang mga abs para naman yuminess looking ang kanyang pagrampa mamayang gabi sa Cosmo bachelor bash.

Samantala, handang handa na ring rumampa ang ka-love team ni Tom sa My husband’s lover na si Dennis Trillo.

Sa mga instagram post ni Dennis ay kakaiiba ang mga ginagawa niyang work-out na talaga namang kitang-kita na ang kanyang  mga muscle.

At sa huli niyang post ay excited na nga raw ito para sa magaganap mamaya na cosmopolitan bachelor bash.


PS:
Follow me on twitter and instagram:
@yourstootie

tune in also in Super Radyo DZBB 594khz 
Umaga na intriga na: Monday-Staurday, 4:30-5:00
Ladies Room: Every Saturday 11:00- 12:00NN

No comments:

Post a Comment