Tuesday, July 23, 2013

Casts ng My husband’s lover na sina Tom Rodriguez at Kevin Santos, nakatatanggap ng indecent proposals?


Sunod-sunod na raw na nakatatanggap ng indecent proposal ang Kapuso Actor na si Tom Rodriguez mula sa mga tagong bading o mga binansagang closet queens.

Ito ay matapos umere ang pinag-uusapang teleserye na My husband’s lover na mula day one hanggang kagabi ay trending pa rin sa social networking site na twitter.

Ayon kay Tom, Nakatatanggap siya ng text message na nag-aalok ng malaking pera at mga mamahaling bagay kapalit ng panandaliang aliw.

Pero hindi raw pinatulan ni Tom ang mga alok na iyun.

Ayaw daw niyang ma-offend ang mga bakla na nag-aalok sa kanya kaya naman nireject niya ito in a nice way.

Hindi nga raw niya kayang tanggapin ang mga indecent proposal dahil kaya naman daw niya kumita sa pamamagitan ng sariling sikap.

Pero aminado si Tom na marami daw siyang kaibigan na bading mapa loud man o yung halata o yung discreet na gaya ng papel niya sa my husbands lover.

Samantala, Speaking pa rin ng indecent proposal ay hindi pa naman daw nakatatanggap na ganuong offer ang co-star ni Tom sa my husband’s lover na si Kevin Santos.


Si Kevin ang gumaganap na Danny sa naturang serye.

Aminado si Kevin na malaki ang nabago sa kanyang career simula nang gumanap siya bilang gay best friend ni Dennis Trillo sa My husband’s lover.

At ang nakakalurkey ay marami raw ang nagtatanong sa kanya lalong-lalo na sa twitter kung bading daw ba siya sa totoong buhay?

Nang makausap ko si Kevin sa Taping ng Mars ay sinabi nitong barakong-barako siya.

Convincing kasi ang pag-arte ni Kevin na bading sa naturang bekiserye.

Sabi niya sa akin, malaki raw ang naitulong ng kanyang mga kaibigan na beki dahil nakakakuha siya ng ideya, tulad na lamang ng pagsasalita ng bekimon.

"kapag may naririnig akong kakaibang salita ng bading na parang "ui ayos yun ah" , sinu-suggest ko kay Direk Dom (Zapata), at nag-ookey naman si Direk." - ani ni Kevin.


PS. for more Tootie-intriga, makinig po tuwing Lunes hanggang Saturday, 4:30 at Ladies Room every Saturday, 11:00-12:00 NN sa Super Radyo Dzbb 594KHZ. or maaari rin kayong makinig via online streaming http://www.gmanetwork.com/radio/streaming
follow me also on twitter and instagram @ilokanonggwapo



Friday, July 19, 2013

Kapuso Stars, wagi sa 2013 Yahoo OMG Award

 Nagningnging kagabi ang ilan nating kapuso stars sa 2013 Yahoo OMG Award na ginanap sa MOA Arena sa Pasay City.

Sa pinagsamang online at text vote na ginawa sa loob ng mahigit isang buwan ay pinangalanan na nga kagabi ang mga nanalo sa ibat-ibang kategorya.

Ang ilang awards ay naiuwi ng ilan nating kapuso stars.

Humakot ng award ang longest running noontime show sa bansa na Eat bulaga.

Ang naturang programa ang nakasungkit sa Best Noontime show at si Bossing Vic Sotto naman ang itinaghal na favourite TV Host of the year.

Si Aling maliit at kapuso child wonder na si Ryzza mae Dizon ang itinangghal na Child Star of the year.

Si Ryzza ang tumanggap ng award ng Eat Bulaga at ni Bossing Vic Sotto.

Sa speech ng cute na cute na si Ryzza ay nagpasalamat siya sa lahat ng bumoto sa kanya sabay sambit ang kanyang linyang, “Bawal ang sad, dapat happy”.

Naiuwi rin ni Eugene Dominggo ang Comedienne of the year, ito na ang ikatlo niyang tropeyo para sa naturang kategorya.

 Masuwerte rin ang kapuso loveteam na sina Elmo Magalona at Julianne Sanjose o Juliemo.

Sila ang itinanghal na Male and Female performer of the year at maging ang kanilang fan club na Julimo Pexers ay wagi rin bilang fan club of the year.

At siyempre nangibabaw sa lahat ng award ay ang yahoo OMG Celebrity of the year.

Ito ang highlight ng naturang parangal na kung saan si FHM sexiest girl in the world na si Marianne Rivera ang itinanghal sa naturang kategorya.

Naka tsikahan ko nga si Marianne sa red carpet ng yahoo OMG at masaya ito dahil sa pagpili sa kanya bilang celebrity of the year.

Ika nga niya, gamitin ang social media sa positibong bagay at hindi para siraan ang kapwa.

Maliban sa mga kapuso star ay wagi rin ang FM flagship radio station ng GMA Network na Barangay LS 97.1, “tugs tugan na!

Ito na ang ikalawang taon na nanalo ang Barangay LS para sa kategoryang, Best FM Radio station of the year.

Nagperform naman sa Yahoo OMG award ang ilan nating kapuso.

Sumaway at kumanta ang Kapuso Covergirls leading ladies na sina Solen Heusaf at Lovie Poe.

Nagduet naman ang dating magkasintahan na sina Christian Bautista at Rachelle ann Go.

Nag handog din ng awitin ang kapuso RNB singer na si Kriss Lawrence at sina Julianne Sanjose at Elmo Magalona.

Nagsilbing presentor din ng awards sina Boypick-up himself Ogie Alcasid, Tim Yap at Bea Binene.

Narito ang buong listahan ng mga nanalo sa Yahoo OMG award 2013.

OMG! Actor of the Year : Coco Martin
OMG! Actress of the Year : Angel Locsin
OMG! Breakthrough Actor of the Year : Enrique Gil
OMG! Breakthrough Actress of the Year : Kathryn Bernardo
OMG! COmedian of the Year : Vice Ganda
OMG! Comedienne of the Year : Eugene Domingo
OMG! Male TV Host of the Year : Vic Sotto
OMG! Female TV Host of the Year : Toni Gonzaga
OMG! Male Performer of the Year : Elmo Magalona
OMG! Female Performer of the Year : Julie Anne San Jose
OMG! Celebrity of the Year : Marian Rivera
OMG! Male DJ of the Year : Papa Jack (Love Radio 90.7)
OMG! Femal DJ of the Year : Nicole Hyala (Love Radio 90.7)
OMG! Best Radio Show of the Year : Tambalan (90.7 Love Radio)
OMG! Best FM Radio Station of the Year : Barangay LS 97.1
OMG! Fan Club  of the Year : JuliElmo Pexers
OMG! Movie of the Year : It Takes A Man And A Woman
OMG! Love Team of the Year : Kim Chiu
OMG! Love Team of the Year : Xian Lim
OMG! Child Star of the Year : Ryzza Mae Dizon
OMG! Best Noon Time Show of the Year : Eat Bulaga
OMG! Best Teleserye of the Year : Ina, Kapatid, Anak
OMG! Best News and Public Affairs Show of the Year : TV Patrol




















My Husband's lover in dzbb





Hanggang sa mga sandaling ito ay mainit pa rin na pinag-uusapan ang pinaka-kontrobersyal na programa ngayon sa telebisyon na My husband’s lover.

Hindi lang sa mga nagtsitsismisan sa palengke at opisina, hindi lang ang mga parlorista kundi maging ang mga kalalakihan sa kanto.

Patunay yan na mula day 1 hanggang day 29 ay talaga namang walang mintis na nagtretrend ang naturang programa sa social networking site na twitter- dito sa pilipinas at worldwide.

Binago nga ng My husband’s lover ang karaniwan nating napapanuod na serye sa TV.

Kung dati ay laging umiikot ang kwento sa…
          Isang mayaman at isang mahirap na nagmamahalan.
          Pinagpalit na anak.
          Againts all odds na relasyon
         At paghihiganti ng isang mahirap na biglang yumaman.

Ngayon, ang kwento ng My husband’s lover ay talaga namang patunay na walang sinuman ang makapagdidikta ng tunay na nararamdaman ng isang taong umiibig, mapalalaki man o sa babae.

Kwento ito ng isang babaeng si Lally (Carla Aberllana) na ikinasal kay Vincent (Tom Rodriguez).

Walang kaalam alam si Lally na may matagal na palang inililihim ang kanyang mister na si Vincent.

Ang lihim na ito ang siyang susubok sa relasyon ng mag-asawa.

Ang lihim na pilit nuon na itinutuwid ni Vincent.

Ang Lihim na ito ay ang relasyon ni Vincent sa kanyang high school friend na si Erik- mga kapwa bisekleta, bakla, paMENta o mga baklang nagbibihis lalaki para maitago ang pagiging bakla nila sa ibang tao.

Kaya naman ang seryeng ito ang nagpabago rin sa mga pangkarinawan papel ng bakla sa mga pelikula o programa sa TV.

Kapag bakla kasi ay dapat magbihis babae, kailangang nakakatawa at karaniwang kaibigan ng bida lamang ang papel nila.

Pero dito, ang mga bakla at ang kwenetong pag-ibig ng dalawang lalaki ang ipinapakita.

The big secret reveal!

Tumigil nga raw ang mundo ayon kay Carla sa episodes 24 at 25 ng My husband’s lover.

Sa mga naturang episode ay natuklasan na ni Carla ang inililihim na relasyon ng kanyang asawa at ni Erik.

Dito ay nakita ang husay ni Carla sa pag-arte mula sa kanyang mga emosyon at pagbitiw ng mga linya.

Kaya naman maging ang ilang malalaking artista sa kabilang stasyon ay pinuri ang galing nina Carla, Tom at Dennis.

Tulad na lamang nina Mr. Fu, Direk Joey Reyes,Vice Ganda at ang Queen of all media na si Kriss Aquino.

Ang Sa Akin lang (ASAL)

Sabi ko nga, hindi lang ang kwento ng My husbands lover ang dapat abangan.

Dahil kakaiba rin ang mga stylized shots ni Direk Dom Zapata, mula sa kanyang mga transition at cinematography.

Swak din ang napiling kanta para sa naturang programa na talaga namang pambansang kanta na ngayon ng mga bakla- ang One more try ni Kuh Ledesma at ang Get me over ni Jonalyn Viray.

Pero higit sa lahat ay puring-puri ako kay Ma’am Suzette Doctolero dahil sa magandang takbo ng kwento ng My husband’s lover.

Mula sa mga quotable lines nina Mama Sol, ni General at mga “ika” nga ni Lally ay talaga namang tumatatak sa mga manunuod.

Patunay lamang na ang programang ito ang pinakamagandang serye na ngayon sa Pilipinas na ginawa ng Kapuso network.

Marami pang aabangan…

At ngayong nagkabukingan na, ano pa ang mga mangyayari?

“yan ang dapat abangan sa mga susunod na araw.

After the pilot airing mg My Husband's Lover

Pero unang Linggo pa lang nuon ng My husband’s lover ay bumisita sina Tom at Dennis sa programa ni Kuya Germs na Walang Siesta kasama ang kanyang mga Badingding sa dzBB 594 (AM Flagship radio ng GMA-7).

Nandun din ako sa tabi nina Tom at Dennis para maki-istorbo.

Talaga namang tilian ang mga tao nuon sa loob nang masilayan ang dalawa.

Kasama nuon ng Team Tomden si richard Guttierez, pero mas napunta ang attention ng mga tao sa news room sa nabuong love team nina Dennis at Tom.
Panoorin ang video sa ibaba para sa ilang highlights ng panayam ni Kuya Germs.




Wednesday, July 17, 2013

Mark Herras, tikom pa rin ang bibig sa dahilan ng hiwalayan nila ng kanyang girlfriend na si Ynna Asistio.



 

no copyright infringement intended

Nakausap ko si Mark nuong Sunday, pero nakiusap siyang huwag munang pag-usapan ang tungkol sa break-up nila ni Ynna.

Sa ngayon daw ay maayos sila ng dating niyang kasintahan at maging sa ina nitong si Nadia Montenegro.

Ayaw daw ni Mark na pag-usapan sa publiko ang kanilang hiwalayan, dahil ayaw niyang masira ang pag-aaral Ynna.

Ayon kay mark…“si Ynna ay focus sa pag-aaral niya at ako naman sa aking trabaho kaya ayaw naming pag-usapan ang aming hiwalayan dahil masyado kaming pagpi-piyestahan ng media”

Pero habang tumatakbo ang panyam ay pasundot-sundot din na sinasagot ni Mark ang tanong na may kinalaman sa hiwalayan nila ni Ynna.

Nilinaw ni Mark na walang money involved sa kanilang break-up at nagkausap na rin sila ni Nadia Montenegro.

“Nag-usap kami ni Tita Nadj. [Nadia Montenegro] lahat okey kami. Walang money or barkada involved” saad ng aktor.

At gaya ng pahayag ni Ynna sa blog ni Darla Sauler ay susuportahan din niya ang dati niyang kasintahan.

Sinabi ni Ynna kay Darla na susuportahan niya si Mark.

At gaya ni Mark, hindi rin sinabi ng anak ni Nadia ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Samantala, Hindi rin daw galit o nagtatampo si Mark kay Kylie Padilla.

Napabalita kasing si Kylie ang nagbigay ng clue kung bakit nalaman ng publiko ang tungkol sa hiwalayan ng dalawa.

Sa katunayan habang kausap ko si Mark ay dumating si Kylie at nagyakapan pa sila.

“hindi-hindi [ako nagtatampo], alam ko naman dapat na iba ang personal sa trabaho, alam kong lahat naman kami mayruon kaming pinagdadaanan.

Pero ang tanong, may posibilidad kaya na magkabalikan sina Mark at Ynna?

Ayon kay Mark…

“May posibilidad, pero sa ngayon ay focus muna ako sa trabaho at ganun din si Ynna sa kanyang pag-aaral”

Kaya naman wala raw oras si Mark para makipagdate sa ibang babae.

“focus ako sa trabaho yun lang, final, trabaho muna ako”

Samantala may bagong soap opera na gagawin si Mark sa Kapuso Network.

Ayon kay Mark, wala pa siyang detalye, pero baka sa August daw ito ipalabas

Willing naman si Mark na makatrabaho muli ang dati niyang kasintahan na si Jennylyn Mercado.


PS. for more Tootie-intriga, makinig po tuwing Lunes hanggang Saturday, 4:30 at Ladies Room every Saturday, 11:00-12:00 NN sa Super Radyo Dzbb 594KHZ. or maaari rin kayong makinig via online streaming http://www.gmanetwork.com/radio/streaming
follow me on twitter and instagram @ilokanonggwapo



Sunday, July 14, 2013

TIPS PARA LAGING GANADO SI LABIDABS SA LABING-LABING!

TIPS PARA LAGING GANADO SI LABIDABS SA LABING-LABING!

Minsan sa isang relasyon o mag-asawa ay hindi maiiwasang magduda lalo na kung wala ng panahong maki-pag make love si labidabs, lagi nalang dahilan- “pagod ako sa trabaho”, “walang time”, “stress ako”, kaya walang katapusang pagdududa ang kinalabasan.

Kaya narito ang aking tips para ang bad vibes, mapalitan ng good vibes- para on the go sa labing labing si labs!

Para sa mga BABAE; para umuwi ng maaga si mister ay huwag mo siyang pagtatalakan o aawayin bago umalis sa bahay.

Para sa mga LALAKI; kung may gimik ang barkada, tignan ang oras para pag-uwi sa bahay may time ka pa kay misis.

Kung meron man sari-sariling lakad, sabihin na nang maaga ang balak, hindi yung saka kana lang magpapaalam kung andun kana sa gusto mong pupuntahan.

Explore hotels and Motels na magiging exciting para sa mag-asawa.

Para sa mga BABAE; mag–lap dance, Sayawan si mister , parte yan ng pakikipag-make love.

para excited umuwi sa trabaho, maglandian kayo sa text, yung tipong papalibugin mo siya para kayong dalawa ay uwi agad, mainit init ika nga!

Sa maga BABAE, magsuot ng mga daring na damit, yung bang nakakaakit at magpabango ng nakakaseduce na parang mababaliw na saiyo si labs.

Para kay mister kung gustong laging galit ang sandata, wag pagurin ang sarili sa trabaho para pag uwi sa bahay andun pa rin ang 100 percent na lakas at sexual desire ng katwan.

At para hindi na maghanap ng iba at hindi hanapin ang sinasabing sexual compatible sa iba, dapat ibigay parati ang to the highest level na performance.



PS. laging makinig ng programang Ladies room sa super radyo dzbb 594 khz, maaari rin makinig via online streaming http://www.gmanetwork.com/radio/streaming.
follow me also in twitter and instagram @ilokanonggwapo

Kapuso covergirl , model actress Solen Heussaff, game ding makipaghalikan sa kapwa niya actress?


Naging usap-usapankamakailan ang Instagram post ng magpinsang Isabelle Daza at Georgina Wilson. Sina Isabelle at Georgina ay matalik na kaibigan ni Solen Heussaff.
"Hindi dapat gawing issue ang pakikipaghalikan sa kapwa babae"- Solen Heusaff
















Nuong nakaraang linggo ay nakausap ko ang leading lady ng pinag-uusapang teleserye na My husbands lover na si Carla Abellana.

At nang tinanong ko kung “what if magkaruon ng girl version ang My husband’s lover”- gagawin niya ba ito?

Walang kagatol-gatol nuon si Carla at sinabing bakit daw hindi!

Game din daw siyang makipaghalikan sa kapwa niya babae sa pelikula basta raw kasing ganda ng isang Solen Heusaf….

Kaya kahapon ay hinunting ko si Solen sa kanyang dressing room sa Sunday All Star para hingan ng reaksyon kaugnay sa pahayag na iyun ni Carla.

Tanong ko agad kay Solen, game din ba siyang gumawa ng isang pelikula na may temang magkarelasyon ang babae at babae at magkaruon ng kissing scene sa kapwa niya babae?

Tugon ni Solen..
“Why not, acting naman, tapos maganda si Carla, super blooming pa ngayon, game naman ako.

Eh ang makipag-halikan sa kapwa niya babae?
Sagot ni Solen…Hindi ko na paghahandaan [ang kissing scene], mabilis lang naman mag-kiss ehh”

Hindi naman daw namimili ng role si Solen, kung ano ibigay sa kanya ay tatanggapin niya ito at pag-aaralan.

“Diba kapag actress ka, dapat papayag ka sa kung anong role na ibibigay sa iyo, challenging din [yung role na ganun], so mag-eevolve din ang acting skills mo, so kahit ano mapunta [na role] sa akin, game naman ako para may challenge talaga” dagdag pa ng kapuso actress.

Samantala, magiging abala na ngayon si Solen sa shooting ng GMA Teleserye na Akin pa rin ang bukas.

Pagbibidahan ito nina Lovie Poe, Cesar Montano at Rocco Nacino.

Makakasama rin sa naturang teleserye ang Veteran Actress na si Helen Gamboa at ang konsehala ng Valenzuela na si Charee Pineda.

Bukod sa teleserye ay may ginagawa ring pelikula si Solen, ang “Its complicated.

Makakasama niya rito sina Eugene Domingo, Paulo Avelino, Maja Salvador at Jake Cuenca.

Naikwento rin sa akin ni Solen na nag-audition siya para sa isang indie movie, pero tumanggi muna siyang magbigay ng detalye.

At dahil sobrang busy ngayon sa trabaho si Solen, naiisip na ba nilang magpakasal ng kanyang Argentinean boyfriend na si Nico Bolzico?

Ayon kay Solen, wala pa raw sa isip niya ang magpakasal.

Masaya raw sila ngayon ng kanyang boyfriend at dalawang taon na raw silang magkarelasyon.



PS. for more Tootie-intriga, makinig po tuwing Lunes hanggang Saturday, 4:30 at Ladies Room every Saturday, 11:00-12:00 NN sa Super Radyo Dzbb 594KHZ. or maaari rin kayong makinig via online streaming http://www.gmanetwork.com/radio/streaming
follow me on twitter and instagram @ilokanonggwapo

Monday, July 8, 2013

MY LADY BOSS, TULOY NA TULOY NA!


PELIKULANG MY LADY BOSS, TULOY NA TULOY NA!
(late post for this blog purposes only, this was aired last July 1 in Super Radyo dzbb594Khz, via Umaga na, Balita na)
Ilang beses ko nang nakapanayam itong napaka-gwapong si Richard Gutierrez sa tuwing ako’y umuupo (pinchit) sa programa ni German “Kuya Germs” Moreno na Walang Siesta sa dzbb.

Kaya sa tuwing nakakausap ko ng live sa radyo si Richard ay bumabalik pa rin ang pagiging die hard fan ko- panahon pa lang ng Mulawin sa Kapuso Network.

Kaya naman nuong nakalipas lamang na Linggo (June 20, 2013) ay muling dumalaw si Richard sa programa ni Kuya Germs para i-promote ang pelikula nila ni Marianne Rivera na my lady boss.

Bago magsimula ang live-interview niya kay Kuya Germs ay nakausap ko muna si Richard.

Wala pa palang tulog ang aktor dahil kauuwi lamang niya galing Switzerland na kung saan nakasama niya ng ilang araw ang kanyang kasintahan na si Sarah Labhati.

“Trabaho agad” ….yan ang sabi sa akin ni Richard, kaya naman kahit nakikita kong inaantok pa ang mga mata ni Richard ay game pa rin ito sa kanyang trabaho para i-promote ang kanilang pelikula.

The Primiere Night

Kagabi, (June 30, 2013) ay naganap ang primiere night ng pelikulang My lady Boss sa Cinema 10 ng SM Megamall.

Dinumog ng mga fans ang naturang premiere night.

At siympre bago lumakad sa red carpet sina Richard at Marianne ay nakausap ko muna sila sa holding area.

Masaya ang dalawa dahil sa wakas ay matutuloy na ang pagsasapalabas ng kanilang pelikula na ilang beses nang naiurong ang play date nito sa mga sinehan.

Ani ni Marianne; ..”Siyempre alam naman natin kung bakit na moved yan wag na tayo magpapaligoy-ligoy pa, ang importante (ay) ipapalabas na siya at heto na siya….mas matitindi pa ata yung mga kalaban namin (na pelikula sa ngayon), pero okey lang, ang importante ay naenjoy namin ang movie at alam namin na andiyan yung mga sumusuporta sa amin”

Kaya naman may mensahe sina Richard at Marianne sa kanilang mga fans.

“Salamat sa kanila, sana magustuhan nila ang pelikula”- Marianne

“Nagpapasalamat kami ni Yan (Marianne) sa lahat nang sumusuporta at nagmamahal sa aming dalawa. Sa lahat nang excited manuod (sa my lady boss) sana magustuhan niyo”- Ricahard

Bukod sa mga fans ay full-force din sa pagsuporta ang pamilya nina Richard at Marianne.

Namataan ko sa red Carpet ang Lola ni Marianne na si Francisca Rivera at ang Mama ng kapuso actress.

Present din sa Premiere night ng my lady boss ang mga magulang ni Ricahrd na sina Annabell at Edie Guttierez at ang kanyang mga kapatid na sina Ruffa at Raymund.

Bagamat wala sa red carpet ang kasintahan ni Richard na si Sarah Labhati, ay nakita ko naman duon ang kanyang nanay na si Ginang Esther Labhati.

Ayon kay Richard, “we invited everyone, lahat ng close sa family namin, relatives and friends, we invited her (nanay Esther) and I’am happy she’s here”

My lady boss on its 2nd week!

Kung gusto mo tumawa, umiyak at ma-inlove, My lady Boss is the answer!

Promise sulit ang bayad mo sa pelikulang ito...

The link below is the official teaser of the said movie.

 http://www.youtube.com/watch?v=NL70VkpRY0g

Alden Richard, Handa ng magpa-sexy?


“May pinaghahandaan ako today, na may kinalaman sa kaseksihan, malalaman niyo rin this year” 
HANDA NA BANG MAGPA-SEXY SI ALDEN RICHARD?



Talagang mabait itong kapuso heartthrob na si Alden Richard dahil walang       kakeme-keme nang hinila namin siya para makapanayam nuong Sunday sa backstage ng Sunday all Star.

Game parati at magiliw si Alden sa tuwing nakakapanayam namin.

Ikinatuwa ni Alden ang resulta sa ginawang poll ng isang magazine.

Siya kasi ang nanguna sa botohan sa sexiest man category, kaya naman laking pasasalamat ng actor lalong lalo na sa Aldenatics.

Ani ng napakagwapong si Alden…
 I’m very thankful sa chance of being a part of that category.

“and of course sa Aldenatics po who continue to vote, kasi that’s based on Internet voting.

“Kung hindi sa fans, lalo na sa Aldenatics, hindi naman po ako mananalo.

“So, thank you. I feel honored and proud po.”

At dahil siya ang nanguna sa poll, feeling ba ni Alden sexy siya?

“Getting there, since tumatanda na po ako kailangang mag-venture into a new image para maiba naman ang branding sa tao, kasi tapos na ako sa pa-sweet, pa tweetums, siguro ngayon more mature more daring”.  saad ni alden

At pati sa pagsagot sa aming tanong kung ano ang kahulugan niya ng kaseksihan ay parang sumasagot sa beuty pageant itong si Alden.

Sabagay dati na pala siyang sumali sa isang pageant sa Laguna.

Ayon kay alden, ang kahulugan niya ng sexiness ay …. Sexiness comes from inside. Kasi kung sexy ka inside, sexy ka outside. It’s more of ano… the qualities you have. Na siguro it’s based on attitude din. And at the same time, yung physical body, yung panlabas is just a bonus. It’s more on how you carry yourself outside.”

Samantala, nagsimula na siyang mag-shooting para sa pelikulang 10,000 hours na official entry sa 2013 Metro Manila Film Festival.

Ang naturang pelikula ay tungkol sa buhay ni Senador Ping lacson.

 Si Alden ang gaganap na batang Lacson at si Robin Padilla naman ang gaganap sa present life ng naturang Senator.

Kailangan daw nilang matapos lahat ng eksena dito sa Pilipinas bago  mag August.

Tutulak daw kasi sa Amsterdam ang production ng 10,000 hours kasama si Robin Padilla sa darating na buwan ng Setyembre.

Pero yun nga lang hindi kasama sa naturang bansa si Alden.


PS. for more Tootie-intriga, makinig po tuwing Lunes hanggang Saturday, 4:30 at Ladies Room every Saturday, 11:00-12:00 NN sa Super Radyo Dzbb 594KHZ. or maaari rin kayong makinig via online streaming http://www.gmanetwork.com/radio/streaming
follow me on twitter and instagram @ilokanonggwapo

Sunday, July 7, 2013

CARLA ABELLANA, SIGURADONG MGA BARAKO ANG TOMDEN.

CARLA ABELLANA, SIGURADONG ,MGA BARAKO ANG TOMDEN.
“lalaki, lalaking lalaki silang dalawa yun ang magaling na nacoconvince nila ang manunuod na babae sila kunayari.

Sobrang proud ako sa kanila na kayang  magwork ang isang love team na hindi naman sila magkakatuluyan, ito pa dalawang lalaki …sobrang convincing ang chemistry nilang dalawa. Pero lalaking lalaki sila yun ang maganda… sabi nga ni Direk Dom (Dominic Zapata), walang bakla sa show namin pero tignan mo , writers, director hindi naman  bading, pero nagagampananan nilang mahusay- Carla Abellana



Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala si Carla Abellana sa mainit na pagtanggap ng mga manunuod sa pinag-uusapang teleserye at ang bagong trending program sa Pilipinas na My husband’s lover.

Sa panayan ng inyong Your’s Tootie, sa backstage ng Sunday all star ay tila pinanindigan na ni Carla na tawagin siya sa labas na Lally.

Masaya nga si Carla dahil gabi-gabi ay talagang walang mintis na trending ang My husband’s lover sa social networking site na twitter, take note, hindi lang dito sa Pilipinas kundi worldwide.

Ayon sa napakagandang si carla…“Nagugulat kami hanggang ngayon na parang paano nangyari iyon, seryoso ba yun na sa bawat gabing dumaraan ay trending pa rin ang My husband’s lover, tapos lately hindi na rin siya dito sa pilipinas trending kundi maging sa ibang bansa worldwide” .

At kahit lunes hanggang biyernes lamang ang my husbands lover ay nagtretrending din ito sa week-end.

Gaya na lamang nuong nag guest sina Carla, Tom Rodriguez at Deniis Trillo sa Eat Bulaga at Startalk.

Kaya naman laking pasasalamat ni Carla sa mga netizens na talaga namang pinag-uusapan ang kanilang prgrama sa twitter.

Aware ba si Carla sa mga bumabatikos sa kanilang programa?
“hindi naman lahat matutuwa, syimpre meron pa rin ang hindi happy o against it pa nga, ani ni carla.

At bilang pasasalamat sa mga masugid na manunuod ng My husband’s lover ay every week ay magkakaruon daw sila ng mall show, hindi lang dito sa Metro Manila kundi maging sa ibang panig pa ng ating bansa.

Kahapon nga (July 6, 2013) ay nasa SM Sta. rosa sa Laguna ang casts ng My Husband’s lover

Jam-pack nga ang tao at marami pa ang hindi nakapasok sa naturang mall.(  via dennis Trillo instagram )(  http://instagram.com/p/ba__tGwVDP/ )

Sabi nga ni Carla, hindi na raw nila nakikita ang sahig sa sobrang siksikan ng mga taong dumalo sa kanilang mall show.

 “nakalulungkot dahil marami ang hindi nakapasok at marami rin ang nasaktan at nadisgrasya, succesfull naman ang show at natutuwa naman kami dahil walang serious injury na nangyari. –Carla

Ang My husband’s lover na nga raw ang maituturing na pinaka memorable na proyektong ibinagay kay Carla.

Sa katunayan, 16 weeks lamang ang itatakbo nito sa ere at hiling ng napakagandang kapuso actress na ma extend pa ito ng maraming buwan.

“Nag-uumpisa palang kami at marami ng memories, ayokong matapos ang show na ito. sinabi ko…sana magtagal kami ng 3 years, sobrang enjoy kami as a team…ang kukulit nilang lahat , mabibigat ang mga eksena so nachachalenged kami, masarap yung feeling at yung suporta ng mga tao”

Paano kung may tibo version ang My Husbands Lover?

Game din pala si Carla kung magkaruon ng programang My wive’s lover o yung magkarelasyon na kapwa babae.

Pati raw sa pelikula especially sa Indie Films ay hindi raw niya ito tatanggihan.

Pero paano kung may kissing scene sa kapwa babae?

Sagot ni carla, “dipende sa makakasama kong artista kung Solen Heusaff diba ang ganda, why not diba?

Maging ang kasintahan ni Carla na si Geoff Eigenman ay game rin daw sa My Husband’s lover.

Ayon kay Carla, Gusto raw ni Geoff ang role ni Dennis Trillo as Erik.

Pero sa ngayon ay abala raw ang kanyang kasintahan sa pagpapapayat dahil kapansin pansin nga sa huling teleserye ni Geoff ang paglobo ng kanyang katawan.

Going strong pa rin naman daw ang relasyon nina Carla at Geoff.



PS. for more Tootie-intriga, makinig po tuwing Lunes hanggang Saturday, 4:30 at Ladies Room every Saturday, 11:00-12:00 NN sa Super Radyo Dzbb 594KHZ. or maaari rin kayong makinig via online streaming http://www.gmanetwork.com/radio/streaming
follow me on twitter and instagram @ilokanonggwapo