Sa ngayon daw ay maayos sila
ng dating niyang kasintahan at maging sa ina nitong si Nadia Montenegro.
Ayaw daw ni Mark na
pag-usapan sa publiko ang kanilang hiwalayan, dahil ayaw niyang masira ang pag-aaral
Ynna.
Ayon kay mark…“si Ynna ay focus sa pag-aaral niya at ako
naman sa aking trabaho kaya ayaw naming pag-usapan ang aming hiwalayan dahil
masyado kaming pagpi-piyestahan ng media”
Pero habang tumatakbo ang panyam
ay pasundot-sundot din na sinasagot ni Mark ang tanong na may kinalaman sa hiwalayan
nila ni Ynna.
Nilinaw ni Mark na walang
money involved sa kanilang break-up at nagkausap na rin sila ni Nadia Montenegro.
“Nag-usap kami ni Tita Nadj. [Nadia Montenegro] lahat okey kami. Walang
money or barkada involved” saad ng
aktor.
At gaya ng pahayag ni Ynna sa blog ni Darla Sauler
ay susuportahan din niya ang dati niyang kasintahan.
Sinabi ni Ynna kay Darla na
susuportahan niya si Mark.
At gaya ni Mark, hindi rin sinabi ng anak ni
Nadia ang dahilan ng kanilang hiwalayan.
Samantala, Hindi rin daw galit
o nagtatampo si Mark kay Kylie Padilla.
Napabalita kasing si Kylie
ang nagbigay ng clue kung bakit nalaman ng publiko ang tungkol sa hiwalayan ng
dalawa.
Sa katunayan habang kausap
ko si Mark ay dumating si Kylie at nagyakapan pa sila.
“hindi-hindi [ako nagtatampo], alam ko naman dapat na
iba ang personal sa trabaho, alam kong lahat naman kami mayruon kaming
pinagdadaanan.
Pero ang tanong, may
posibilidad kaya na magkabalikan sina Mark at Ynna?
Ayon kay Mark…
“May posibilidad, pero sa ngayon ay focus muna ako sa
trabaho at ganun din si Ynna sa kanyang pag-aaral”
Kaya naman wala raw oras si
Mark para makipagdate sa ibang babae.
“focus ako sa trabaho yun lang, final, trabaho muna
ako”
Samantala may bagong soap
opera na gagawin si Mark sa Kapuso Network.
Ayon kay Mark, wala pa
siyang detalye, pero baka sa August daw ito ipalabas
Willing naman si Mark na
makatrabaho muli ang dati niyang kasintahan na si Jennylyn Mercado.
PS. for more Tootie-intriga,
makinig po tuwing Lunes hanggang Saturday, 4:30 at Ladies Room every
Saturday, 11:00-12:00 NN sa Super Radyo Dzbb 594KHZ. or maaari rin
kayong makinig via online streaming http://www.gmanetwork.com/radio/streaming
follow me on twitter and instagram @ilokanonggwapo
No comments:
Post a Comment