Thursday, August 8, 2013

Heart Evangelista, Secretly married na raw kay Senator Chiz Escudero?

Credit to the owner of this picture: No copyright infringement intended
Sa ngayon ay tila panay ang pagtanggap ni Heart sa mga hosting job sa ilang programa ng Kapuso Network.

Bukod kasi sa Sunday all star ay naging guest host rin siya sa Eat Bulaga, Star Talk at Chika Minute ng 24 Oras.

Ayon kay Heart, naeenjoy na nga raw niya ang ganuong trabaho at ayaw na nga niyang gumawa ng pelikula at mag-focus na lang sa kanyang pag-hohost.

“You were in a show na tumutulong ka sa mga tao, so nakakatuwa na parang sa trabaho mo ay  nakakatulong ka at nakakapagpasaya ka pa bilang Heart at hindi bilang character sa isang soap o sa movie-  that’s why I really love hosting this days- ani ni Heart.

Pero naninibago pa rin daw hanggang sa ngayon si Heart.

Ayaw daw kasi niyang iniintriga ang kanyang buhay gayung siya na ngayon ang mang-iintriga,

Nagging laman kasi kamakailan ng balita si Heart lalong lalo na ang kanyang pag-ibig kay Senator Chiz Escudero at ang tampuhan niya sa kanyang magulang.

At nang makausap ng inyong Your’s Tootie si Heart ay halatang inlove ito sa Senador.

Pero nahihiya daw si Heart sa kanyang kasintahan…”Nahihiya ako minsan sa kanya dahil nahahaluan siya ng showbiz dahil napaka seryoso niyang tao”

Pero totoo bang ginagamit lang siya ng kanyang nobyo para lalong pag-usapan sila sa publiko?

Sabi ni Heart… “Hindi naman niya ako kailangan, number one naman na siya dati pa, I guest bagay lang talaga kami”

Samantala, may lumabas din na intriga na pasikretong ikinasal na sila ng Senador.

Pinabulaan ito ni Heart dahil kung ikasal man sila ni Senator Escudero ay sasabihin nila ito sa publiko.

Aniya…”defienitenly not, Im so open with my life, kaya iaanounce ko yan pag ikasal man kami.”


PS. Para sa iba pang Showbiz intriga, makinig sa Super Radyo DZBB 594KHZ every Monday to Saturday, 4:30 -5:00 At every Saturday 11:12NN

Follow niyo ako sa Twitter at Instagram
 @yourstootie







No comments:

Post a Comment