Wednesday, August 7, 2013

Christian Bautista, nagkakamabutihan na nga ba sila ng kanyang leading lady sa programang With a smile na si Andrea Torres?


Tinutukso nga si Christian ngayon kay Andrea matapos ang balitang hiwalay na iyun sa kanyang Singaporean Girlfriend na si Carla Dunarea­nu.

Nang makausap ng inyong Your’s Tootie si Christian ay sinabi nitong hindi niya muna iniisip ang kanyang buhay pag-ibig.

Ayaw din niyang mag-kumento sa mga pahayag ni Andrea na may posibilidad na magustuhan siya nito.

Nang makausap ko kasi si Andrea ay sinabi niyang tipo raw niya ang mga katulad ni Christian Bautista.


Sabi ni Christian, basta sa ngayon ay ini-enjoy nila nina Andrea at  Mikael Daez ang kanilang programa.

Lalo nga raw nilang pinagbubutihan ang kanilang trabaho para lalong tangkilikin ng publiko ang With a smile.

At sa katunayan, pakaabangan din daw ang mga bagong character na papasok sa naturang programa.

Eentrada kasi sa With a smile ang mga Kapuso nating sina Max Collins at Sam Pinto.

Napre-presure ba siya sa rating ng kanilang programa?
Hindi naman daw na-pre-presure si Christian pagdating sa ratings ng with a smile.

Aniya “im doing this for my friends and to my co-workers not for the ratings”

To work with his ex-girlfriend
Willing din si Christian na makatrabaho sa isang proyekto ang dati niyang kasintahan na si Rachelle Ann go.

“With the right project, why not kasi ayaw ko namang gagawa kami ng proyekto kasi may something sa amin” pahayag ng napakagwapong Kapuso Singer/Actor.


PS. para laging updated sa Showbiz Balita, makinig sa Super Radyo DZBB every Monday to Saturday 4:30-5:00

At ladies room every Saturday 11:00 - 12NN

Follow niyo rin ako sa twitter at Instagram 
@yourstootie




Tuesday, July 23, 2013

Casts ng My husband’s lover na sina Tom Rodriguez at Kevin Santos, nakatatanggap ng indecent proposals?


Sunod-sunod na raw na nakatatanggap ng indecent proposal ang Kapuso Actor na si Tom Rodriguez mula sa mga tagong bading o mga binansagang closet queens.

Ito ay matapos umere ang pinag-uusapang teleserye na My husband’s lover na mula day one hanggang kagabi ay trending pa rin sa social networking site na twitter.

Ayon kay Tom, Nakatatanggap siya ng text message na nag-aalok ng malaking pera at mga mamahaling bagay kapalit ng panandaliang aliw.

Pero hindi raw pinatulan ni Tom ang mga alok na iyun.

Ayaw daw niyang ma-offend ang mga bakla na nag-aalok sa kanya kaya naman nireject niya ito in a nice way.

Hindi nga raw niya kayang tanggapin ang mga indecent proposal dahil kaya naman daw niya kumita sa pamamagitan ng sariling sikap.

Pero aminado si Tom na marami daw siyang kaibigan na bading mapa loud man o yung halata o yung discreet na gaya ng papel niya sa my husbands lover.

Samantala, Speaking pa rin ng indecent proposal ay hindi pa naman daw nakatatanggap na ganuong offer ang co-star ni Tom sa my husband’s lover na si Kevin Santos.


Si Kevin ang gumaganap na Danny sa naturang serye.

Aminado si Kevin na malaki ang nabago sa kanyang career simula nang gumanap siya bilang gay best friend ni Dennis Trillo sa My husband’s lover.

At ang nakakalurkey ay marami raw ang nagtatanong sa kanya lalong-lalo na sa twitter kung bading daw ba siya sa totoong buhay?

Nang makausap ko si Kevin sa Taping ng Mars ay sinabi nitong barakong-barako siya.

Convincing kasi ang pag-arte ni Kevin na bading sa naturang bekiserye.

Sabi niya sa akin, malaki raw ang naitulong ng kanyang mga kaibigan na beki dahil nakakakuha siya ng ideya, tulad na lamang ng pagsasalita ng bekimon.

"kapag may naririnig akong kakaibang salita ng bading na parang "ui ayos yun ah" , sinu-suggest ko kay Direk Dom (Zapata), at nag-ookey naman si Direk." - ani ni Kevin.


PS. for more Tootie-intriga, makinig po tuwing Lunes hanggang Saturday, 4:30 at Ladies Room every Saturday, 11:00-12:00 NN sa Super Radyo Dzbb 594KHZ. or maaari rin kayong makinig via online streaming http://www.gmanetwork.com/radio/streaming
follow me also on twitter and instagram @ilokanonggwapo



Friday, July 19, 2013

Kapuso Stars, wagi sa 2013 Yahoo OMG Award

 Nagningnging kagabi ang ilan nating kapuso stars sa 2013 Yahoo OMG Award na ginanap sa MOA Arena sa Pasay City.

Sa pinagsamang online at text vote na ginawa sa loob ng mahigit isang buwan ay pinangalanan na nga kagabi ang mga nanalo sa ibat-ibang kategorya.

Ang ilang awards ay naiuwi ng ilan nating kapuso stars.

Humakot ng award ang longest running noontime show sa bansa na Eat bulaga.

Ang naturang programa ang nakasungkit sa Best Noontime show at si Bossing Vic Sotto naman ang itinaghal na favourite TV Host of the year.

Si Aling maliit at kapuso child wonder na si Ryzza mae Dizon ang itinangghal na Child Star of the year.

Si Ryzza ang tumanggap ng award ng Eat Bulaga at ni Bossing Vic Sotto.

Sa speech ng cute na cute na si Ryzza ay nagpasalamat siya sa lahat ng bumoto sa kanya sabay sambit ang kanyang linyang, “Bawal ang sad, dapat happy”.

Naiuwi rin ni Eugene Dominggo ang Comedienne of the year, ito na ang ikatlo niyang tropeyo para sa naturang kategorya.

 Masuwerte rin ang kapuso loveteam na sina Elmo Magalona at Julianne Sanjose o Juliemo.

Sila ang itinanghal na Male and Female performer of the year at maging ang kanilang fan club na Julimo Pexers ay wagi rin bilang fan club of the year.

At siyempre nangibabaw sa lahat ng award ay ang yahoo OMG Celebrity of the year.

Ito ang highlight ng naturang parangal na kung saan si FHM sexiest girl in the world na si Marianne Rivera ang itinanghal sa naturang kategorya.

Naka tsikahan ko nga si Marianne sa red carpet ng yahoo OMG at masaya ito dahil sa pagpili sa kanya bilang celebrity of the year.

Ika nga niya, gamitin ang social media sa positibong bagay at hindi para siraan ang kapwa.

Maliban sa mga kapuso star ay wagi rin ang FM flagship radio station ng GMA Network na Barangay LS 97.1, “tugs tugan na!

Ito na ang ikalawang taon na nanalo ang Barangay LS para sa kategoryang, Best FM Radio station of the year.

Nagperform naman sa Yahoo OMG award ang ilan nating kapuso.

Sumaway at kumanta ang Kapuso Covergirls leading ladies na sina Solen Heusaf at Lovie Poe.

Nagduet naman ang dating magkasintahan na sina Christian Bautista at Rachelle ann Go.

Nag handog din ng awitin ang kapuso RNB singer na si Kriss Lawrence at sina Julianne Sanjose at Elmo Magalona.

Nagsilbing presentor din ng awards sina Boypick-up himself Ogie Alcasid, Tim Yap at Bea Binene.

Narito ang buong listahan ng mga nanalo sa Yahoo OMG award 2013.

OMG! Actor of the Year : Coco Martin
OMG! Actress of the Year : Angel Locsin
OMG! Breakthrough Actor of the Year : Enrique Gil
OMG! Breakthrough Actress of the Year : Kathryn Bernardo
OMG! COmedian of the Year : Vice Ganda
OMG! Comedienne of the Year : Eugene Domingo
OMG! Male TV Host of the Year : Vic Sotto
OMG! Female TV Host of the Year : Toni Gonzaga
OMG! Male Performer of the Year : Elmo Magalona
OMG! Female Performer of the Year : Julie Anne San Jose
OMG! Celebrity of the Year : Marian Rivera
OMG! Male DJ of the Year : Papa Jack (Love Radio 90.7)
OMG! Femal DJ of the Year : Nicole Hyala (Love Radio 90.7)
OMG! Best Radio Show of the Year : Tambalan (90.7 Love Radio)
OMG! Best FM Radio Station of the Year : Barangay LS 97.1
OMG! Fan Club  of the Year : JuliElmo Pexers
OMG! Movie of the Year : It Takes A Man And A Woman
OMG! Love Team of the Year : Kim Chiu
OMG! Love Team of the Year : Xian Lim
OMG! Child Star of the Year : Ryzza Mae Dizon
OMG! Best Noon Time Show of the Year : Eat Bulaga
OMG! Best Teleserye of the Year : Ina, Kapatid, Anak
OMG! Best News and Public Affairs Show of the Year : TV Patrol




















My Husband's lover in dzbb





Hanggang sa mga sandaling ito ay mainit pa rin na pinag-uusapan ang pinaka-kontrobersyal na programa ngayon sa telebisyon na My husband’s lover.

Hindi lang sa mga nagtsitsismisan sa palengke at opisina, hindi lang ang mga parlorista kundi maging ang mga kalalakihan sa kanto.

Patunay yan na mula day 1 hanggang day 29 ay talaga namang walang mintis na nagtretrend ang naturang programa sa social networking site na twitter- dito sa pilipinas at worldwide.

Binago nga ng My husband’s lover ang karaniwan nating napapanuod na serye sa TV.

Kung dati ay laging umiikot ang kwento sa…
          Isang mayaman at isang mahirap na nagmamahalan.
          Pinagpalit na anak.
          Againts all odds na relasyon
         At paghihiganti ng isang mahirap na biglang yumaman.

Ngayon, ang kwento ng My husband’s lover ay talaga namang patunay na walang sinuman ang makapagdidikta ng tunay na nararamdaman ng isang taong umiibig, mapalalaki man o sa babae.

Kwento ito ng isang babaeng si Lally (Carla Aberllana) na ikinasal kay Vincent (Tom Rodriguez).

Walang kaalam alam si Lally na may matagal na palang inililihim ang kanyang mister na si Vincent.

Ang lihim na ito ang siyang susubok sa relasyon ng mag-asawa.

Ang lihim na pilit nuon na itinutuwid ni Vincent.

Ang Lihim na ito ay ang relasyon ni Vincent sa kanyang high school friend na si Erik- mga kapwa bisekleta, bakla, paMENta o mga baklang nagbibihis lalaki para maitago ang pagiging bakla nila sa ibang tao.

Kaya naman ang seryeng ito ang nagpabago rin sa mga pangkarinawan papel ng bakla sa mga pelikula o programa sa TV.

Kapag bakla kasi ay dapat magbihis babae, kailangang nakakatawa at karaniwang kaibigan ng bida lamang ang papel nila.

Pero dito, ang mga bakla at ang kwenetong pag-ibig ng dalawang lalaki ang ipinapakita.

The big secret reveal!

Tumigil nga raw ang mundo ayon kay Carla sa episodes 24 at 25 ng My husband’s lover.

Sa mga naturang episode ay natuklasan na ni Carla ang inililihim na relasyon ng kanyang asawa at ni Erik.

Dito ay nakita ang husay ni Carla sa pag-arte mula sa kanyang mga emosyon at pagbitiw ng mga linya.

Kaya naman maging ang ilang malalaking artista sa kabilang stasyon ay pinuri ang galing nina Carla, Tom at Dennis.

Tulad na lamang nina Mr. Fu, Direk Joey Reyes,Vice Ganda at ang Queen of all media na si Kriss Aquino.

Ang Sa Akin lang (ASAL)

Sabi ko nga, hindi lang ang kwento ng My husbands lover ang dapat abangan.

Dahil kakaiba rin ang mga stylized shots ni Direk Dom Zapata, mula sa kanyang mga transition at cinematography.

Swak din ang napiling kanta para sa naturang programa na talaga namang pambansang kanta na ngayon ng mga bakla- ang One more try ni Kuh Ledesma at ang Get me over ni Jonalyn Viray.

Pero higit sa lahat ay puring-puri ako kay Ma’am Suzette Doctolero dahil sa magandang takbo ng kwento ng My husband’s lover.

Mula sa mga quotable lines nina Mama Sol, ni General at mga “ika” nga ni Lally ay talaga namang tumatatak sa mga manunuod.

Patunay lamang na ang programang ito ang pinakamagandang serye na ngayon sa Pilipinas na ginawa ng Kapuso network.

Marami pang aabangan…

At ngayong nagkabukingan na, ano pa ang mga mangyayari?

“yan ang dapat abangan sa mga susunod na araw.

After the pilot airing mg My Husband's Lover

Pero unang Linggo pa lang nuon ng My husband’s lover ay bumisita sina Tom at Dennis sa programa ni Kuya Germs na Walang Siesta kasama ang kanyang mga Badingding sa dzBB 594 (AM Flagship radio ng GMA-7).

Nandun din ako sa tabi nina Tom at Dennis para maki-istorbo.

Talaga namang tilian ang mga tao nuon sa loob nang masilayan ang dalawa.

Kasama nuon ng Team Tomden si richard Guttierez, pero mas napunta ang attention ng mga tao sa news room sa nabuong love team nina Dennis at Tom.
Panoorin ang video sa ibaba para sa ilang highlights ng panayam ni Kuya Germs.




Wednesday, July 17, 2013

Mark Herras, tikom pa rin ang bibig sa dahilan ng hiwalayan nila ng kanyang girlfriend na si Ynna Asistio.



 

no copyright infringement intended

Nakausap ko si Mark nuong Sunday, pero nakiusap siyang huwag munang pag-usapan ang tungkol sa break-up nila ni Ynna.

Sa ngayon daw ay maayos sila ng dating niyang kasintahan at maging sa ina nitong si Nadia Montenegro.

Ayaw daw ni Mark na pag-usapan sa publiko ang kanilang hiwalayan, dahil ayaw niyang masira ang pag-aaral Ynna.

Ayon kay mark…“si Ynna ay focus sa pag-aaral niya at ako naman sa aking trabaho kaya ayaw naming pag-usapan ang aming hiwalayan dahil masyado kaming pagpi-piyestahan ng media”

Pero habang tumatakbo ang panyam ay pasundot-sundot din na sinasagot ni Mark ang tanong na may kinalaman sa hiwalayan nila ni Ynna.

Nilinaw ni Mark na walang money involved sa kanilang break-up at nagkausap na rin sila ni Nadia Montenegro.

“Nag-usap kami ni Tita Nadj. [Nadia Montenegro] lahat okey kami. Walang money or barkada involved” saad ng aktor.

At gaya ng pahayag ni Ynna sa blog ni Darla Sauler ay susuportahan din niya ang dati niyang kasintahan.

Sinabi ni Ynna kay Darla na susuportahan niya si Mark.

At gaya ni Mark, hindi rin sinabi ng anak ni Nadia ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Samantala, Hindi rin daw galit o nagtatampo si Mark kay Kylie Padilla.

Napabalita kasing si Kylie ang nagbigay ng clue kung bakit nalaman ng publiko ang tungkol sa hiwalayan ng dalawa.

Sa katunayan habang kausap ko si Mark ay dumating si Kylie at nagyakapan pa sila.

“hindi-hindi [ako nagtatampo], alam ko naman dapat na iba ang personal sa trabaho, alam kong lahat naman kami mayruon kaming pinagdadaanan.

Pero ang tanong, may posibilidad kaya na magkabalikan sina Mark at Ynna?

Ayon kay Mark…

“May posibilidad, pero sa ngayon ay focus muna ako sa trabaho at ganun din si Ynna sa kanyang pag-aaral”

Kaya naman wala raw oras si Mark para makipagdate sa ibang babae.

“focus ako sa trabaho yun lang, final, trabaho muna ako”

Samantala may bagong soap opera na gagawin si Mark sa Kapuso Network.

Ayon kay Mark, wala pa siyang detalye, pero baka sa August daw ito ipalabas

Willing naman si Mark na makatrabaho muli ang dati niyang kasintahan na si Jennylyn Mercado.


PS. for more Tootie-intriga, makinig po tuwing Lunes hanggang Saturday, 4:30 at Ladies Room every Saturday, 11:00-12:00 NN sa Super Radyo Dzbb 594KHZ. or maaari rin kayong makinig via online streaming http://www.gmanetwork.com/radio/streaming
follow me on twitter and instagram @ilokanonggwapo



Sunday, July 14, 2013

TIPS PARA LAGING GANADO SI LABIDABS SA LABING-LABING!

TIPS PARA LAGING GANADO SI LABIDABS SA LABING-LABING!

Minsan sa isang relasyon o mag-asawa ay hindi maiiwasang magduda lalo na kung wala ng panahong maki-pag make love si labidabs, lagi nalang dahilan- “pagod ako sa trabaho”, “walang time”, “stress ako”, kaya walang katapusang pagdududa ang kinalabasan.

Kaya narito ang aking tips para ang bad vibes, mapalitan ng good vibes- para on the go sa labing labing si labs!

Para sa mga BABAE; para umuwi ng maaga si mister ay huwag mo siyang pagtatalakan o aawayin bago umalis sa bahay.

Para sa mga LALAKI; kung may gimik ang barkada, tignan ang oras para pag-uwi sa bahay may time ka pa kay misis.

Kung meron man sari-sariling lakad, sabihin na nang maaga ang balak, hindi yung saka kana lang magpapaalam kung andun kana sa gusto mong pupuntahan.

Explore hotels and Motels na magiging exciting para sa mag-asawa.

Para sa mga BABAE; mag–lap dance, Sayawan si mister , parte yan ng pakikipag-make love.

para excited umuwi sa trabaho, maglandian kayo sa text, yung tipong papalibugin mo siya para kayong dalawa ay uwi agad, mainit init ika nga!

Sa maga BABAE, magsuot ng mga daring na damit, yung bang nakakaakit at magpabango ng nakakaseduce na parang mababaliw na saiyo si labs.

Para kay mister kung gustong laging galit ang sandata, wag pagurin ang sarili sa trabaho para pag uwi sa bahay andun pa rin ang 100 percent na lakas at sexual desire ng katwan.

At para hindi na maghanap ng iba at hindi hanapin ang sinasabing sexual compatible sa iba, dapat ibigay parati ang to the highest level na performance.



PS. laging makinig ng programang Ladies room sa super radyo dzbb 594 khz, maaari rin makinig via online streaming http://www.gmanetwork.com/radio/streaming.
follow me also in twitter and instagram @ilokanonggwapo

Kapuso covergirl , model actress Solen Heussaff, game ding makipaghalikan sa kapwa niya actress?


Naging usap-usapankamakailan ang Instagram post ng magpinsang Isabelle Daza at Georgina Wilson. Sina Isabelle at Georgina ay matalik na kaibigan ni Solen Heussaff.
"Hindi dapat gawing issue ang pakikipaghalikan sa kapwa babae"- Solen Heusaff
















Nuong nakaraang linggo ay nakausap ko ang leading lady ng pinag-uusapang teleserye na My husbands lover na si Carla Abellana.

At nang tinanong ko kung “what if magkaruon ng girl version ang My husband’s lover”- gagawin niya ba ito?

Walang kagatol-gatol nuon si Carla at sinabing bakit daw hindi!

Game din daw siyang makipaghalikan sa kapwa niya babae sa pelikula basta raw kasing ganda ng isang Solen Heusaf….

Kaya kahapon ay hinunting ko si Solen sa kanyang dressing room sa Sunday All Star para hingan ng reaksyon kaugnay sa pahayag na iyun ni Carla.

Tanong ko agad kay Solen, game din ba siyang gumawa ng isang pelikula na may temang magkarelasyon ang babae at babae at magkaruon ng kissing scene sa kapwa niya babae?

Tugon ni Solen..
“Why not, acting naman, tapos maganda si Carla, super blooming pa ngayon, game naman ako.

Eh ang makipag-halikan sa kapwa niya babae?
Sagot ni Solen…Hindi ko na paghahandaan [ang kissing scene], mabilis lang naman mag-kiss ehh”

Hindi naman daw namimili ng role si Solen, kung ano ibigay sa kanya ay tatanggapin niya ito at pag-aaralan.

“Diba kapag actress ka, dapat papayag ka sa kung anong role na ibibigay sa iyo, challenging din [yung role na ganun], so mag-eevolve din ang acting skills mo, so kahit ano mapunta [na role] sa akin, game naman ako para may challenge talaga” dagdag pa ng kapuso actress.

Samantala, magiging abala na ngayon si Solen sa shooting ng GMA Teleserye na Akin pa rin ang bukas.

Pagbibidahan ito nina Lovie Poe, Cesar Montano at Rocco Nacino.

Makakasama rin sa naturang teleserye ang Veteran Actress na si Helen Gamboa at ang konsehala ng Valenzuela na si Charee Pineda.

Bukod sa teleserye ay may ginagawa ring pelikula si Solen, ang “Its complicated.

Makakasama niya rito sina Eugene Domingo, Paulo Avelino, Maja Salvador at Jake Cuenca.

Naikwento rin sa akin ni Solen na nag-audition siya para sa isang indie movie, pero tumanggi muna siyang magbigay ng detalye.

At dahil sobrang busy ngayon sa trabaho si Solen, naiisip na ba nilang magpakasal ng kanyang Argentinean boyfriend na si Nico Bolzico?

Ayon kay Solen, wala pa raw sa isip niya ang magpakasal.

Masaya raw sila ngayon ng kanyang boyfriend at dalawang taon na raw silang magkarelasyon.



PS. for more Tootie-intriga, makinig po tuwing Lunes hanggang Saturday, 4:30 at Ladies Room every Saturday, 11:00-12:00 NN sa Super Radyo Dzbb 594KHZ. or maaari rin kayong makinig via online streaming http://www.gmanetwork.com/radio/streaming
follow me on twitter and instagram @ilokanonggwapo