Showing posts with label my husband's lover. Show all posts
Showing posts with label my husband's lover. Show all posts

Friday, August 9, 2013

Rodjun Cruz, bagong pantasya ng mga becky dahil sa programang My husband’s lover.




Si Rodjun nga ang bagong character sa pinaka kontrobersyal at ang pinag-uusapang programa ngayon sa telebisyon na My husbands lover.

Ginagampanan niya ang papel na Martin, ang bagong love interest ni Erik (Dennis Trillo).

Ilang beses pa lang siyang lumalabas sa naturang programa ay nakatatanggap na siya ng mga positibong kumento mula sa mga netizen na talaga namang sumusubaybay ng MHL.

Dahil dito, marami tuloy ang nagkakandarapang mga becky kay Rodjun.


Kaya naman hindi nga raw makapaniwala ang actor sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga manunuod.

Sabi ni Rodjun, “isang malaking blessing po ito, kasi nagulat din po ako sa response ng mga tao na kumbaga, di ba? “Siyempre, ang tagal ko na rin pong hindi lumalabas sa soap, tapos paglabas ko, parang ang ganda po agad ng mga sinasabi sa Twitter, sa Instagram”

Kaya naman masayang ikinuwento ni Rodjun sa inyong Yours Tootie ang kanyang pagpasok sa naturang programa.

Nang tawagan daw siya ng kanyang Manager na si Leo Domiguez, ay hindi na raw sila tumanggi pa sa offer.

“Nagulat ako nung sinabihan ako ni Sir Leo kung pwede ako maging part ng My Husband’s lover, sobrang nakakatuwa kasi number one show yan ngayon, halos lahat nanunuod niyan.” Ani ni Rodjun

At kung magkaruon man daw ng mga intimate scene sa My husband’s lover ay handa rin niya itong gawin.

Ayon kay Rodjun…“ Gusto ko yung mga challenging role, ilang taon na rin ako sa showbiz, so madami akong gustong gawin para makita rin ang versatility ko as an actor”

Laking tuwa din ng napakagwapong Aktor na makatrabaho sina Dennis Trillo, Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Kaya naman marami pa raw ang aabangan sa kanya sa My husband's lover.

Pero hindi kaya natatakot si Rodjun na mapagkamalan siyang bakla?

Ayon sa kanya. “kilala ko po sarili ko at alam ng family at friends ko na lalaking lalaki po ako”.



PS. Para sa iba pang Showbiz Balita, tune in lang po sa Super radyo DZBB 594khz every Monday to Saturday 4:30-5:00 at Every Saturday 11:00 -12:00NN.

Follow me also sa twitter;
@yourstootie





Sunday, July 14, 2013

Kapuso covergirl , model actress Solen Heussaff, game ding makipaghalikan sa kapwa niya actress?


Naging usap-usapankamakailan ang Instagram post ng magpinsang Isabelle Daza at Georgina Wilson. Sina Isabelle at Georgina ay matalik na kaibigan ni Solen Heussaff.
"Hindi dapat gawing issue ang pakikipaghalikan sa kapwa babae"- Solen Heusaff
















Nuong nakaraang linggo ay nakausap ko ang leading lady ng pinag-uusapang teleserye na My husbands lover na si Carla Abellana.

At nang tinanong ko kung “what if magkaruon ng girl version ang My husband’s lover”- gagawin niya ba ito?

Walang kagatol-gatol nuon si Carla at sinabing bakit daw hindi!

Game din daw siyang makipaghalikan sa kapwa niya babae sa pelikula basta raw kasing ganda ng isang Solen Heusaf….

Kaya kahapon ay hinunting ko si Solen sa kanyang dressing room sa Sunday All Star para hingan ng reaksyon kaugnay sa pahayag na iyun ni Carla.

Tanong ko agad kay Solen, game din ba siyang gumawa ng isang pelikula na may temang magkarelasyon ang babae at babae at magkaruon ng kissing scene sa kapwa niya babae?

Tugon ni Solen..
“Why not, acting naman, tapos maganda si Carla, super blooming pa ngayon, game naman ako.

Eh ang makipag-halikan sa kapwa niya babae?
Sagot ni Solen…Hindi ko na paghahandaan [ang kissing scene], mabilis lang naman mag-kiss ehh”

Hindi naman daw namimili ng role si Solen, kung ano ibigay sa kanya ay tatanggapin niya ito at pag-aaralan.

“Diba kapag actress ka, dapat papayag ka sa kung anong role na ibibigay sa iyo, challenging din [yung role na ganun], so mag-eevolve din ang acting skills mo, so kahit ano mapunta [na role] sa akin, game naman ako para may challenge talaga” dagdag pa ng kapuso actress.

Samantala, magiging abala na ngayon si Solen sa shooting ng GMA Teleserye na Akin pa rin ang bukas.

Pagbibidahan ito nina Lovie Poe, Cesar Montano at Rocco Nacino.

Makakasama rin sa naturang teleserye ang Veteran Actress na si Helen Gamboa at ang konsehala ng Valenzuela na si Charee Pineda.

Bukod sa teleserye ay may ginagawa ring pelikula si Solen, ang “Its complicated.

Makakasama niya rito sina Eugene Domingo, Paulo Avelino, Maja Salvador at Jake Cuenca.

Naikwento rin sa akin ni Solen na nag-audition siya para sa isang indie movie, pero tumanggi muna siyang magbigay ng detalye.

At dahil sobrang busy ngayon sa trabaho si Solen, naiisip na ba nilang magpakasal ng kanyang Argentinean boyfriend na si Nico Bolzico?

Ayon kay Solen, wala pa raw sa isip niya ang magpakasal.

Masaya raw sila ngayon ng kanyang boyfriend at dalawang taon na raw silang magkarelasyon.



PS. for more Tootie-intriga, makinig po tuwing Lunes hanggang Saturday, 4:30 at Ladies Room every Saturday, 11:00-12:00 NN sa Super Radyo Dzbb 594KHZ. or maaari rin kayong makinig via online streaming http://www.gmanetwork.com/radio/streaming
follow me on twitter and instagram @ilokanonggwapo

Sunday, July 7, 2013

CARLA ABELLANA, SIGURADONG MGA BARAKO ANG TOMDEN.

CARLA ABELLANA, SIGURADONG ,MGA BARAKO ANG TOMDEN.
“lalaki, lalaking lalaki silang dalawa yun ang magaling na nacoconvince nila ang manunuod na babae sila kunayari.

Sobrang proud ako sa kanila na kayang  magwork ang isang love team na hindi naman sila magkakatuluyan, ito pa dalawang lalaki …sobrang convincing ang chemistry nilang dalawa. Pero lalaking lalaki sila yun ang maganda… sabi nga ni Direk Dom (Dominic Zapata), walang bakla sa show namin pero tignan mo , writers, director hindi naman  bading, pero nagagampananan nilang mahusay- Carla Abellana



Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala si Carla Abellana sa mainit na pagtanggap ng mga manunuod sa pinag-uusapang teleserye at ang bagong trending program sa Pilipinas na My husband’s lover.

Sa panayan ng inyong Your’s Tootie, sa backstage ng Sunday all star ay tila pinanindigan na ni Carla na tawagin siya sa labas na Lally.

Masaya nga si Carla dahil gabi-gabi ay talagang walang mintis na trending ang My husband’s lover sa social networking site na twitter, take note, hindi lang dito sa Pilipinas kundi worldwide.

Ayon sa napakagandang si carla…“Nagugulat kami hanggang ngayon na parang paano nangyari iyon, seryoso ba yun na sa bawat gabing dumaraan ay trending pa rin ang My husband’s lover, tapos lately hindi na rin siya dito sa pilipinas trending kundi maging sa ibang bansa worldwide” .

At kahit lunes hanggang biyernes lamang ang my husbands lover ay nagtretrending din ito sa week-end.

Gaya na lamang nuong nag guest sina Carla, Tom Rodriguez at Deniis Trillo sa Eat Bulaga at Startalk.

Kaya naman laking pasasalamat ni Carla sa mga netizens na talaga namang pinag-uusapan ang kanilang prgrama sa twitter.

Aware ba si Carla sa mga bumabatikos sa kanilang programa?
“hindi naman lahat matutuwa, syimpre meron pa rin ang hindi happy o against it pa nga, ani ni carla.

At bilang pasasalamat sa mga masugid na manunuod ng My husband’s lover ay every week ay magkakaruon daw sila ng mall show, hindi lang dito sa Metro Manila kundi maging sa ibang panig pa ng ating bansa.

Kahapon nga (July 6, 2013) ay nasa SM Sta. rosa sa Laguna ang casts ng My Husband’s lover

Jam-pack nga ang tao at marami pa ang hindi nakapasok sa naturang mall.(  via dennis Trillo instagram )(  http://instagram.com/p/ba__tGwVDP/ )

Sabi nga ni Carla, hindi na raw nila nakikita ang sahig sa sobrang siksikan ng mga taong dumalo sa kanilang mall show.

 “nakalulungkot dahil marami ang hindi nakapasok at marami rin ang nasaktan at nadisgrasya, succesfull naman ang show at natutuwa naman kami dahil walang serious injury na nangyari. –Carla

Ang My husband’s lover na nga raw ang maituturing na pinaka memorable na proyektong ibinagay kay Carla.

Sa katunayan, 16 weeks lamang ang itatakbo nito sa ere at hiling ng napakagandang kapuso actress na ma extend pa ito ng maraming buwan.

“Nag-uumpisa palang kami at marami ng memories, ayokong matapos ang show na ito. sinabi ko…sana magtagal kami ng 3 years, sobrang enjoy kami as a team…ang kukulit nilang lahat , mabibigat ang mga eksena so nachachalenged kami, masarap yung feeling at yung suporta ng mga tao”

Paano kung may tibo version ang My Husbands Lover?

Game din pala si Carla kung magkaruon ng programang My wive’s lover o yung magkarelasyon na kapwa babae.

Pati raw sa pelikula especially sa Indie Films ay hindi raw niya ito tatanggihan.

Pero paano kung may kissing scene sa kapwa babae?

Sagot ni carla, “dipende sa makakasama kong artista kung Solen Heusaff diba ang ganda, why not diba?

Maging ang kasintahan ni Carla na si Geoff Eigenman ay game rin daw sa My Husband’s lover.

Ayon kay Carla, Gusto raw ni Geoff ang role ni Dennis Trillo as Erik.

Pero sa ngayon ay abala raw ang kanyang kasintahan sa pagpapapayat dahil kapansin pansin nga sa huling teleserye ni Geoff ang paglobo ng kanyang katawan.

Going strong pa rin naman daw ang relasyon nina Carla at Geoff.



PS. for more Tootie-intriga, makinig po tuwing Lunes hanggang Saturday, 4:30 at Ladies Room every Saturday, 11:00-12:00 NN sa Super Radyo Dzbb 594KHZ. or maaari rin kayong makinig via online streaming http://www.gmanetwork.com/radio/streaming
follow me on twitter and instagram @ilokanonggwapo