Monday, July 8, 2013

MY LADY BOSS, TULOY NA TULOY NA!


PELIKULANG MY LADY BOSS, TULOY NA TULOY NA!
(late post for this blog purposes only, this was aired last July 1 in Super Radyo dzbb594Khz, via Umaga na, Balita na)
Ilang beses ko nang nakapanayam itong napaka-gwapong si Richard Gutierrez sa tuwing ako’y umuupo (pinchit) sa programa ni German “Kuya Germs” Moreno na Walang Siesta sa dzbb.

Kaya sa tuwing nakakausap ko ng live sa radyo si Richard ay bumabalik pa rin ang pagiging die hard fan ko- panahon pa lang ng Mulawin sa Kapuso Network.

Kaya naman nuong nakalipas lamang na Linggo (June 20, 2013) ay muling dumalaw si Richard sa programa ni Kuya Germs para i-promote ang pelikula nila ni Marianne Rivera na my lady boss.

Bago magsimula ang live-interview niya kay Kuya Germs ay nakausap ko muna si Richard.

Wala pa palang tulog ang aktor dahil kauuwi lamang niya galing Switzerland na kung saan nakasama niya ng ilang araw ang kanyang kasintahan na si Sarah Labhati.

“Trabaho agad” ….yan ang sabi sa akin ni Richard, kaya naman kahit nakikita kong inaantok pa ang mga mata ni Richard ay game pa rin ito sa kanyang trabaho para i-promote ang kanilang pelikula.

The Primiere Night

Kagabi, (June 30, 2013) ay naganap ang primiere night ng pelikulang My lady Boss sa Cinema 10 ng SM Megamall.

Dinumog ng mga fans ang naturang premiere night.

At siympre bago lumakad sa red carpet sina Richard at Marianne ay nakausap ko muna sila sa holding area.

Masaya ang dalawa dahil sa wakas ay matutuloy na ang pagsasapalabas ng kanilang pelikula na ilang beses nang naiurong ang play date nito sa mga sinehan.

Ani ni Marianne; ..”Siyempre alam naman natin kung bakit na moved yan wag na tayo magpapaligoy-ligoy pa, ang importante (ay) ipapalabas na siya at heto na siya….mas matitindi pa ata yung mga kalaban namin (na pelikula sa ngayon), pero okey lang, ang importante ay naenjoy namin ang movie at alam namin na andiyan yung mga sumusuporta sa amin”

Kaya naman may mensahe sina Richard at Marianne sa kanilang mga fans.

“Salamat sa kanila, sana magustuhan nila ang pelikula”- Marianne

“Nagpapasalamat kami ni Yan (Marianne) sa lahat nang sumusuporta at nagmamahal sa aming dalawa. Sa lahat nang excited manuod (sa my lady boss) sana magustuhan niyo”- Ricahard

Bukod sa mga fans ay full-force din sa pagsuporta ang pamilya nina Richard at Marianne.

Namataan ko sa red Carpet ang Lola ni Marianne na si Francisca Rivera at ang Mama ng kapuso actress.

Present din sa Premiere night ng my lady boss ang mga magulang ni Ricahrd na sina Annabell at Edie Guttierez at ang kanyang mga kapatid na sina Ruffa at Raymund.

Bagamat wala sa red carpet ang kasintahan ni Richard na si Sarah Labhati, ay nakita ko naman duon ang kanyang nanay na si Ginang Esther Labhati.

Ayon kay Richard, “we invited everyone, lahat ng close sa family namin, relatives and friends, we invited her (nanay Esther) and I’am happy she’s here”

My lady boss on its 2nd week!

Kung gusto mo tumawa, umiyak at ma-inlove, My lady Boss is the answer!

Promise sulit ang bayad mo sa pelikulang ito...

The link below is the official teaser of the said movie.

 http://www.youtube.com/watch?v=NL70VkpRY0g

Alden Richard, Handa ng magpa-sexy?


“May pinaghahandaan ako today, na may kinalaman sa kaseksihan, malalaman niyo rin this year” 
HANDA NA BANG MAGPA-SEXY SI ALDEN RICHARD?



Talagang mabait itong kapuso heartthrob na si Alden Richard dahil walang       kakeme-keme nang hinila namin siya para makapanayam nuong Sunday sa backstage ng Sunday all Star.

Game parati at magiliw si Alden sa tuwing nakakapanayam namin.

Ikinatuwa ni Alden ang resulta sa ginawang poll ng isang magazine.

Siya kasi ang nanguna sa botohan sa sexiest man category, kaya naman laking pasasalamat ng actor lalong lalo na sa Aldenatics.

Ani ng napakagwapong si Alden…
 “I’m very thankful sa chance of being a part of that category.

“and of course sa Aldenatics po who continue to vote, kasi that’s based on Internet voting.

“Kung hindi sa fans, lalo na sa Aldenatics, hindi naman po ako mananalo.

“So, thank you. I feel honored and proud po.”

At dahil siya ang nanguna sa poll, feeling ba ni Alden sexy siya?

“Getting there, since tumatanda na po ako kailangang mag-venture into a new image para maiba naman ang branding sa tao, kasi tapos na ako sa pa-sweet, pa tweetums, siguro ngayon more mature more daring”.  saad ni alden

At pati sa pagsagot sa aming tanong kung ano ang kahulugan niya ng kaseksihan ay parang sumasagot sa beuty pageant itong si Alden.

Sabagay dati na pala siyang sumali sa isang pageant sa Laguna.

Ayon kay alden, ang kahulugan niya ng sexiness ay …. Sexiness comes from inside. Kasi kung sexy ka inside, sexy ka outside. It’s more of ano… the qualities you have. Na siguro it’s based on attitude din. And at the same time, yung physical body, yung panlabas is just a bonus. It’s more on how you carry yourself outside.”

Samantala, nagsimula na siyang mag-shooting para sa pelikulang 10,000 hours na official entry sa 2013 Metro Manila Film Festival.

Ang naturang pelikula ay tungkol sa buhay ni Senador Ping lacson.

 Si Alden ang gaganap na batang Lacson at si Robin Padilla naman ang gaganap sa present life ng naturang Senator.

Kailangan daw nilang matapos lahat ng eksena dito sa Pilipinas bago  mag August.

Tutulak daw kasi sa Amsterdam ang production ng 10,000 hours kasama si Robin Padilla sa darating na buwan ng Setyembre.

Pero yun nga lang hindi kasama sa naturang bansa si Alden.


PS. for more Tootie-intriga, makinig po tuwing Lunes hanggang Saturday, 4:30 at Ladies Room every Saturday, 11:00-12:00 NN sa Super Radyo Dzbb 594KHZ. or maaari rin kayong makinig via online streaming http://www.gmanetwork.com/radio/streaming
follow me on twitter and instagram @ilokanonggwapo

Sunday, July 7, 2013

CARLA ABELLANA, SIGURADONG MGA BARAKO ANG TOMDEN.

CARLA ABELLANA, SIGURADONG ,MGA BARAKO ANG TOMDEN.
“lalaki, lalaking lalaki silang dalawa yun ang magaling na nacoconvince nila ang manunuod na babae sila kunayari.

Sobrang proud ako sa kanila na kayang  magwork ang isang love team na hindi naman sila magkakatuluyan, ito pa dalawang lalaki …sobrang convincing ang chemistry nilang dalawa. Pero lalaking lalaki sila yun ang maganda… sabi nga ni Direk Dom (Dominic Zapata), walang bakla sa show namin pero tignan mo , writers, director hindi naman  bading, pero nagagampananan nilang mahusay- Carla Abellana



Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala si Carla Abellana sa mainit na pagtanggap ng mga manunuod sa pinag-uusapang teleserye at ang bagong trending program sa Pilipinas na My husband’s lover.

Sa panayan ng inyong Your’s Tootie, sa backstage ng Sunday all star ay tila pinanindigan na ni Carla na tawagin siya sa labas na Lally.

Masaya nga si Carla dahil gabi-gabi ay talagang walang mintis na trending ang My husband’s lover sa social networking site na twitter, take note, hindi lang dito sa Pilipinas kundi worldwide.

Ayon sa napakagandang si carla…“Nagugulat kami hanggang ngayon na parang paano nangyari iyon, seryoso ba yun na sa bawat gabing dumaraan ay trending pa rin ang My husband’s lover, tapos lately hindi na rin siya dito sa pilipinas trending kundi maging sa ibang bansa worldwide” .

At kahit lunes hanggang biyernes lamang ang my husbands lover ay nagtretrending din ito sa week-end.

Gaya na lamang nuong nag guest sina Carla, Tom Rodriguez at Deniis Trillo sa Eat Bulaga at Startalk.

Kaya naman laking pasasalamat ni Carla sa mga netizens na talaga namang pinag-uusapan ang kanilang prgrama sa twitter.

Aware ba si Carla sa mga bumabatikos sa kanilang programa?
“hindi naman lahat matutuwa, syimpre meron pa rin ang hindi happy o against it pa nga, ani ni carla.

At bilang pasasalamat sa mga masugid na manunuod ng My husband’s lover ay every week ay magkakaruon daw sila ng mall show, hindi lang dito sa Metro Manila kundi maging sa ibang panig pa ng ating bansa.

Kahapon nga (July 6, 2013) ay nasa SM Sta. rosa sa Laguna ang casts ng My Husband’s lover

Jam-pack nga ang tao at marami pa ang hindi nakapasok sa naturang mall.(  via dennis Trillo instagram )(  http://instagram.com/p/ba__tGwVDP/ )

Sabi nga ni Carla, hindi na raw nila nakikita ang sahig sa sobrang siksikan ng mga taong dumalo sa kanilang mall show.

 “nakalulungkot dahil marami ang hindi nakapasok at marami rin ang nasaktan at nadisgrasya, succesfull naman ang show at natutuwa naman kami dahil walang serious injury na nangyari. –Carla

Ang My husband’s lover na nga raw ang maituturing na pinaka memorable na proyektong ibinagay kay Carla.

Sa katunayan, 16 weeks lamang ang itatakbo nito sa ere at hiling ng napakagandang kapuso actress na ma extend pa ito ng maraming buwan.

“Nag-uumpisa palang kami at marami ng memories, ayokong matapos ang show na ito. sinabi ko…sana magtagal kami ng 3 years, sobrang enjoy kami as a team…ang kukulit nilang lahat , mabibigat ang mga eksena so nachachalenged kami, masarap yung feeling at yung suporta ng mga tao”

Paano kung may tibo version ang My Husbands Lover?

Game din pala si Carla kung magkaruon ng programang My wive’s lover o yung magkarelasyon na kapwa babae.

Pati raw sa pelikula especially sa Indie Films ay hindi raw niya ito tatanggihan.

Pero paano kung may kissing scene sa kapwa babae?

Sagot ni carla, “dipende sa makakasama kong artista kung Solen Heusaff diba ang ganda, why not diba?

Maging ang kasintahan ni Carla na si Geoff Eigenman ay game rin daw sa My Husband’s lover.

Ayon kay Carla, Gusto raw ni Geoff ang role ni Dennis Trillo as Erik.

Pero sa ngayon ay abala raw ang kanyang kasintahan sa pagpapapayat dahil kapansin pansin nga sa huling teleserye ni Geoff ang paglobo ng kanyang katawan.

Going strong pa rin naman daw ang relasyon nina Carla at Geoff.



PS. for more Tootie-intriga, makinig po tuwing Lunes hanggang Saturday, 4:30 at Ladies Room every Saturday, 11:00-12:00 NN sa Super Radyo Dzbb 594KHZ. or maaari rin kayong makinig via online streaming http://www.gmanetwork.com/radio/streaming
follow me on twitter and instagram @ilokanonggwapo



Monday, October 8, 2012

MGA SIMPLENG BAGAY NA IYONG MAGAGAWA NA NAKAKATULONG SA KAPWA


Sabi nga ng isang sikat na kasabihan, its better to give than to receive.
ang konting bagay pag nakatulong ka sa iyong kapwa na bukal sa iyong puso ay pinagpapala, ika nga.

Narito ang ilang tips na maaari niyong Gawain na makatulong sa kapwa.

Maging responsable sa kapaligiran at inyong mga kasamahan.

Bawal ang makalat- kung ikaw ay matinong tao ang iyong basura ay ibulsa mo nalang kasi kapag itinapon mo yan sa kalsada, kawawa naman ang mga MMDA na nagwawalis hindi po ba?

Bawal maingay- nakakairita ang maingay hindi ba? Para makatulong sa kapwa at hindi mabasag ang kanyang ear drum, huwag mag ingay kung hindi naman necessary.

Centimo pag pinagsama-sama malaking biyaya- wag itapon ang mga isinukli sa iyo sa mga mall na 5 cents 10 cents bagkus ilagay yan sa bote ipunin mo, pag marami na I donate sa mga nangangailangan, dahil pag pinagsam-sama nakakatulong yan sa kapwa.

Palimus po!- kapag may namamalimos, bahala ka na kung magbigay ka ng pera pero mas maganda kung pagkain para matiyak mo sa tiyan mapupunta.

Be safe; sa mga lokong asawa na maraming sex partner, naku tumino napo kayo, pwede ring mag suot ng condom o kaya makontento kayo sa partner niyo para makatulong kayo na hindi kumalat ang mga nakakahawang HIV at Aids

Usok nakakasulasok: mga ateng nakakaasar yung mag-cocomute ka diba? Sasakay ka sa humaharurot na sasakyan na nagbubuga ng maitim na usok, para makatulong ka sa mga commuter, ipa-emission test ang inyong vehicle, nakakatamad kaya maglinis ng ilong kasi maitim na dahil sa usok.

Bawal ang kabit; naku huwag manggulo sa buhay ng may asawa, bukod sa nasa ten commandments, bawal rin yan sa batas. Para makatulong kayo sa kapwa na hindi makasira ng pamilya ng iba, maghanap ka na lang ng aso at iyun ang alagaan mo at ibigin mong tunay.

Abuloy sa simbahan, sinasabi ng ilan na ang pagbibigay ng abuloy sa simbahan ay makakatulong sa programa ng simabahan at ayon sa mga naniniwala magiging triple ang matatanggap mong grasya.

Ang pagdadasal ang pinakamabisang paraan para makatulong sa iba, ipagdasal ang may sakit, ang may problema, ang mga kurakot na pulitiko ang mga closset queen na lalaking artista, mga nagmamalditang kapitbahay, kalusugan ng bawat isa at kapayapaan sa bansa.

Kaaway man ang turing sa iyo ng ilan pero suklian mo iyun ng dasal, asahan mo ikay pagpapalain!

Sunday, October 7, 2012

My proposed Business card

Actually, every year the network gave me 100pcs. of Business Cards.We have only one format- not in this picture.

But, due to my malikot na utak, ill try to proposed this, putting some icon on my twitter/ tumblr and emails.

Do you like it?
if yes, ill give you one if my boss accept this kaek-ekan!

cross finger! sigh


Friday, October 5, 2012

PARA KAY MADAM AT SIR



AKO’Y NATUTUWA SA ISANG KATULAD MO
DAHIL SIMULA NG BATA PA AKO’Y- IKA’Y AKING IDOLO
ARMAS MO’Y CHALK AT BALA MO’Y TALINO
BAON MO YAN ARAW-ARAW PARA KAMI AY MATUTO.

SA PAARALAN SILA ANG NAGSILBI NAMING PANGALAWANG TAHANAN
KAYA NAGING TIWALA SA INYO ANG AMING MAGULANG
KAYA ANG INYONG SERBISYO HINDI MAPAPANTAYAN.
MAGING ANG INYONG PAG-TUTURO, HINDI RIN MATATAWARAN.

ARAW-ARAW SILANG NAKATAYO.
LAWAY ANG PUHUNAN AT KAALAMAN ANG KANILANG PANLABAN.
HINDI NAGREREKLAMO KAHIT SALAT SA SWELDO.
PATI MURANG PABAHAY NA HINDI MAIBIGAY NG GUBYERNO.

SINASABI NILA, SI MADAM AY MASUNGET.
NAMIMINGOT, NAMAMALO -  KAYA NAMAGA ANG AKING PWET.
HINDI KO IYUN DINAMDAM DAHIL LIKAS NA AKONG MAKULET.
SIMULA NG BATA PA AKO AT AKO’Y MALIIT.

AKOY NAGPAPASALAMAT SA AKING MGA BUTIHING TITSER.
DAHIL AKO’Y NAGING ISANG NOT YET SO FAMOUS NA BROADCASTER.
MGA TITSER KO NUNG COLLEGE, HIGH SCHOOL AT MAGING NUONG KINDER.
NANG DAHIL SA INYO, GINAGALANG NA RIN AKO AT TINATAWAG NANG SER.

MADAM/SIR NA NAGSILBI NAMING PANGALAWANG MAGULANG
MARAMING SALAMAT SA MGA IPINUNLA NINYONG KAALAMAN.
MAMATAY MAN KAYO SA MUNDONG IBABAW.
HINDI-HINDI KAYO MAWAWALA SA AMING MGA ISIPAN.

ARAW-ARAW KO KAYO’Y AKING PASASALAMATAN.
KAYA NAMAN ALAY KO’Y ISANG MALUTONG NA PALAKPAKAN.
DAHIL ARAW ITO NG ATING MGA MINAMAHAL NA GURO
FOREVER KO KAYONG BIBIGYAN NG SINSERONG SALUDO!



HAPPY TEACHERS DAY SA LAHAT NG AKING MGA GURO

SAN ANTONINO DAYCARE CENTER
KINDER- Ma'am Nolasco

CULALABO ELEMENTARY SCHOOL
Grade 1: Marilyn natividad
Grade 2: Susan Lapeña
Grade 3: Ma'am Edu
Grade 4: Lorna Pallaya
Grade 5: Marivic Mateo
Grade 6: Virgiña Caratiquit

SAIT PETER'S ACADEMY
1st year: Jenelyn Decena
2nd Year: Charito Abrogena
3rd Year: Violeta Talana
4th Year: Leah Carungi 
Mia Leones
Emerson Lucas
Edgar Lozada
Fr. Allan Bert Pascual

PERPETUAL HELP COLLEGE OF MANILA
Celso Sulit
Allan Encarnacion


PS 
follow me on twitter
@yourstootie

like us on facebook


Monday, October 1, 2012

Paano mo masasabi na gusto mo ang isang tao?



MGA PARAAN O STILO PARA MASABI MONG TYPE MO O MAHAL MO ANG ISANG TAO…

MARAMI SA ATIN ANG MAHIYAIN, KAYA MINSAN NAUUNA ANG HIYA KESA SA GUSTONG SABIHIN.

PATI SA PANLILIGAW TAKOT KA, BAKA KASI SABIHAN KANG O-A O CORNY.

KAYA NARITO ANG AKING PAYO KUNG PAANO MO MASASABING MAHAL MO O GUSTO MO ANG ISANG TAO…

Kung na love-at-first sight ka sa isang tao, kapalan mo na ang mukha mo, direct to the point, makipag kilala ka in a manner way,
            Ex. hi! naniniwala akong maganda ka, maaari po bang makipag-kilala?

At kung deadma sa iyo yung tao, kunin mo na lang ang facebook account niya, pero kung ayaw pa rin niya, heto ang aking payo…
            Sabihin mo sa kanya, ‘ms. Pangalan mo palang ginto na, ano pa kaya kung makikilaala pa kita” ganun dapat may kilig factor! “boom”

            Ang babae, gusto laging sinosorpresa, kaya alamin mo ang gusto ng crush mo at iyun ang dapat mong gawin sa ngayon.

            Sa mga ganitong araw, usong-uso ang pag bibigay ng bulaklak at tsokolate, kaya naman why not painit mo ang feb-ibig, maki-uso at sabihing “ang bulaklak na ito ay hindi para magpasalamat dahil nakilala kita, kundi para sabihing, gusto kita!

            Mag-prisintang maging S-G o “security guard” niya kapag ginagabi siyang umuwi, plus pogi point yun! Mararamdamn ng babae na isinaalang-ala mo ang kanyang kaligtasan.

            Kunyari mag-text brigade pero siya lang naman pala pinag-send dan mo, o diba, umaasa kang mag-reply siya, etlist u tried!

            Kung sa araw na ito ay alam mo kung saan siya pupunta, punta ka rin din tapos kunyari nagkataong nagkita kayo dun sa lugar, swerte ka kapag wala siya kasama dahil ikaw na mismong mag-presinta na samahan na lamang siya.

            Hindi na uso ang secret admirer, ang uso ngayon ay komprontahan na lang.
            Ex. crush kita, liligawan kita ah.. ganun wag yung pwede ba kitang ligawan? Magka-iba yun!

            Kapag babae ang unang nagpakita ng unang motibo, boys go to the flow, pero panindigan niyo, wag niyong paglaruan ang feelings ng mga babae!

            Usong-uso ngayong ang pick-up lines, ito na nga raw ang makapagong paraan ng panliligaw.
            Example.
            Whale ka ba? Whale u be may girlfriend?

mabuti pa ang calendar.. May DATE, tayo wala

Ano height mo? Sa tangkad mong yan nagkasya ka sa puso ko.

Ayoko na sa sarili ko! Gusto mo sa ‘yo na lang ako?

Eto ang tatandaan mo.. Hindi lahat ng buhay ay buhay.
Tulad ko, buhay pero patay na patay sayo

            Alam mo mukha kang inodoro
bakit naman???
sa tuwing nakikita kc kita para aqng taeng nahuhulog sau....wahahaha

            Laging tandaan na kapag gusto mo ang isang tao ay gumawa ka ng effort para mapansin ka niya.

            Wag matakot mabasted, kasi hindi ka babangon kung hindi ka madadapa, isa lamang iyung pag subok na dapat mong paghandaan.

            Kaya naman kung ayaw mong malamig ang iyong pasko, ano pa ginagawa mo..porma na!


follow me on twitter : 
https://twitter.com/ilokanonggwapo