Thursday, August 8, 2013

Jeric Gonzales at Thea Tolentino, magbibida sa isang programa ng Kapuso network.


Bumisita kanina ang kapuso teen-star na  sina Thea at Jeric sa programang Walang Siesta ni Kuya Germs sa Super Radyo DZBB.

At dahil may pinuntahan si Kuya Germs ay ako muna ang humalili sa kanyang programa kasama ang kanyang mga Badingdings.

PYRA, ang babaeng apoy- pangalan palang ng programa ay tila umaalab na.

Matapos manalo sa Artista reality show na Protégé ay ito na ang big break na hinihintay nina Jeric at Thea.

“Sobrang honor, kasi last year lang natapos yung protégée kaya sabi ko, ito na talaga ang big project ko.” Ani ni Thea.


Blessing naman para kay Jeric ang Pyra.

Ayon sa napakagwapong kapuso actor… “Masaya at nabigyan kami ng break at kami pa rin ni Thea ang magkasama.

Ang Pyra ang ikatlong proyektong gagawin nina Jeric at Thea sa kapuso Network.

Una silang nagtambal sa TeenGen at kasali rin sila sa Love and Lies.

Ibang Jeric at Thea nga raw ang aabangan ng ating kapuso sa naturang programa.

Hindi na nga raw sila patweetums ditto kundi makikita raw sa Pyra ang galing nila sa heavy drama.

Kaya naman panay na ang workshop ngayon nina Jeric at Thea.

Pero teka, dahil lagi silang magkapareha, hindi kaya nagkakadevelopan na ang dalawa?

Ayon kay Thea.. “Mas nagiging close nga kami ngayon ni Jeric, pero mas iniisip namin yung mga sinasabi ng mentors namin na talagang career first kasi nagsisimula pa lang kami at yang lovelife na yan tsaka na kapag mahusay na kami.

Nuong August 7 ay ang ika-dalawampu’t isang kaarawan ni Jeric, ano kaya ang regalo sa kanya ni Thea?

“Dapat sasama ako kagabi, isusurprise namin siya sa bahay nila sa Laguna,. Kaso may taping ako, pero pag-iipunan ko pa lang ang regalo ko sa kanya para maganda”  Ang tugon ni Thea.

Wish naman ni Jeric sa kanyang Birthday …“Sobrang blessed na ako dahil may bago na akong project at siympre good health sa akin, sa family at sa lahat ng nagmamahal sa akin.”

At dahil sa August 13 naman ang birthday ni Thea, may regalo din si Jeric pero secret na lang daw muna.

Kapansinpansin din kay Jeric ang pagganda ngayon ng kanyang katawan.

Sa huli niya kasing programa ay talaga namang mapapansin na majubis ang kapuso actor.

Kaya naman nuong wala siyang ginagawang project ay nagfocus daw talaga siya sa pagpapapayat.

“nagbabasketball ako , tatlong beses sa isang linggo and in between gym at  siyempre discipline and diet.-Jeric

Sa August 26 na nga mapapanuod ang Pyra, ang babaeng apoy sa afternoon prime ng GMA network.


Twitter Post:
ung first screen,lagyan ng caption,hehehe sweet lang-soon in  .


PS. for more Showbiz Balita, tune in sa Super radyo DZBB 594KHZ, every Monday to Saturday 
4:30 - 5:00 and every Saturday 11:00-12NN.

Follow me also sa twitter and instagram:
@yourstootie


No comments:

Post a Comment