Wednesday, October 2, 2013

Christian Bautista at Rachelle Ann Go, pinakilig ang ating mga kapuso sa Dubai.

Umalis sa bansa si Christian nuong Friday kasama ang ilan pa nating kapuso na sina Julianne San Jose, Rachelle ann Go at Marianne Rivera para sa isang pagtatanghal ng GMA Pinoy TV sa Dubai.

Mainit nga raw ang pagtanggap sa kanila duon ng ating mga kapuso.

At ang tsika, marami raw ang kinilig nang mag-duet ang dating magkasintahan na sina Christian at Rachelle.

Aniya…“ang ganda ng show namin sa Dubai, that was a very good show, nagkaruon talaga kami ng chemistry—ako si Marianne, Rachelle ann, Julianne.
kaya naman nag enjoy ang mga pinoy duon, it was a concert experience.

Wala pang tulog si Christian nang makausap ko siya nuong Sunday.

Matapos kasi ang show nila sa Dubai ay balik Pinas na agad sila at direcho sa technical rehersal ng programang Sunday all star.

Ayon kay Christian, bitin nga raw ang araw nila sa Dubai, pero ganun pa man ay naging masaya naman  ang kanilang pagtatanghal.

Dagdag pa niya, gusto pa raw sana nilang maglibot duon ngunit kailangan na nilang bumalik sa bansa para sa iba pa nilang mga commitment.

Inusisa rin ng inyong Yours Tootie si Christian sa posibilidad na hindi kaya magkabalikan sila ng dati nityang kasintahan?

Pero ayon sa kanya, magkaibigan lamang sila ni Rachelle.

Kaya naman ang tanong ko ulit, kumusta na ba ang buhay pag-ibig nito, may nagpapatibok na ba muli?

Ang matamis lamang na sagot  ni Christian….
“Ok lang, sakto lang”

After ng programang with a smile ay mapapanuod si Christian sa Sunday all star at sa Musical play na Cinderella kasama si Karyle.



PS:
Follow me on twitter and instagram:
@yourstootie

tune in also in Super Radyo DZBB 594khz 
Umaga na intriga na: Monday-Staurday, 4:30-5:00
Ladies Room: Every Saturday 11:00- 12:00NN




No comments:

Post a Comment