Habang tayo ay nabubuhay ay dumarating sa puntong napapagod tayo sa ilang mga bagay-bagay.
Ang ilan, nagpapatiwakal at ang iba naman ay nasisira ang buhay.
Masaya ang mabuhay, pero paano ba maging kapanipakinabang ang buhay?
1. Smile, kahit konti lang- ang pagiging masiyahin ay magdudulot ng
kakaibang pakiramdam, hindi lang sa sarili kundi maging ang taong
makakakita sa iyo, yun nga lang wag sanang ikaw ay mapagkamalan na baliw. dapat ay "ngiting nakakapagpasaya sa kapwa mo"
2. Galaw-galaw para di ma stroke- kesa sa maghapon lang nag fafacebook o
nakikipag tsismisan, ilaan ang mga bakanteng oras sa mas
kapakapakinabang. maaaring maghanap ng extra kita o kaya sideline.
3. Tulong-tulong sa pagsulong- hindi magiging maganda ang isang bayan o
lugar kung hindi nagtutulungan. hindi matatapos ang isang bagay kung
hindi magkapit bisig. kaya ang dapat....wag makasarili,maging matulungin
parati.
4. Bayani kapuripuri- hindi purket bayani kailangan mong lumaban sa
himagsikan, pwede kang maging idolo ng ilan sa ibang paraan, ipakita mo
kung ano meron ka na pwedeng ipagmalaki ng ating bayan, para sasabihin
ng iba, idol ko yan!
5. Magiging kapakapakinabang ang buhay kung ginagamit ang puso at isip.
wag padadala sa emosyon-kasi magkakaruon ng komosyon. gaya na lamang ng
pang aaway sa facebook, nakikisawsaw sa usapin na hindi ka naman kasali,
kaya para masaya ang life. think before you click.
6. Magtrabaho at hindi manloko, aba naman matutong magbanat ng buto,
walang kurso sa kolehiyo sa panloloko, kaya mgkaruon ng puso at hiya.
gawing kapakapakinabang ang buhay dapat wag manggulang.
7.Ariba sa tiwala, wag mawalan ng pag asa, habang may hininga, malamang
buhay ka pa. magkaruon ng tiwala sa sarili na kaya mong gawin o makuha
ang bagay na gusto mo. masasabi mong kapakipakinabang ang buhay pag ang
pangarap nalasap!
8. Lumapit kay lord, wag sa drug lord- wag sirain ang buhay. matutong labanan ang tukso para buhay hindi agad sumuko.
9. Pagmamahal ay ialay, para masaya parati ang buhay.
ipakita ang pagmamahal hindi lang sa iyong kasintahan. masaya ang walang
kaaaway at pairalin parati ang pagmamahal, dahil kapag ikay nabubuhay
sa galit, for ever kang pangit!
PS.
follow me on twitter and instagram
@CharmaineEiy
No comments:
Post a Comment