Tuesday, August 27, 2013

LIST OF NAMES NOW BEING CONSIDERED TO REPLACE PDAF



Ilang dekada na pala tayong niloloko dahil sa pork barrel na yan.

kaya pala dumadami ang mga gahaman, mga pamilyang gustong tumakbo sa Kongreso at Senado dahil sa laki ng kikitain nila sa kanilang NEGOSYO? PWESTO? 

Ang dapat sana na lingkod bayan ay siya pala ang magbubulsa ng kaban ng bayan.

Ang pulitiko na tutulong sana sa mahihirap ang siya pala ang magpapahirap.

Ang ibinayad ng mga walang pusong pulitiko na isangdaan sa mga botante nuong eleksyon ay bawing-bawi pala kapag sila ay nakaupo na.

Ngayon, alam na ng taumbayan kung bakit may nagpapatayan para lamang sa inaasam na pwesto- iyun ay hindi dahil sa gustong magsilbi kundi para angkinin ang dapat  na para sana sa bayan ni Juan.

Nakalulungkot isipin na marami ang naghihirap, kahit 200pesos na lang ang pera ni Juan DelaCruz ay ipapambili pa niya ito ng gamot na may TAX na napupunta sa gubyerno.

Ang karaniwang empleyado na kahit hindi sapat ang benepisyo ay kaltasado na agad ang TAX nito pagdating ng kinsenas at katapusan.

Pero ang TAX pala na yan ay napupunta lang sa mga kurakot na pulitiko, isama mo na diyan itong sikat na sikat na si Janet-Lim Napoles, pa-utograph naman.

Ang nakakagalit, Kumakayod kalabaw ang mga Juan DelaCruz, samantala itong si Napoles and friends ay nagpapakasa sa pera na pinaghirap ng taumbayan.

Ang kakapal talaga ng Mukha, pu-TAX ng ina niyo!!!!!

Sabi nga ni PNoy "saan kayo kumukuha ng kapal ng inyong mukha?"

Hustler, Notorious- ganyan ko isalarawan itong si Napoles at ang kanyang mga kasabwat.

Daig pa nila ang mga manunulat na bumubuo ng isang teleserye.

sige gawan natin ng proposal:

TITTLE: TBA, kayo nalang mag-isip.

Character: siyempre ang bida si Napoles.
Isama mo na rin diyan ang mga taong hindi pa ata naipapanganak ay ipinasok na sa eksena ng panloloko.

At para hindi malungkot ang ating superhero; gaya ni Darna ay may Ding, si Batman ay may Robin itong ating bida may partner-in-crime din, at take note madami sila kaya malakas ang pwersa.

costumes ng kasabwat: ayaw ko na ang panty na gaya ni Darna na may panyo pa, or yung nasa labas ang brief, literal na lang naka barong? naka terno at nakakurbata para MIB lang diba?


SETTING: sa kunyaring tanggapan ng mga pekeng NGO, hmmmm.... sa bahay ni Kong? may agimat ba duon? ay sige wag na duon magagalit ang manong ko, sa fastfood na lang sa bandang San Juan para pagsaluhan nila ang malutong na Lapid chicharon.

PLOT: tinatanong pa ba yan, siympre ang mangkubra ng pera ng bayan. 
(conflict) nabunyag na lahat ng sangkot at lalong sumikat si Napoles dahil maging sa interpol may fansclub siya duon "WANTED Napoles" taray ang lola diba?  
eh ano ang ending? malamang walang mapaparusahan hanggang iimbestigahan lang naman nangyayari dito sa atin eh, may bago pa ba? pero papayag ba tayo?

At matapos ngang pagplanuhan ang pelikula, heto na ang inaabangan, kumita ba?

Well, kahit hindi naipromote sa mall shows at sa facebook itong pelikula nina Napoles and friends ay daig pa ang Sistera sa kinita, walang kahirap-hirap- box office hit agad ito!

At dahil nga sa sobrang hit ng pelikula na pinondohan ng taumbayan ay may bonus si Napoles at ang kanyang anak, (mga sasakyan at bahay at mamahaling gamit)

Pero , eto eh, hindi man lang siya nagpasalamat sa atin, tumakas na.. unfair!!!!!!
diba may part 2 pa, the prisoner? 

JUST IN: Hindi lang pala 10 billion pesos ang nakubra nitong Napoles and Friends dahil tumataginting daw na 100 Billion pesos.

pu-TAX ng ina naman, ang laki nuon ah, imagine,...walang kahiraphirap na pumila sa lotto outlet, nanalo agad ng super jackpot prize? (may agimat nga) 

Ang bilyung-biyong piso na napunta lang sa bulsa nina Napoles and friends ay marami na sanang paglalaanan.

ilang mahihirap na  sana ang pwedeng magkaruon ng maliit na pagkakakitaan?

ilang silid aralan na sana ang maipapatayo?

ilang ospital na sana ang maipapagawa?

ilang kalsada na sana ang hindi huhukayin at muling ipapagawa ay este ilang kalsada na ang maaayos?

grabe lungs, wala silang puso, yun lang yun.
kapag dumadaan sila sa bakung-bakung na daan, keber lang na tumatalbog ang pwet nila may pang beke belu naman sila.

kapag may nakikita silang pulubi,malamang dadaanan lang, wala ngang puso diba?

mga walang tahanan, hindi sila affected, kasi maayos na ang buhay nila

mga kumukubang obrero, magpapasalamat sila dahil sa tax natin may pera ngayon ang Napoles and friends.

Sige na nga tama na, hanggang dito na lang, puntuhin ko nalang ang gusto kong sabihin.

IBASURA NA ANG PORK BARREL.
PANAGUTIN ANG MGA KURAKOT NA SENADOR AT KONGRESISTA-MAGING ITONG SI "oink-oink queen" JANET LIM-NAPOLES.

At bago mag-init ng husto ang ulo ko, may mungkahi ang ilang nating kababayan sa pagbago ng PDAF o Pork barrel.

Ayan basahin niyo na lang, marahil matutuwa kayo ng ilang minuto pero ang galit sa Napoles and friends, forever na yan- puTAX ng ina nila!

LIST OF NAMES NOW BEING CONSIDERED TO REPLACE PDAF:

1. Budgetary Allocation for Collaborative Outreach Nationwide (BACON)
2. Lawmakers Initiative for Emergency, Miscellaneous and Personal Outlay (LIEMPO)
3. Livelihood Empowerment for Countrywide Humanitarian Outlaw Network (LECHON)
4. Pinagandang Iligal na Gastusin (PIG)
5. Countrywide Universal Priority Initiatives Treasury (CUPIT) Fund
6. Totally New Government PDAF Audited to Satisfaction (TONGPATS)
7. National Assistance Program of Lawmakers Engaged in Swindling (NAPOLES)
8. Holistic Lawmaking for Development of All Filipinos (HOLDAF)
9. Selective Enforcement of Budgetary Outlays (SEBO)
10. Government Outlay Line-itemized and Appropriated Yearly (GOLAY)
11. Fund Integration for Social Housing (FISH)
12. Bridges, Excavations & Elevated Roads Fund (BEEF)
13. Countrywide Allocations With Accountability and Transparency (CAWAT)
14. National Allotment for Countryside Amelioration and Welfare (NACAW)
15. PNoy's Initiative for Good Governance CountrYwide (PIGGY))
16. Countrywide Assistance for Special and Important Matters (CASIM)
17. Budget for Allies for Continuation of Party Dominance (BACON-PD)
18. Hearty Allocation of Money (HAM).
19. Benigno Aquino Development Assistance Fund (BADAF)
20. Countrywide Outreach and Rehabilitation Assistance Fund (CORAF)
21. BSA's Awesome Budget for Outstanding Allies of the Year (BABOY)
22. Horrifyingly Unlimited Money for Belmonte, Aquino and Allies (HUMBA)
23. Pnoy's Allowance and Treasury Allocation (PATA)
24. President Aquino’s Nationwide Outlay for Transparency (PANOT I)
25. President-Approved National Outlay from Treasury (PANOT II)
26. President Aquino's Political Action and Initiative for Total Allocation of National Budget (PAPAITAN)
27. Social Initiative for Service in Governance (SISIG)
28. President’s Overt Revenue Kickback (PORK)
29. President’s Outlay for Countrywide Handling of Emergency Rehabilitation for Opulence (POCHERO)
30. Outlay for the Interest of Noynoy and Kinsfolks (OINK)
31. Countrywide Re-distribution of the Inherent Source of Patronage for the Yellow President’s Allies, Toads and Associates (CRISPY PATA)
32. Legislative Allocation for Reform and Development (LARD)
33. Barangay Initiatives for New Allocations Granting Oversight On Non-Government Associations Nationwide (BINAGOONGAN)
34. Presidential Oversight for Relatives and Kin with Budgetary Entitlement from Legislative Largesse Yearly (PORK BELLY)


35. National Allotment for Countrywide Amelioration and Welfare Initiative Fund (NACAWIN FUND)


-someone post this on my FB and i want to share with you my labs.
hope you like it.

#scrapporkbarrel
#napoles
#pdaf

Monday, August 26, 2013

Ilang sikat na personalidad, nakiisa rin sa #MillionPeopleMarch kontra pork barrel.



Mayaman man o mahirap, babae, lalaki, tomboy at mga bakla at ilang sektor sa ating lipunan ay nagkaisa kahapon sa isinagawang one million march, na kung saan protesta laban sa pagbuwag ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o "pork barrel" na idinaos sa Luneta at Quirino Grandstand.

Libo-libong Pilipino ang nagkaisa- maging ang ilan natin kababayan sa ibang bansa ay sumuporta sa naturang protesta.

Pati ang ilang pinoy celebrities ay nakilahok din sa isinagawang programa bilang pagsuporta na itigil na ang ginagawang pangungurakot ng mga iniluklok sa pwesto na nagbubulsa ng kaban ng bayan sa pamamagitan ng kanilang pork barrel.

Ilan sa mga namataan sa programa ay ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez, Rommel Padilla,ang mag-amang sina Ping at Pen Medina, Pinky Amador, Jim Paredes, Willy Revillame, Raymund Gutchirez, Isabel Daza, Georgina Wilson, Fredie Aguilar ,Leo Martinmez, Pia Magalona, Direk Joey Reyes,Edu Manzano,Candy Panilinan at 1969 Miss universe Gloria Diaz.

Hindi man nakapunta sa Luneta ang kapuso nating si Dingdong Dantes ay nagpahayag siya ng suporta sa kanyang official twitter account.

Ayon kay dingdong, nakikiisa siya sa million people march para ibasura na ang pork barrel.

Hayaan din daw marinig ang boses ng masa sa mapayapang pamamaraan dahil ang kay juan ay kay juan, pero nasaan na raw ang inaasahang kaban ng bayan.

Dagdag pa ng kapuso actor, ang 10 billion pesos na napunta sa bulsa ng mga corrupt ay maaari na raw sanang makapagpatayo ng 16 thousand na classrooms.

Nanawagan din sa kanyang instagram account si Anne Curtis na itigil na ang pangungurakot sa gubyerno.

Ayon kay anne, “maawa naman kayo. That hard earned money should be going towards GOOD USE and the BETTER of OUR COUNTRY and the PEOPLE who need OUR HELP. It was NEVER meant for YOU to put in your own pockets.”

Ang pakikiisa ng mga personalidad sa mapayapang martsa ay patunay lamang na mapa-artista man o ordinaryong mamayaan ay iisa ang isinisigaw…
Ang tuldukan na ang ugat ng katiwalian.

Friday, August 23, 2013

Paano ba maging kapanipakinabang ang buhay?

Habang tayo ay nabubuhay ay dumarating sa puntong napapagod tayo sa ilang mga bagay-bagay.
Ang ilan, nagpapatiwakal at ang iba naman ay nasisira ang buhay.

Masaya ang mabuhay, pero paano ba maging kapanipakinabang ang buhay?


1. Smile, kahit konti lang- ang pagiging masiyahin ay magdudulot ng kakaibang pakiramdam, hindi lang sa sarili kundi maging ang taong makakakita sa iyo, yun nga lang wag sanang ikaw ay mapagkamalan na baliw. dapat ay "ngiting nakakapagpasaya sa kapwa mo"


2. Galaw-galaw para di ma stroke- kesa sa maghapon lang nag fafacebook o nakikipag tsismisan, ilaan ang mga bakanteng oras sa mas kapakapakinabang. maaaring maghanap ng extra kita o kaya sideline.


3. Tulong-tulong sa pagsulong- hindi magiging maganda ang isang bayan o lugar kung hindi nagtutulungan. hindi matatapos ang isang bagay kung hindi magkapit bisig. kaya ang dapat....wag makasarili,maging matulungin parati.


4. Bayani kapuripuri- hindi purket bayani kailangan mong lumaban sa himagsikan, pwede kang maging idolo ng ilan sa ibang paraan, ipakita mo  kung ano meron ka na pwedeng ipagmalaki ng ating bayan, para sasabihin ng iba, idol ko yan!


5. Magiging kapakapakinabang ang buhay kung ginagamit ang puso at isip. wag padadala sa emosyon-kasi magkakaruon ng komosyon. gaya na lamang ng pang aaway sa facebook, nakikisawsaw sa usapin na hindi ka naman kasali, kaya para masaya ang life. think before you click.


6. Magtrabaho at hindi manloko, aba naman matutong magbanat ng buto, walang kurso sa kolehiyo sa panloloko, kaya mgkaruon ng puso at hiya. gawing kapakapakinabang ang buhay dapat wag manggulang.


7.Ariba sa tiwala, wag mawalan ng pag asa, habang may hininga, malamang buhay ka pa. magkaruon ng tiwala sa sarili na kaya mong gawin o makuha ang bagay na gusto mo. masasabi mong kapakipakinabang ang buhay pag ang pangarap nalasap!


8. Lumapit kay lord, wag sa drug lord- wag sirain ang buhay. matutong labanan ang tukso para buhay hindi agad sumuko.


9. Pagmamahal ay ialay, para masaya parati ang buhay.
ipakita ang pagmamahal hindi lang sa iyong kasintahan. masaya ang walang kaaaway at pairalin parati ang pagmamahal, dahil kapag ikay nabubuhay sa galit, for ever kang pangit!




PS.
follow me on twitter and instagram
@CharmaineEiy
 

Tuesday, August 20, 2013

Asan si PNoy?


Sa tindi ng buhos ng ulan dulot ng habagat at bagyong Maring ay talaga namang bumaha ng husto sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Inaasahan kong gagawin muli ni PNoy ang dati niyang ginawa nuong nakaraang habagat na talaga namang masasabi mong lingkod bayan.

(insert file video)
NUON:
"kasama ang ilang maugong na tatakbo nuon sa eleksyon 2013 ay namudmod ang butihing Pangulo ng relief goods sa mga nasalanta ng habagat sa Taguig"
(video fade)

 






NGAYON:
Dalawang araw na ngang binabayo ng napakalakas na ulan ang Metro Manila at ang ilang probinsiya sa Hilaga at Gitnang Luzon, particualr na rin dito sa kalakhang Manila.

Nang dahil sa nag-iinarteng sina Habagat at bagyong Maring ay marami ngayon ang nananatili sa mga evacuation center.

Maraming pananim ang nasira at bahay na nawasak.

At batay sa bagong talaga ng NDRRMC, 25 ang patay, 4 ang nawawala at 41 naman ang nasaktan.

Kaya naman laking tuwa ko nang makita sina VP Binay, SILG Roxas, ilang kabinete at Mayors sa Metro Manila na umaaksyon sa kasagsagan ng habagat at bagyong Maring kanina.


Pero ang tanong ng marami ASAN SI PNOY?

SAGOT:
"nagpapahinga si PNoy ,byuti rest ba- kaya wag niyo siyang istorbohin masisira ang byuti nya, bagong manicure at pedicure masisira kuko niya at infiernes bagong rebond. hehehehe #jokeonly

Bakit nga ba wala si PNoy?
Pagkakataon sana niyang tawagin muli ang kanyang mga kaibigan para tumulong sa mga kababayan natin na hanggang ngayon ay nangangailangan ng tulong.

malay mo, sa 2016, manalo na sa Senatorial race ang mga manok niya?
#pushmoyan!




Monday, August 19, 2013

Starstruck Almuna Megan Young, kinoronahan bilang Ms. World Phil. 2013

Photo by Danny Pata of GMA news
Itinanghal kagabi bilang Ms. World Philippines 2013 ang starstruck alumna batch 1 na Megan Young.

29 contestants ang naglaban laban sa korona ngayong taon sa Solaire resort and casino.

Si Megan Young ay lalaban sa September 28 sa Jakarta Indonesia para sa Ms World 2013.

Bukod sa siya ang nakasungkit sa korona ay hakot award din ang aktress.

Nakuha niya halos ang special award tulad na lamang ng...

Best in Fashion Runway

Miss Sports by FILA

Miss Reducin

Miss Olay

Miss Laguna

Miss Bold and Glamorous by Revlon

Miss Figlia

at Miss Bench Body

samantala ang iba pang nanalo ay sina. 

1ST Princess  #10 Janicel Lubina

2ND Princess  #5 Zahra Saldua

3RD Princess  #10 Bianca Paz

at 4TH Princess  #18 Omarie Linn Osuna

Hinarana rin ng My husbands lover star na si Tom Rodriguez ang mga kandidata.

Sina Kc Montero, Victor Basa at Carla Abellana naman ang naging host ng naturang coronation night.





Friday, August 16, 2013

Taylor Lautner, pasasayahin ang fans sa MOA Arena



Nasa bansa  si Taylor para mag-endorso ng isang local clothing brand.

Pasado alas kwatro ng madaling araw ng Biyernes nang dumating sa bansa si Taylor lulan ang PAL flight number PR 103.

Simula ng ginampanan niya ang papel na Jacob sa sikat na Twilight series ay malayo na ang narating ni Taylor.

Kaya naman itinuturing na siyang isa sa Hollywood IT boy ng kanyang henerasyon.


Pasado alas singko naman ng kahapon ay dumalo ang inyong Yours Tootie sa presscon ni Taylor sa Makati Shangri-la.

Ikinuwento nga ni Taylor na na-love at first sight siya sa Pilipinas.

Ito ang kauna-unahang pagbisita ng Hollywood Actor sa bansa.

At heto... girls listen...

Alam kong nagkakandarapa kayo sa abs ni Taylor.

Sa pelikulang  twilight ay ipinakita ni Taylor ang kanyang pak-na-pak na sixpack abs at bruskong pangangatawan.

Ang sikreto raw niya, sa edad na 16 ay nag-ji-gym na pala ito para lalong looking yuminess ang katawan.

At imagine mga bhe, more on carbs pa nga raw siya.

Ikinatuwa naman ni Taylor ang mainit na pagtanggap sa kanya ng kanyang pinoy fans.

Kaya naman mamayang alas 7 ng gabi ay magkakaruon ng meet and greet si Taylor sa MOA arena.

kaya mga badaf, sugod na!

PS.

To be updated for Taylor's event in MOA Arena
.