Nuong nakaraang araw (August 13,2013) ay
nagsampa ng reklamo ang actress na si Sunshine Cruz laban sa kanyang asawa na si Cesar Montano.
At kahapon (August 15,2013) ng alas-otso ng
umaga ay nagkita ang dalawa sa Quezon City Hall of Justice para sa pagdinig nang
inihain na permanent protection order ni Sunshine laban kay Cesar dahil sa di
umanoy panggagahasa at pang-aabuso nito.
Iniutos naman ng korte na
magsumite ang dalawang kampo ng position paper bago ang clarificatory hearing
sa September 2.
Matapos duon ay dumiretso ang dalawa sa branch 107 ng QC RTC para sa Habeas Corpus na isinampa ni Sunshine para sa kustudiya ng kanyang mga anak.
Sa naturang court room ay muling nakita at nayakap ni Sunshine ang nawalay niyang mga anak makalipas ng dalawang linggo.
Kinausap ang dalawang kampo
ni presiding Judge Jose Bautista Jr. ng Branch 107.
Naging maganda naman ang pag-uusap ng mag-asawa.
Kaya naman nakangiti silang
lumabas sa court room, pero tumanggi silang magbigay ng pahayag dahil na rin sa
gag order na inilabas ni Judge Bautista.
Pero ganun pa man, tuloy pa
rin ang kasong 9262 o ang Violence Against Women and their Children Act na
isinampa ni Sunshine laban kay Cesar.
No comments:
Post a Comment