PELIKULANG MY LADY BOSS,
TULOY NA TULOY NA!
(late post for this blog purposes only, this was aired last July 1 in Super Radyo dzbb594Khz, via Umaga na, Balita na)
Ilang beses ko nang nakapanayam itong napaka-gwapong si Richard Gutierrez sa tuwing ako’y umuupo (pinchit) sa programa ni German “Kuya
Germs” Moreno
na Walang Siesta sa dzbb.
Kaya sa tuwing nakakausap ko
ng live sa radyo si Richard ay bumabalik pa rin ang pagiging die hard fan ko- panahon
pa lang ng Mulawin sa Kapuso Network.
Kaya naman nuong nakalipas
lamang na Linggo (June 20, 2013) ay muling dumalaw si Richard sa programa ni Kuya
Germs para i-promote ang pelikula nila ni Marianne Rivera na my lady boss.
Bago magsimula ang
live-interview niya kay Kuya Germs ay nakausap ko muna si Richard.
Wala pa palang tulog ang
aktor dahil kauuwi lamang niya galing Switzerland na kung saan nakasama
niya ng ilang araw ang kanyang kasintahan na si Sarah Labhati.
“Trabaho agad” ….yan ang sabi sa akin ni Richard, kaya naman kahit nakikita kong
inaantok pa ang mga mata ni Richard ay game pa rin ito sa kanyang trabaho para
i-promote ang kanilang pelikula.
The Primiere Night
Kagabi, (June 30, 2013) ay naganap ang primiere night ng pelikulang My lady
Boss sa Cinema 10 ng SM Megamall.
Dinumog ng mga fans ang
naturang premiere night.
At siympre bago lumakad sa
red carpet sina Richard at Marianne ay nakausap ko muna sila sa holding
area.
Masaya ang dalawa dahil sa
wakas ay matutuloy na ang pagsasapalabas ng kanilang pelikula na ilang beses
nang naiurong ang play date nito sa mga sinehan.
Ani ni Marianne; ..”Siyempre alam naman natin kung bakit na
moved yan wag na tayo magpapaligoy-ligoy pa, ang importante (ay) ipapalabas na
siya at heto na siya….mas matitindi pa ata yung mga kalaban namin (na pelikula
sa ngayon), pero okey lang, ang importante ay naenjoy namin ang movie at alam namin
na andiyan yung mga sumusuporta sa amin”
Kaya naman may mensahe sina
Richard at Marianne sa kanilang mga fans.
“Salamat sa kanila, sana magustuhan nila ang pelikula”- Marianne
“Nagpapasalamat kami ni Yan (Marianne) sa lahat nang
sumusuporta at nagmamahal sa aming dalawa. Sa lahat nang excited manuod (sa my
lady boss) sana
magustuhan niyo”- Ricahard
Bukod sa mga fans ay full-force
din sa pagsuporta ang pamilya nina Richard at Marianne.
Namataan ko sa red Carpet
ang Lola ni Marianne na si Francisca Rivera at ang Mama ng kapuso actress.
Present din sa Premiere
night ng my lady boss ang mga magulang ni Ricahrd na sina Annabell at Edie
Guttierez at ang kanyang mga kapatid na sina Ruffa at Raymund.
Bagamat wala sa red carpet
ang kasintahan ni Richard na si Sarah Labhati, ay nakita ko naman duon ang
kanyang nanay na si Ginang Esther Labhati.
Ayon kay Richard, “we invited everyone, lahat ng close sa
family namin, relatives and friends, we invited her (nanay Esther) and I’am
happy she’s here”
My lady boss on its 2nd
week!
Promise sulit ang bayad mo sa pelikulang ito...
The link below is the official teaser of the said movie.
http://www.youtube.com/watch?v=NL70VkpRY0g
No comments:
Post a Comment