“May pinaghahandaan ako today, na may kinalaman sa
kaseksihan, malalaman niyo rin this year”
HANDA NA BANG MAGPA-SEXY SI ALDEN RICHARD?
Talagang mabait itong kapuso
heartthrob na si Alden Richard dahil walang kakeme-keme nang hinila namin siya para
makapanayam nuong Sunday sa backstage ng Sunday all Star.
Game parati at magiliw si
Alden sa tuwing nakakapanayam namin.
Ikinatuwa ni Alden ang resulta
sa ginawang poll ng isang magazine.
Siya kasi ang nanguna sa
botohan sa sexiest man category, kaya naman laking pasasalamat ng actor lalong
lalo na sa Aldenatics.
Ani ng napakagwapong si
Alden…
“I’m
very thankful sa chance of being a part of that category.
“and of course sa Aldenatics po who continue to vote,
kasi that’s based on Internet voting.
“Kung hindi sa fans, lalo na sa Aldenatics, hindi
naman po ako mananalo.
“So, thank you. I feel honored and proud po.”
At dahil siya ang nanguna sa
poll, feeling ba ni Alden sexy siya?
“Getting there, since tumatanda na po ako kailangang
mag-venture into a new image para maiba naman ang branding sa tao, kasi tapos
na ako sa pa-sweet, pa tweetums, siguro ngayon more mature more daring”. saad ni alden
At pati sa pagsagot sa aming
tanong kung ano ang kahulugan niya ng kaseksihan ay parang sumasagot sa beuty
pageant itong si Alden.
Sabagay dati na pala siyang
sumali sa isang pageant sa Laguna.
Ayon kay alden, ang
kahulugan niya ng sexiness ay …. Sexiness
comes from inside. Kasi kung sexy ka inside, sexy ka outside. It’s more of ano…
the qualities you have. Na siguro it’s based on attitude din. And at the same
time, yung physical body, yung panlabas is just a bonus. It’s more on how you
carry yourself outside.”
Samantala, nagsimula na
siyang mag-shooting para sa pelikulang 10,000 hours na official entry sa 2013
Metro Manila Film Festival.
Ang naturang pelikula ay
tungkol sa buhay ni Senador Ping lacson.
Si Alden ang gaganap na
batang Lacson at si Robin Padilla naman ang gaganap sa present life ng naturang
Senator.
Kailangan daw nilang matapos
lahat ng eksena dito sa Pilipinas bago mag August.
Tutulak daw kasi sa Amsterdam ang production
ng 10,000 hours kasama si Robin Padilla sa darating na buwan ng Setyembre.
Pero yun nga lang hindi
kasama sa naturang bansa si Alden.
PS. for more
Tootie-intriga, makinig po tuwing Lunes hanggang Saturday, 4:30 at
Ladies Room every Saturday, 11:00-12:00 NN sa Super Radyo Dzbb 594KHZ.
or maaari rin kayong makinig via online streaming http://www.gmanetwork.com/radio/streaming
follow me on twitter and instagram @ilokanonggwapo
No comments:
Post a Comment