Wednesday, October 2, 2013

Heart Evangelista, blooming dahil sa kanyang love-life?

Sa panayam ng inyong Yours Tootie kay Heart Evangelista ay halatang-halata na masaya na ito sa takbo ng kanyang karera at maging ang kanyang buhay pag-ibig.

Si Heart ay mapapanuod sa bagong programa sa GMA na Magkano ang pag-ibig?

kaya naman pinag-usapan namin ang kanyang bagong project sa GMA at ang update sa relasyon nila ni Senator Chiz Escudero.

Narito ang transcript ng aking panayam sa napakagandang si Heart Evangelista.

Q: Ms. Heart, this week na po ilalabas ang bago niyong soap, ano po ang        aabangan sa Magkano ang pag-ibig?

 Heart: well, it’s a very sensitive topic kasi yung magkano ba ang pag-ibig but it’s the reality of this world kumbaga, na minsan when we love like kunwari our family or something or may mga pinagdadaanan tayo sa buhay like when it comes to financial problems ganyan, o nabaon sa utang. Malalagay ka talaga sa sitwasyon na medyo kapit ka sa dilim na you have to make a great sacrifice to be with somebody for a security ganyan. So yun ang dapat nilang abangan kung ano ang magiging desisyon niya at kapag nagdesisyon na ano ba ang magiging conflict nito sa buhay nilang pamilya.

Q: So unang days ba pasabog na at makikita ka na?
Heart: yes agad agad mag-uumpisa na.mabilis po ang kwento kaya kailangan talaga nilang abangan at andaming mga angulong hindi  nila nakita sa ibang soap, unang-una sa lahat ang daming mga animals dito  kunyari magpapaligo ng mga baboy na nanganganak mga ganyan, so dapat talaga nilang abangan.

Q:medyo kina-career niyo daw yung mga scene mo dito kasi sa piggery talaga siya kinukunan.
Heart: kina-career namin.

Q:  hindi niyo siya dinadaya na may ka-double ka man lang na magpapaligo ng mga baboy?
 Heart: hindi. Hindi talaga. Pero wala namang problema dahil mahilig naman ako sa mga animals at kina-career namin dahil beteran na director ang kasama namin dito si direk Mario j[Delos Reyes] so lahat kami nangangareer and last mga kasama ko dito mga bigating artista sila Peng Medina, Alessandra De Rosi, Celia Rodriguez  at marami pang iba so talagang lahat kami nangangareer.

Q: kamusta katrabaho si Peng Medina? Diba first time mo siya makatrabaho?
 Heart: first time ko siya pero napakagaling, mahirap yung role niya eh kasi very  critical kumbaga yung movements niya. pero nakakatuwa dahil he’s very focus with his work.

Q:anong pinagka-iba ng magkano ba ang pag-ibig sa mga nagawa mo na na teleserye?
 Heart: ibang mga teleserye? well first time ko din na ang main location namin is babuyan.tapos malayung-malayo yung location namin..3 hours away.so look, quality, director, artista, staff.. wow diosco! Yun ang pinagka-iba niya. Talagang ang primetime nilagay sa panghapon so lahat ng mga natutulog ng maaga o yung mga hindi nakakaabot sa gabi, mapapanuod niyo na po kami sa pang hapon.

Q: Heart sa mga eksena na nakunan niyo na sa magkano ang pag-ibig, saan ka nahirapan?

Heart:lahat po mabibigat. Mahirap

Q: Hindi siya nakaka drain?
 Heart: nakaka drain.

Q: so how do you manage?
 Heart: natutulog ako in between days.

Q: Heart pa-update naman sa inyo ni Senator Chiz Escudero.
 Heart: im very happy. very very much happy. I’ve never been this happy in my life.

Q: may plan kayo for Christmas like vacation?
 Heart: wala pa. wala pa. masyadong maraming nangyayari madaming trabaho.kaya hindi ko muna iniisip baka lalo akong mai-stress kasi syempre I always want to have you know a holiday in free time but hindi ko na masyadong iniisip dahil madami akong trabaho.

Q: does it flatter you na parang teleserye rin ang love story niyo ni Sen. Chiz?
Heart: it doesn’t flatter me.

Q: sinusundan din ng lahat ang kilos niyo ni Sen. Chiz?
Heart: I wish it flatter me pero it doesn’t but in a way nakakatuwa kasi weather we go down, we go through problems or we go up, it’s a real relationship, it’s the real world at madaming mga gustong magpabagsak..ang daming mga kumbaga kontrabida or something like that, but it’s inspiring kasi no relationship is perfect, there’s no fairy tale so nakaka-inspire naman siya sa mga ibang tao so ok na din.

Q:   pinag-usapan niyo rin ba kung san niya dinadala yung pork barrel niya?
 Heart: pina-usapan namin minsan ganyan. Kinukwento niya sakin and also it’s a good way to support syempre I also have to know what’s going on and be updated with current affairs.

Q: nagbabalak ka nab a sa mga charitable activities?
Heart: actually hindi. But it’s not that because nagkataon. I’ve always been very active with charities or something im just not really the type na ia-announce ko. Hindi ko gawain na pag nag birthday ako pupunta ako sa mga charitable events sa mga ganyan na ia-announce ko. But I do have people that I help that I love to help but I don’t like to brag about it.

Q: pag-ibig ba ang dahilan kung bakit fresh ang beauty mo lagi?

Heart: forever fresh ang beauty ko weather im going through hard times or good times I just wash with creams like ponds and other things.

Q:Sinabihan ka na ba kung magkano ang pag-ibig mo?
Heart: Actually never naman. Never believe in that but then may ibang angulo na binuksan si tita celia, ang sabi niya “it doesn’t mean it’s just money..ang pag-ibig meron talagang kapalit yan” comes to sacrifices and I do believe in that.

Q: Ano ang katapat ng pag-ibig mo?
 Heart: well siguro nandun narin yung sa family side aspects or yung mga tao or trabaho o mga anon a kailangan mong pag-isipan bago gumawa ng isang bagay kung makakasakit ba to sa mga taong mahal mo

Q: What will you choose between love and career?
 Heart: At this point parehas, kasi i think kasi love shouldn’t get in the way of anything if it’s the right love so you aren’t suppose to choose but if you are in a parang kunwari crossroad parang its about life and ano it depends where I’m at it depends in what stage I’m at in my life but I will have to decide
I’m both and its not all the time that you have that and sana huwag na lang silang mainggit mainspire na lang sila

Q: Ikaw ba matagal mo din bang hinintay yung perfect guy?
Heart: Matagal kumbaga madami akong pinagdaanan madami din akong dinate madami akong you know pinasukang relasyon just to get the perfect mix but you don’t can’t get the perfect mix its just a matter of time experiences and character building that you appreciate who you’re with there’s no perfect someone
Pwede na ba akong mag Binibining Pilipinas? (laughs)



PS:
Follow me on twitter and instagram:
@yourstootie

tune in also in Super Radyo DZBB 594khz 
Umaga na intriga na: Monday-Staurday, 4:30-5:00
Ladies Room: Every Saturday 11:00- 12:00NN



No comments:

Post a Comment