Sabi nga ng isang sikat na
kasabihan, its better to give than to receive.
ang konting bagay pag
nakatulong ka sa iyong kapwa na bukal sa iyong puso ay pinagpapala, ika nga.
Narito ang ilang tips na maaari
niyong Gawain na makatulong sa kapwa.
Maging responsable sa kapaligiran at inyong mga kasamahan.
Bawal ang makalat- kung ikaw ay matinong tao ang iyong basura ay ibulsa mo nalang kasi
kapag itinapon mo yan sa kalsada, kawawa naman ang mga MMDA na nagwawalis hindi
po ba?
Bawal maingay- nakakairita ang maingay hindi ba? Para
makatulong sa kapwa at hindi mabasag ang kanyang ear drum, huwag mag ingay kung
hindi naman necessary.
Centimo pag pinagsama-sama malaking biyaya- wag itapon ang mga isinukli sa iyo sa mga mall na 5
cents 10 cents bagkus ilagay yan sa bote ipunin mo, pag marami na I donate sa
mga nangangailangan, dahil pag pinagsam-sama nakakatulong yan sa kapwa.
Palimus po!-
kapag may namamalimos, bahala ka na kung magbigay ka ng pera pero mas maganda
kung pagkain para matiyak mo sa tiyan mapupunta.
Be safe;
sa mga lokong asawa na maraming sex partner, naku tumino napo kayo, pwede ring
mag suot ng condom o kaya makontento kayo sa partner niyo para makatulong kayo
na hindi kumalat ang mga nakakahawang HIV at Aids
Usok nakakasulasok: mga ateng nakakaasar yung mag-cocomute ka diba? Sasakay
ka sa humaharurot na sasakyan na nagbubuga ng maitim na usok, para makatulong
ka sa mga commuter, ipa-emission test ang inyong vehicle, nakakatamad kaya
maglinis ng ilong kasi maitim na dahil sa usok.
Bawal ang kabit; naku huwag manggulo sa buhay ng may asawa, bukod sa nasa ten
commandments, bawal rin yan sa batas. Para
makatulong kayo sa kapwa na hindi makasira ng pamilya ng iba, maghanap ka na
lang ng aso at iyun ang alagaan mo at ibigin mong tunay.
Abuloy sa simbahan, sinasabi ng ilan na ang pagbibigay ng abuloy sa simbahan ay
makakatulong sa programa ng simabahan at ayon sa mga naniniwala magiging triple
ang matatanggap mong grasya.
Ang pagdadasal ang pinakamabisang paraan para makatulong sa iba, ipagdasal ang may
sakit, ang may problema, ang mga kurakot na pulitiko ang mga closset queen na
lalaking artista, mga nagmamalditang kapitbahay, kalusugan ng bawat isa at
kapayapaan sa bansa.
Kaaway man ang turing sa iyo
ng ilan pero suklian mo iyun ng dasal, asahan mo ikay pagpapalain!
PS
follow me on twitter
Follow me on tumblr
like us on facebook
No comments:
Post a Comment