Monday, August 26, 2013

Ilang sikat na personalidad, nakiisa rin sa #MillionPeopleMarch kontra pork barrel.



Mayaman man o mahirap, babae, lalaki, tomboy at mga bakla at ilang sektor sa ating lipunan ay nagkaisa kahapon sa isinagawang one million march, na kung saan protesta laban sa pagbuwag ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o "pork barrel" na idinaos sa Luneta at Quirino Grandstand.

Libo-libong Pilipino ang nagkaisa- maging ang ilan natin kababayan sa ibang bansa ay sumuporta sa naturang protesta.

Pati ang ilang pinoy celebrities ay nakilahok din sa isinagawang programa bilang pagsuporta na itigil na ang ginagawang pangungurakot ng mga iniluklok sa pwesto na nagbubulsa ng kaban ng bayan sa pamamagitan ng kanilang pork barrel.

Ilan sa mga namataan sa programa ay ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez, Rommel Padilla,ang mag-amang sina Ping at Pen Medina, Pinky Amador, Jim Paredes, Willy Revillame, Raymund Gutchirez, Isabel Daza, Georgina Wilson, Fredie Aguilar ,Leo Martinmez, Pia Magalona, Direk Joey Reyes,Edu Manzano,Candy Panilinan at 1969 Miss universe Gloria Diaz.

Hindi man nakapunta sa Luneta ang kapuso nating si Dingdong Dantes ay nagpahayag siya ng suporta sa kanyang official twitter account.

Ayon kay dingdong, nakikiisa siya sa million people march para ibasura na ang pork barrel.

Hayaan din daw marinig ang boses ng masa sa mapayapang pamamaraan dahil ang kay juan ay kay juan, pero nasaan na raw ang inaasahang kaban ng bayan.

Dagdag pa ng kapuso actor, ang 10 billion pesos na napunta sa bulsa ng mga corrupt ay maaari na raw sanang makapagpatayo ng 16 thousand na classrooms.

Nanawagan din sa kanyang instagram account si Anne Curtis na itigil na ang pangungurakot sa gubyerno.

Ayon kay anne, “maawa naman kayo. That hard earned money should be going towards GOOD USE and the BETTER of OUR COUNTRY and the PEOPLE who need OUR HELP. It was NEVER meant for YOU to put in your own pockets.”

Ang pakikiisa ng mga personalidad sa mapayapang martsa ay patunay lamang na mapa-artista man o ordinaryong mamayaan ay iisa ang isinisigaw…
Ang tuldukan na ang ugat ng katiwalian.

No comments:

Post a Comment