Hanggang sa mga sandaling ito ay mainit pa
rin na pinag-uusapan ang pinaka-kontrobersyal na programa ngayon sa telebisyon
na My husband’s lover.
Hindi lang sa mga
nagtsitsismisan sa palengke at opisina, hindi lang ang mga parlorista kundi
maging ang mga kalalakihan sa kanto.
Patunay yan na mula day 1
hanggang day 29 ay talaga namang walang mintis na nagtretrend ang naturang
programa sa social networking site na twitter- dito sa pilipinas at worldwide.
Binago nga ng My husband’s
lover ang karaniwan nating napapanuod na serye sa TV.
Kung dati ay laging umiikot
ang kwento sa…
Isang mayaman at isang
mahirap na nagmamahalan.
Pinagpalit na anak.
Againts all odds na relasyon
At paghihiganti ng isang mahirap na biglang
yumaman.
Ngayon, ang kwento ng My
husband’s lover ay talaga namang patunay na walang sinuman ang makapagdidikta
ng tunay na nararamdaman ng isang taong umiibig, mapalalaki man o sa babae.
Kwento ito ng isang babaeng
si Lally (Carla Aberllana) na ikinasal kay Vincent (Tom Rodriguez).
Walang kaalam alam si Lally na
may matagal na palang inililihim ang kanyang mister na si Vincent.
Ang lihim na ito ang siyang
susubok sa relasyon ng mag-asawa.
Ang lihim na pilit nuon
na itinutuwid ni Vincent.
Ang Lihim na ito ay ang
relasyon ni Vincent sa kanyang high school friend na si Erik- mga kapwa
bisekleta, bakla, paMENta o mga baklang nagbibihis lalaki para maitago ang
pagiging bakla nila sa ibang tao.
Kaya naman ang seryeng ito
ang nagpabago rin sa mga pangkarinawan papel ng bakla sa mga pelikula o
programa sa TV.
Kapag bakla kasi ay dapat
magbihis babae, kailangang nakakatawa at karaniwang kaibigan ng bida lamang ang
papel nila.
Pero dito, ang mga bakla at
ang kwenetong pag-ibig ng dalawang lalaki ang ipinapakita.
The big secret reveal!
Tumigil nga raw ang mundo
ayon kay Carla sa episodes 24 at 25 ng My husband’s lover.
Sa mga naturang episode ay
natuklasan na ni Carla ang inililihim na relasyon ng kanyang asawa at ni Erik.
Dito ay nakita ang husay ni
Carla sa pag-arte mula sa kanyang mga emosyon at pagbitiw ng mga linya.
Kaya naman maging ang ilang
malalaking artista sa kabilang stasyon ay pinuri ang galing nina Carla, Tom at
Dennis.
Tulad na lamang nina Mr. Fu,
Direk Joey Reyes,Vice Ganda at ang Queen of all media na si Kriss Aquino.
Ang Sa Akin lang (ASAL)
Sabi ko nga, hindi lang ang
kwento ng My husbands lover ang dapat abangan.
Dahil kakaiba rin ang mga
stylized shots ni Direk Dom Zapata, mula sa kanyang mga transition at
cinematography.
Swak din ang napiling kanta
para sa naturang programa na talaga namang pambansang kanta na ngayon ng mga
bakla- ang One more try ni Kuh Ledesma at ang Get me over ni Jonalyn Viray.
Pero higit sa lahat ay
puring-puri ako kay Ma’am Suzette Doctolero dahil sa magandang takbo ng kwento
ng My husband’s lover.
Mula sa mga quotable lines
nina Mama Sol, ni General at mga “ika” nga ni Lally ay talaga namang tumatatak
sa mga manunuod.
Patunay lamang na ang
programang ito ang pinakamagandang serye na ngayon sa Pilipinas na ginawa ng
Kapuso network.
Marami pang aabangan…
At ngayong nagkabukingan na,
ano pa ang mga mangyayari?
“yan ang dapat abangan sa
mga susunod na araw.
Pero unang Linggo pa lang nuon ng My husband’s lover ay bumisita sina Tom at Dennis sa programa ni Kuya Germs na Walang Siesta kasama ang kanyang mga Badingding sa dzBB 594 (AM Flagship radio ng GMA-7).
Nandun din ako sa tabi nina
Tom at Dennis para maki-istorbo.
Talaga namang tilian ang mga tao nuon sa loob nang masilayan ang dalawa.
Kasama nuon ng Team Tomden si richard Guttierez, pero mas napunta ang attention ng mga tao sa news room sa nabuong love team nina Dennis at Tom.
Panoorin ang video sa ibaba
para sa ilang highlights ng panayam ni Kuya Germs.
No comments:
Post a Comment