Si Rodjun nga ang
bagong character sa pinaka kontrobersyal at ang pinag-uusapang programa ngayon
sa telebisyon na My husbands lover.
Ginagampanan niya
ang papel na Martin, ang bagong love interest ni Erik (Dennis Trillo).
Ilang beses pa
lang siyang lumalabas sa naturang programa ay nakatatanggap na siya ng mga positibong
kumento mula sa mga netizen na talaga namang sumusubaybay ng MHL.
Dahil dito, marami
tuloy ang nagkakandarapang mga becky kay Rodjun.
Kaya naman hindi
nga raw makapaniwala ang actor sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga
manunuod.
Sabi ni Rodjun, “isang malaking blessing po ito, kasi
nagulat din po ako sa response ng mga tao na kumbaga, di ba? “Siyempre, ang
tagal ko na rin pong hindi lumalabas sa soap, tapos paglabas ko, parang ang
ganda po agad ng mga sinasabi sa Twitter, sa Instagram”
Kaya naman masayang
ikinuwento ni Rodjun sa inyong Yours Tootie ang kanyang pagpasok sa naturang
programa.
Nang tawagan daw
siya ng kanyang Manager na si Leo Domiguez, ay hindi na raw sila tumanggi pa sa
offer.
“Nagulat ako nung sinabihan ako ni Sir Leo kung pwede
ako maging part ng My Husband’s lover, sobrang nakakatuwa kasi number one show
yan ngayon, halos lahat nanunuod niyan.” Ani ni Rodjun
At kung magkaruon
man daw ng mga intimate scene sa My husband’s lover ay handa rin niya itong
gawin.
Ayon kay Rodjun…“ Gusto ko yung mga challenging role, ilang
taon na rin ako sa showbiz, so madami akong gustong gawin para makita rin ang
versatility ko as an actor”
Laking tuwa din ng
napakagwapong Aktor na makatrabaho sina Dennis Trillo, Tom Rodriguez at Carla Abellana.
Kaya naman marami
pa raw ang aabangan sa kanya sa My husband's lover.
Pero hindi kaya
natatakot si Rodjun na mapagkamalan siyang bakla?
Ayon sa kanya. “kilala
ko po sarili ko at alam ng family at friends ko na lalaking lalaki po ako”.
PS. Para sa iba pang Showbiz Balita, tune in lang po sa Super radyo DZBB 594khz every Monday to Saturday 4:30-5:00 at Every Saturday 11:00 -12:00NN.
Follow me also sa twitter;
@yourstootie
No comments:
Post a Comment