Wednesday, July 1, 2015

Venezuelan Actor Fernando Carillo at Pambansang Kamao, gagawa ng pelikula?

Sa ikatlong pagkakataon ay muling bumisita sa bansa ang Venezuelan actor na si Fernando Carrillo.

Kilalang-kilala si Fernando bilang si Fernando Jose sa mexicanovela na Rosalinda kasama si Thalia.

Ang dahilan nang pagbisita ni Fernando sa Pilipinas ay ang mabisita at makadaupang palad si Manny Pacquiao.

Sa intagram post ng talent manager na si Arnold Vegafria ay nagkita ang dalawa sa isang dinner sa bahay mismo ni Pacquaio sa Forbes.




Sa instagram account naman ni Fernando ay labis ang kanyang kasiyahan at pasasalamat sa ating Pambansang Kamao.







Samantala, sa isa pang IG post ni Vegafria ay isang malaking proyekto raw ang aabangan sa dalawa, ito na kaya ang pelikulang pino-produce ni Fernando na Los Elite?




Dahil napamahal na si Fernando sa Pilipinas ay gusto raw niyang makasama sa isang proyekto ang Kapuso Actress na si Carla Abellana na siyang gumanap na Rosalinda sa Bansa.

Bukod diyan ay bukas din sa posibilidad na maging guest artist si Fernando sa remake ng Marimar na pagbibidahan nina Tom Rodriguez at Ms. World 2013 Megan Young.

No comments:

Post a Comment