Tuesday, August 13, 2013

Thailand Superstars Baifern Pimchanok at Mario Maurer, bumisita sa bansa para sa isang FanCon.

Late post: Aired August 5, 2013 via GMA Super radyo DZBB 594khz.

Dinagsa kahapon (August 4, 2013) ang fan conference ng Thailand superstars na sina Baiferen Pimchanok at Mario Maurer sa Atrium, Mall of Asia,Pasay City.

Nakipagsiksikan ang ilan para masilayan lang ng personal ang kanilang iniidolo.

Bale kahapon ng tanghali ay nagkaruon din ng fancon sa SM North EDSA at ng alas singko naman ay tinuhog nila sa MOA.

Ito ang ikalawang beses na dumalaw sa bansa si Mario para sa kanyang iniindersong pinoy clothing brand na Penshoppe.



Narito rin ang dalawa para sa premiere night ng kanilang pelikula na Pee Mak na ginananap nuong nakalipas na gabi (August 3, 2013) sa Trinoma Mall, QC.

Nagkaruon din ng konting kwentuhan duon kasama ang mga bida ng Pee Mak na talaga namang dinumog ng kanilang fans.






August 4 ng umaga ay humarap naman sa media ang dalawang Thai superstars sa isang Hotel sa EDSA.

Duon ay sinabi ni Mario na gusto pa rin niyang gumawa ng pelikula dito sa bansa.

Kung inyong  matatandaan, nakasama ni Mario si Erich Gonzales sa isang pelikula na kinunan dito sa Pilipinas at Thailand.

Sa muling pagbabalik ni Mario ay ikinatuwa niya ang patuloy na pagsuporta sa kanya ng mga Pinoy fans.




Maging si Baifern ay hindi makapaniwala na kilala siya dito sa bansa dahil serye nilang Crazy little thing called love na ipinalabas sa Kapamilya Network.

The FanCon...

Samantala, hindi magkamayaw ang mga dumagsang fans sa MOA.

Nakabibinging ingay at hindi maipinta ang tuwa sa kanilang mga mukha nang makita nila sina Mario at Baifern.

May maswerteng mga fans din ang nakapaglitrato at nakakuha ng kanilang signature shirts.

Sa ginanap na fancon ay nasabi rin ni Mario na handa rin siyang magrecord ng album para sa kanyang mga tagahanga.


Yun nga lang "nga-nga" ako dahil wala kaming picture together nina Mario at Baifern dahil sa sobrang higpit ng seguridad.

Pero maswerte pa rin dahil nakita ng inyong Yours Tootie ang dalawang Thai Superstars.





Special Thanks to....
Ms. Mich of Penshoppe.
Unang Hirit Showbiz crew
@jeymsharbi , @dyannedelacruz and @IAmJeffreyOsoc for the other Pics.


PS.
para laging updated sa Showbiz balita, makinig sa Super Radyo Dzbb 594khz every Monday to Saturday 4:30-5:00.

At every Saturday 11:00-12:00NN

Follow me also on twitter and instagram
@yourstootie





No comments:

Post a Comment