Tinutukso nga si Christian ngayon
kay Andrea matapos ang balitang hiwalay na iyun sa kanyang Singaporean
Girlfriend na si Carla Dunareanu.
Nang makausap ng inyong Your’s
Tootie si Christian ay sinabi nitong hindi niya muna iniisip ang kanyang buhay
pag-ibig.
Ayaw din niyang mag-kumento sa
mga pahayag ni Andrea na may posibilidad na magustuhan siya nito.
Nang makausap ko kasi si
Andrea ay sinabi niyang tipo raw niya ang mga katulad ni Christian Bautista.
Sabi ni Christian, basta sa
ngayon ay ini-enjoy nila nina Andrea at Mikael Daez ang kanilang programa.
Lalo nga raw nilang
pinagbubutihan ang kanilang trabaho para lalong tangkilikin ng publiko ang With
a smile.
At sa katunayan, pakaabangan
din daw ang mga bagong character na papasok sa naturang programa.
Eentrada kasi sa With a
smile ang mga Kapuso nating sina Max Collins at Sam Pinto.
Napre-presure ba siya sa rating ng kanilang
programa?
Hindi naman daw
na-pre-presure si Christian pagdating sa ratings ng with a smile.
Aniya “im doing this for my
friends and to my co-workers not for the ratings”
To work with his ex-girlfriend
Willing din si Christian na
makatrabaho sa isang proyekto ang dati niyang kasintahan na si Rachelle Ann go.
“With the right project, why
not kasi ayaw ko namang gagawa kami ng proyekto kasi may something sa amin” pahayag
ng napakagwapong Kapuso Singer/Actor.
PS. para laging updated sa Showbiz Balita, makinig sa Super Radyo DZBB every Monday to Saturday 4:30-5:00
At ladies room every Saturday 11:00 - 12NN
Follow niyo rin ako sa twitter at Instagram
@yourstootie
No comments:
Post a Comment