Monday, August 12, 2013

Enzo Pineda, Nagdiwang ng kaarawan sa pamamagitan ng feeding program sa Alabang.


Kasama ng Unang Hirit crew, ay nagtungo ang inyong Yours Tootie sa Alabang Elementary School para saksihan ang birthday party ni Enzo nuong Sunday.

Isang feeding program nga ang inihanda niya para sa mga piling mag-aaral ng naturang paaralan.

Pinasaya ni Enzo ang mga estudyante sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo at sa inihandang mga pagkain.

Sinamahan siya ng kanyang mga kaibigan at kapuso stars na sina Steven Silva, Julian Trono at ang kanyang leading lady sa programang Kambal ni Eliana na si Kim Rodriguez.

Mahilig nga raw si Enzo sa mga bata, kaya naman personal choice daw niya na ibahagi ang kanyang blessings sa mga chikiting sa mismong kaarawan niya.



Samantala, totoo kaya na ang pinakamasayang birthday gift na natanggap ng  actor ay ang pagbabalikan nila ng dati niyang girlfriend na si Louise Delos Reyes?

Ayon kay Enzo, posibleng magkabalikan sila ni Louise, pero mas pinili nilang mag-focus muna sa kani-kanilang mga trabaho.

Hindi raw sila nagmamadali, basta ang mahalaga ay maayos daw ngayon ang kanilang relasyon, bagay na ayaw masira ni Enzo dahil sa magandang pinagsamahan nila.

Hiling naman ni Enzo sa kanyang Birthday ay magtuloy-tuloy pa rin na mabigyan siya ng proyekto sa Kapuso Netwok.

At sa katunayan ay parang natupad na raw ang kanyang  hiling.

Iyun ay dahil napasama siya sa bagong serye dito sa GMA na  Dormitoryo.




























PS. For more Showbiz Balita, Tune in lang sa Super Radyo dzbb 594KHZ, every Monday to Saturday 4:30 -5:00 (Umaga na, Balita na) and every Saturday sa programang Ladies Room 11:00-12:00NN.

Follow me also on twitter and Instagram;
@yourstootie

No comments:

Post a Comment