CARLA ABELLANA, SIGURADONG ,MGA BARAKO ANG TOMDEN.
“lalaki, lalaking lalaki silang dalawa yun ang
magaling na nacoconvince nila ang manunuod na babae sila kunayari.
Sobrang proud ako sa kanila na kayang magwork ang isang love team na hindi naman
sila magkakatuluyan, ito pa dalawang lalaki …sobrang convincing ang chemistry
nilang dalawa. Pero lalaking lalaki sila yun ang maganda… sabi nga ni Direk Dom
(Dominic Zapata), walang bakla sa show namin pero tignan mo , writers, director
hindi naman bading, pero nagagampananan
nilang mahusay- Carla Abellana
Hanggang ngayon ay hindi
makapaniwala si Carla Abellana sa mainit na pagtanggap ng mga manunuod sa
pinag-uusapang teleserye at ang bagong trending program sa Pilipinas na My
husband’s lover.
Sa panayan ng inyong Your’s
Tootie, sa backstage ng Sunday all star ay tila pinanindigan na ni Carla na
tawagin siya sa labas na Lally.
Masaya nga si Carla dahil
gabi-gabi ay talagang walang mintis na trending ang My husband’s lover sa social
networking site na twitter, take note, hindi lang dito sa Pilipinas kundi worldwide.
Ayon sa napakagandang si
carla…“Nagugulat kami hanggang ngayon na
parang paano nangyari iyon, seryoso ba yun na sa bawat gabing dumaraan ay
trending pa rin ang My husband’s lover, tapos lately hindi na rin siya dito sa
pilipinas trending kundi maging sa ibang bansa worldwide” .
At kahit lunes hanggang
biyernes lamang ang my husbands lover ay nagtretrending din ito sa week-end.
Kaya naman laking
pasasalamat ni Carla sa mga netizens na talaga namang pinag-uusapan ang
kanilang prgrama sa twitter.
Aware ba si Carla sa mga bumabatikos sa kanilang
programa?
“hindi naman lahat matutuwa, syimpre meron pa rin ang
hindi happy o against it pa nga, ani
ni carla.
At bilang pasasalamat sa mga
masugid na manunuod ng My husband’s lover ay every week ay magkakaruon daw sila
ng mall show, hindi lang dito sa Metro Manila
kundi maging sa ibang panig pa ng ating bansa.
Kahapon nga (July 6, 2013)
ay nasa SM Sta. rosa sa Laguna ang casts ng My Husband’s lover
Jam-pack nga ang tao at marami
pa ang hindi nakapasok sa naturang mall.( via dennis Trillo instagram )( http://instagram.com/p/ba__tGwVDP/ )
Sabi nga ni Carla, hindi na
raw nila nakikita ang sahig sa sobrang siksikan ng mga taong dumalo sa kanilang
mall show.
“nakalulungkot
dahil marami ang hindi nakapasok at marami rin ang nasaktan at nadisgrasya, succesfull
naman ang show at natutuwa naman kami dahil walang serious injury na nangyari.
–Carla
Ang My husband’s lover na
nga raw ang maituturing na pinaka memorable na proyektong ibinagay kay Carla.
Sa katunayan, 16 weeks
lamang ang itatakbo nito sa ere at hiling ng napakagandang kapuso actress na ma
extend pa ito ng maraming buwan.
“Nag-uumpisa palang kami at marami ng memories, ayokong
matapos ang show na ito. sinabi ko…sana
magtagal kami ng 3 years, sobrang enjoy kami as a team…ang kukulit nilang lahat
, mabibigat ang mga eksena so nachachalenged kami, masarap yung feeling at yung
suporta ng mga tao”
Paano kung may tibo version ang My Husbands Lover?
Game din pala si Carla kung
magkaruon ng programang My wive’s lover o yung magkarelasyon na kapwa babae.
Pati raw sa pelikula
especially sa Indie Films ay hindi raw niya ito tatanggihan.
Pero paano kung may kissing
scene sa kapwa babae?
Sagot ni carla, “dipende sa makakasama kong artista kung
Solen Heusaff diba ang ganda, why not diba?
Maging ang kasintahan ni
Carla na si Geoff Eigenman ay game rin daw sa My Husband’s lover.
Ayon kay Carla, Gusto raw ni
Geoff ang role ni Dennis Trillo as Erik.
Pero sa ngayon ay abala raw
ang kanyang kasintahan sa pagpapapayat dahil kapansin pansin nga sa huling
teleserye ni Geoff ang paglobo ng kanyang katawan.
Going strong pa rin naman
daw ang relasyon nina Carla at Geoff.
PS. for more Tootie-intriga, makinig po tuwing Lunes hanggang Saturday, 4:30 at Ladies Room every Saturday, 11:00-12:00 NN sa Super Radyo Dzbb 594KHZ. or maaari rin kayong makinig via online streaming http://www.gmanetwork.com/radio/streaming
follow me on twitter and instagram @ilokanonggwapo
No comments:
Post a Comment