Saturday, September 29, 2012

TIPS PARA HINDI MASAKTAN NG BONGGA, KAPAG NABIGO SA PAG-IBIG


Mahirap Makontrol ang sarili lalo na sa mga first-timer na pumasok sa relasyon- kaya ang dapat gawin, CONTROL YOUR SELF.

OO, masarap magmahal, pero kapag nasaktan, ouch nga naman, kaya ang dapat- huwag ibuhos ang iyong 100% na love, mag-tira ka sa iyong sarili.

Respeto- magrespetuhan kayo pareho, kasi if you love the person, you should respect him/her too.

PRIVACY, hindi lahat ng bagay ay dapat mong malaman tulad nalang ng password sa Facebook at twitter, wag din pakialamanan ang kanyang cellphone, dahil pag may nabasa ka na iba, talagang mag-dududa ka at masasaktan.

Mahirap kumain ng JELLY-ACE at maging kapatid ni JELLY DE BELEN, for short, iwas-iwasan ang pag JEJELY or SELOS ng wala namang katuturan, kasi magsasawaan lang kayo kung laging selos ang umiral.

Mahirap kalimutan yung taong minahal mo ng todo-todo, pero mas masakit kalimutan ang inyong pinagsamahan. Kaya dapat itaga sa kokote, past-is-past, tulungan ang sarili na kalimutan na siya at move-on.

Tanggapin sa sarili na iniwan ka na niya, you’re a looser, pero hindi mo kailangang maghiganti dahil lalo ka lang masasaktan.

Ang buhay ay parang ilog, umaagos, therefore life is goon, live to the fullest, you don’t need to hurt your self, kasi na hurt na nga feelings mo, pati pa ba sarili mo?

Tandaan, pag pumasok sa relasyon, para kang nasa Quiapo ika nga ng linya ng isang pelikula… maraming stranger, maaagawan ka, kaya dapat paghandaan.

Hindi ka masasaktan o mabibigo sa pag-ibig kung tapat ka sa iyong sarili, laging tandaan, Put God always in the center.

ASAL- Ang Sa Akin Lang
OO, masarap magmahal, pero lahat tayo ay dadaan sa matitinding pagsubok, nandiyan ang pighati at pagkabigo na maaaring maapektuhan ang emosyonal at physical ng isang tao.

Normal po ang masaktan at masawi, pero hindi  po normal ang mag-pakamatay at pumatay ng dahil lamang sa pag-ibig.

Kaya narito ang aking tips na sana ay makatulong sa inyo para kapag nabigo sa pag-ibig ay may konting kaalaman na kayo kung paano i-handle ang sarili kapag nabigo sa pag-ibig!

PS:
Follow me on twitter
https://twitter.com/ilokanonggwapo

Follow me on Tumblr
http://ilokanonggwapo.tumblr.com/

Follow us on Ladies Room 
http://www.facebook.com/pages/Ladies-Room/137501756299195?ref=hl

2 comments:

  1. Ang lalim ng hugot sir. Thanks sa advise

    ReplyDelete
  2. sir. meron akong ibabahagi tungkol sa ex-bf ko!? kse after 4 years ay akala ko ay naka-move on na ako sa ex-bf ko dhil may asawa na ako now!? pero november 22, 2015 bigla nya akong unfreind sa facebook at nai-block nya ako sa facebook!? dun pa lng parang bumalik sa alaala ko yung before 4 years na nakipag-break sya sa akin ng wlang dahilan!? ang ang sakit-sakit parin isipin kahit matulog ako or magising ako ay naaalala ko parin yung pang-yayari!? SIR. ANO PONG ADVICE NYO POH SA AKIN? "JOY NG TAGA MEYCAUAYAN BULACAN"

    ReplyDelete