Tuesday, August 27, 2013

LIST OF NAMES NOW BEING CONSIDERED TO REPLACE PDAF



Ilang dekada na pala tayong niloloko dahil sa pork barrel na yan.

kaya pala dumadami ang mga gahaman, mga pamilyang gustong tumakbo sa Kongreso at Senado dahil sa laki ng kikitain nila sa kanilang NEGOSYO? PWESTO? 

Ang dapat sana na lingkod bayan ay siya pala ang magbubulsa ng kaban ng bayan.

Ang pulitiko na tutulong sana sa mahihirap ang siya pala ang magpapahirap.

Ang ibinayad ng mga walang pusong pulitiko na isangdaan sa mga botante nuong eleksyon ay bawing-bawi pala kapag sila ay nakaupo na.

Ngayon, alam na ng taumbayan kung bakit may nagpapatayan para lamang sa inaasam na pwesto- iyun ay hindi dahil sa gustong magsilbi kundi para angkinin ang dapat  na para sana sa bayan ni Juan.

Nakalulungkot isipin na marami ang naghihirap, kahit 200pesos na lang ang pera ni Juan DelaCruz ay ipapambili pa niya ito ng gamot na may TAX na napupunta sa gubyerno.

Ang karaniwang empleyado na kahit hindi sapat ang benepisyo ay kaltasado na agad ang TAX nito pagdating ng kinsenas at katapusan.

Pero ang TAX pala na yan ay napupunta lang sa mga kurakot na pulitiko, isama mo na diyan itong sikat na sikat na si Janet-Lim Napoles, pa-utograph naman.

Ang nakakagalit, Kumakayod kalabaw ang mga Juan DelaCruz, samantala itong si Napoles and friends ay nagpapakasa sa pera na pinaghirap ng taumbayan.

Ang kakapal talaga ng Mukha, pu-TAX ng ina niyo!!!!!

Sabi nga ni PNoy "saan kayo kumukuha ng kapal ng inyong mukha?"

Hustler, Notorious- ganyan ko isalarawan itong si Napoles at ang kanyang mga kasabwat.

Daig pa nila ang mga manunulat na bumubuo ng isang teleserye.

sige gawan natin ng proposal:

TITTLE: TBA, kayo nalang mag-isip.

Character: siyempre ang bida si Napoles.
Isama mo na rin diyan ang mga taong hindi pa ata naipapanganak ay ipinasok na sa eksena ng panloloko.

At para hindi malungkot ang ating superhero; gaya ni Darna ay may Ding, si Batman ay may Robin itong ating bida may partner-in-crime din, at take note madami sila kaya malakas ang pwersa.

costumes ng kasabwat: ayaw ko na ang panty na gaya ni Darna na may panyo pa, or yung nasa labas ang brief, literal na lang naka barong? naka terno at nakakurbata para MIB lang diba?


SETTING: sa kunyaring tanggapan ng mga pekeng NGO, hmmmm.... sa bahay ni Kong? may agimat ba duon? ay sige wag na duon magagalit ang manong ko, sa fastfood na lang sa bandang San Juan para pagsaluhan nila ang malutong na Lapid chicharon.

PLOT: tinatanong pa ba yan, siympre ang mangkubra ng pera ng bayan. 
(conflict) nabunyag na lahat ng sangkot at lalong sumikat si Napoles dahil maging sa interpol may fansclub siya duon "WANTED Napoles" taray ang lola diba?  
eh ano ang ending? malamang walang mapaparusahan hanggang iimbestigahan lang naman nangyayari dito sa atin eh, may bago pa ba? pero papayag ba tayo?

At matapos ngang pagplanuhan ang pelikula, heto na ang inaabangan, kumita ba?

Well, kahit hindi naipromote sa mall shows at sa facebook itong pelikula nina Napoles and friends ay daig pa ang Sistera sa kinita, walang kahirap-hirap- box office hit agad ito!

At dahil nga sa sobrang hit ng pelikula na pinondohan ng taumbayan ay may bonus si Napoles at ang kanyang anak, (mga sasakyan at bahay at mamahaling gamit)

Pero , eto eh, hindi man lang siya nagpasalamat sa atin, tumakas na.. unfair!!!!!!
diba may part 2 pa, the prisoner? 

JUST IN: Hindi lang pala 10 billion pesos ang nakubra nitong Napoles and Friends dahil tumataginting daw na 100 Billion pesos.

pu-TAX ng ina naman, ang laki nuon ah, imagine,...walang kahiraphirap na pumila sa lotto outlet, nanalo agad ng super jackpot prize? (may agimat nga) 

Ang bilyung-biyong piso na napunta lang sa bulsa nina Napoles and friends ay marami na sanang paglalaanan.

ilang mahihirap na  sana ang pwedeng magkaruon ng maliit na pagkakakitaan?

ilang silid aralan na sana ang maipapatayo?

ilang ospital na sana ang maipapagawa?

ilang kalsada na sana ang hindi huhukayin at muling ipapagawa ay este ilang kalsada na ang maaayos?

grabe lungs, wala silang puso, yun lang yun.
kapag dumadaan sila sa bakung-bakung na daan, keber lang na tumatalbog ang pwet nila may pang beke belu naman sila.

kapag may nakikita silang pulubi,malamang dadaanan lang, wala ngang puso diba?

mga walang tahanan, hindi sila affected, kasi maayos na ang buhay nila

mga kumukubang obrero, magpapasalamat sila dahil sa tax natin may pera ngayon ang Napoles and friends.

Sige na nga tama na, hanggang dito na lang, puntuhin ko nalang ang gusto kong sabihin.

IBASURA NA ANG PORK BARREL.
PANAGUTIN ANG MGA KURAKOT NA SENADOR AT KONGRESISTA-MAGING ITONG SI "oink-oink queen" JANET LIM-NAPOLES.

At bago mag-init ng husto ang ulo ko, may mungkahi ang ilang nating kababayan sa pagbago ng PDAF o Pork barrel.

Ayan basahin niyo na lang, marahil matutuwa kayo ng ilang minuto pero ang galit sa Napoles and friends, forever na yan- puTAX ng ina nila!

LIST OF NAMES NOW BEING CONSIDERED TO REPLACE PDAF:

1. Budgetary Allocation for Collaborative Outreach Nationwide (BACON)
2. Lawmakers Initiative for Emergency, Miscellaneous and Personal Outlay (LIEMPO)
3. Livelihood Empowerment for Countrywide Humanitarian Outlaw Network (LECHON)
4. Pinagandang Iligal na Gastusin (PIG)
5. Countrywide Universal Priority Initiatives Treasury (CUPIT) Fund
6. Totally New Government PDAF Audited to Satisfaction (TONGPATS)
7. National Assistance Program of Lawmakers Engaged in Swindling (NAPOLES)
8. Holistic Lawmaking for Development of All Filipinos (HOLDAF)
9. Selective Enforcement of Budgetary Outlays (SEBO)
10. Government Outlay Line-itemized and Appropriated Yearly (GOLAY)
11. Fund Integration for Social Housing (FISH)
12. Bridges, Excavations & Elevated Roads Fund (BEEF)
13. Countrywide Allocations With Accountability and Transparency (CAWAT)
14. National Allotment for Countryside Amelioration and Welfare (NACAW)
15. PNoy's Initiative for Good Governance CountrYwide (PIGGY))
16. Countrywide Assistance for Special and Important Matters (CASIM)
17. Budget for Allies for Continuation of Party Dominance (BACON-PD)
18. Hearty Allocation of Money (HAM).
19. Benigno Aquino Development Assistance Fund (BADAF)
20. Countrywide Outreach and Rehabilitation Assistance Fund (CORAF)
21. BSA's Awesome Budget for Outstanding Allies of the Year (BABOY)
22. Horrifyingly Unlimited Money for Belmonte, Aquino and Allies (HUMBA)
23. Pnoy's Allowance and Treasury Allocation (PATA)
24. President Aquino’s Nationwide Outlay for Transparency (PANOT I)
25. President-Approved National Outlay from Treasury (PANOT II)
26. President Aquino's Political Action and Initiative for Total Allocation of National Budget (PAPAITAN)
27. Social Initiative for Service in Governance (SISIG)
28. President’s Overt Revenue Kickback (PORK)
29. President’s Outlay for Countrywide Handling of Emergency Rehabilitation for Opulence (POCHERO)
30. Outlay for the Interest of Noynoy and Kinsfolks (OINK)
31. Countrywide Re-distribution of the Inherent Source of Patronage for the Yellow President’s Allies, Toads and Associates (CRISPY PATA)
32. Legislative Allocation for Reform and Development (LARD)
33. Barangay Initiatives for New Allocations Granting Oversight On Non-Government Associations Nationwide (BINAGOONGAN)
34. Presidential Oversight for Relatives and Kin with Budgetary Entitlement from Legislative Largesse Yearly (PORK BELLY)


35. National Allotment for Countrywide Amelioration and Welfare Initiative Fund (NACAWIN FUND)


-someone post this on my FB and i want to share with you my labs.
hope you like it.

#scrapporkbarrel
#napoles
#pdaf

No comments:

Post a Comment