Nuong nakaraang linggo ay
nakausap ko ang leading lady ng pinag-uusapang teleserye na My husbands lover
na si Carla Abellana.
At nang tinanong ko kung
“what if magkaruon ng girl version ang My husband’s lover”- gagawin niya ba
ito?
Walang kagatol-gatol nuon si
Carla at sinabing bakit daw hindi!
Game din daw siyang
makipaghalikan sa kapwa niya babae sa pelikula basta raw kasing ganda ng isang
Solen Heusaf….
Kaya kahapon ay hinunting ko
si Solen sa kanyang dressing room sa Sunday All Star para hingan ng reaksyon kaugnay sa
pahayag na iyun ni Carla.
Tanong ko agad kay Solen,
game din ba siyang gumawa ng isang pelikula na may temang magkarelasyon ang babae
at babae at magkaruon ng kissing scene sa kapwa niya babae?
Tugon ni Solen..
“Why not, acting naman, tapos maganda si Carla, super
blooming pa ngayon, game naman ako.
Eh ang makipag-halikan sa
kapwa niya babae?
Sagot ni Solen…Hindi ko na paghahandaan [ang kissing scene],
mabilis lang naman mag-kiss ehh”
Hindi naman daw namimili ng
role si Solen, kung ano ibigay sa kanya ay tatanggapin niya ito at pag-aaralan.
“Diba kapag actress ka, dapat papayag ka sa kung anong
role na ibibigay sa iyo, challenging din [yung role na ganun], so mag-eevolve
din ang acting skills mo, so kahit ano mapunta [na role] sa akin, game naman
ako para may challenge talaga” dagdag
pa ng kapuso actress.
Samantala, magiging abala na
ngayon si Solen sa shooting ng GMA Teleserye na Akin pa rin ang bukas.
Pagbibidahan ito nina Lovie
Poe, Cesar Montano at Rocco Nacino.
Makakasama rin sa naturang
teleserye ang Veteran Actress na si Helen Gamboa at ang konsehala ng Valenzuela
na si Charee Pineda.
Bukod sa teleserye ay may
ginagawa ring pelikula si Solen, ang “Its complicated.
Makakasama niya rito sina
Eugene Domingo, Paulo Avelino, Maja Salvador at Jake Cuenca.
Naikwento rin sa akin ni
Solen na nag-audition siya para sa isang indie movie, pero tumanggi muna siyang
magbigay ng detalye.
At dahil sobrang busy ngayon
sa trabaho si Solen, naiisip na ba nilang magpakasal ng kanyang Argentinean
boyfriend na si Nico Bolzico?
Ayon kay Solen, wala pa raw
sa isip niya ang magpakasal.
Masaya raw sila ngayon ng
kanyang boyfriend at dalawang taon na raw silang magkarelasyon.
PS. for more Tootie-intriga, makinig po tuwing Lunes hanggang Saturday, 4:30 at Ladies Room every Saturday, 11:00-12:00 NN sa Super Radyo Dzbb 594KHZ. or maaari rin kayong makinig via online streaming http://www.gmanetwork.com/radio/streaming
follow me on twitter and instagram @ilokanonggwapo
No comments:
Post a Comment