Tuesday, August 13, 2013

Sunshine Cruz, nagsampa ng reklamo laban sa kanyang Mister na Cesar Montano.


Naghain ng reklamo ang Aktres na si Sunshine Cruz laban sakanyang Mister na si Cesar Manhilot na mas kilala sa pangalang Cesar “Buboy”  Montano sa QC Prosecutor’s Office kaninang umaga.

Sa siyam na pahinang reklamo na inihain ni Sunshine ay nahaharap ngayon si Cesar ng kasong paglabag sa Section 5 ng RA 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.

Nakasaad sa reklamo ng Aktress ang umano’y pananakit sa kanya at sa tatlong menor de edad na anak nilang babae, hindi pagbibigay ng sustento, puwersahang pagkuha sa kustodiya sa kanyang mga anak at psychological distress dahil sa umanoy pambabae ni Cesar bukod sa pagiging dominante.

Hindi na rin daw umuuwi sa kanilang bahay si Buboy.

At hanggang ngayon ay hindi pa rin umano napuputol ang sinasabing relasyon ni Cesar sa isang starlet na naging katamabal nito sa pelikula na si Krista Miller.

Kung inyong matatandaan, nuong Enero ng taong kasalukuyan ay piniling makipaghiwalay ni Sunshine sa kanyang asawa dahil sa umanoy pambababae nito.

Ilang patamang mensahe din nuon ang i-pinost ni Sunshine sa kanyang twitter account laban kay Krista.

Pero hindi sumagot ang starlet sa mga ibinibintang nuon ni Sunshine.

Kaya naman ng makausap ng inyong Yours Tootie ang Manager ni Krista na si Tita Annie Ayroso ay sinabi niyang walang kinalaman ang kanyang alaga sa hiwalayan ng mag-asawang Cesar at Sunshine.




PS.
Para sa iba pang Showbiz Balita, makinig sa Super radyo DZBB 594khz tuwing Lunes hanggang Saturday 4:30 -5:00.

At every Saturday 11:00-12:00N

Follow me also on twitter and instagram.
@yourstootie

No comments:

Post a Comment