Wednesday, July 1, 2015

Abs pa more! Katawang pang-Sergio SantibaΓ±ez, ipinasilip ni Tom Rodriguez

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Kapuso leading man na si Tom Rodriguez sa kanyang bagong serye na gagawin sa GMA Network.

Ang remake ng Marimar na kung saan makakapareha niya si Ms. World 2013 Megan Young.

Sa mga larawan ni Tom sa kanyang instagram account ay tila araw araw niyang pinaglalaway ang kanyang followers dahil sa kanyang mga topless post.

Bet na bet naman iyun ng mga becky at ng kanyang Tom Lover fans dahil nakikita nila ang pagbabago sa katawan ni Tom.

Sabi nga ng kanyang physical trainor na si Billy James, konting push na lang at makikita na ang abs ni Papa Sergio.

Nang minsan ko makatsikahan si Tom ay talagang disiplinado ito hindi lang sa trabaho kundi sa pagdi-diet, napatunayan ‘nya ito ng rumampa siya sa underwear show ng iniindorsong clothing line.

Kaya naman tiyak, hindi lang ang bagong twist ng Marimar ang aabangan ngayon kundi maging ang pangangatawan ni Papa Sergio.

Panoorin ang video na ito mula sa kanyang trainor sa Billy James Fitness Center.

Abs pa more?

A video posted by Chad Borgy (@chad170889) on


Cardio pa more?


A video posted by Chad Borgy (@chad170889) on


A video posted by Chad Borgy (@chad170889) on


Sa iba pang Instagram post, tila mas ganadong mag-work out si Tom kung kasama niya ang napapabalitang kasintahan niya na si Carla Abellana.


Couple work-out ba? 




A photo posted by Chad Borgy (@chad170889) on

Selfie pa more?


A photo posted by @akosimangtomas on


Workout with other artists


A photo posted by Billy James (@billyjames3031) on








No comments:

Post a Comment