Friday, March 2, 2012

Tips para malaman kung may iba na si mahal

Ang pag-ibig parang bisekleta, dalawa ang gulong, ang sa harapan ay siya at sa likuran naman ay ikaw, kaya kapag flat o walang hangin, may problema kaya naman dapat iyung ayusin, pero kapag nawala ang isang gulong, hindi na tatakbo o mag-wowork ika nga ang inyong pagmamahalan.
Ano ang problema, ikaw o siya?

Kaya narito ang aking tips para malaman kung may iba na ba si mahal?
Una, obserbahan si labidabs kung meron itong kakaibang kinikilos na hindi naman niya ito madalas ginagawa.

Halimbawa,
Dati nerd manamit ngayon... pormang pormang bagets na.       
  
Dati solve na ang simpleng cologne, ngayon naliligo na sa napakamahal na pabango.

Maaagang umaaalis ng bahay, late naman umuuwi, ang lagging dahilan, overtime o kaya nagkayayaan ang barkada.

Laging tinatago ang cellphone, kahit naliligo nasa banyo ang cp, kumakain, nasa bulsa ang cp, pagnatutulog, nakatago ang cellphone.

Mag-isip na kung nadudulas ang bunganga ni mahal, halimbawa tinawag kang baby love eh ang tawagan niyo naman ay honey o kaya na-wrong send siya ng mga bagay na alam mo naman na hindi para sa iyo.

Naprapraning na parang teen-ager kapag inlove, bigla na lang siyang napapangiti na wala sa oras, (naaalala niya ang date nila, ang first kiss at first home base)

Naku mga misis, baka may bagong brief si mister, dahil nagmadali baka nagkapalit sila ng kumpare niya. (bromance)

Wala na siyang oras para sa iyo (sa relasyon ang kapiranggot na oras na pagsasama ay napakahalaga, kaya wag na wag itong mawala)

Ang pinakamahalaga ay kausapin siya, ito ang mabisang gawin para malaman kung ano ba talaga ang problema, tanungin mo sa kanya, “sawa ka naba sa akin? Gusto mo naba siya? Wala na ba talaga itong pag-asang maayos pa? O kaya kung matapang tapang ka sabihin mo “layuan mo na siya!

Tandaan sa relasyon, huwag mawala ang komunikasyon, oras, at tiwala.

Napakahalaga ang bawat isa sa mga nabanggit ko, dahil kapag nawala ang isa jan mahirap na mag-work ang isang healthy relationship.,

Mga girls na sinasabing malakas ang pakiramdam, hindi masama ang magduda!

Mga boys naman na kadalsang nagloloko, makontento sa isa!

Dahil akoy naniniwala sa kasabihang...

Ang lalaking tumatakbo ng matulin..nabuking!

kaya ang dapat gawin...makuntento, isa lang dapat ang lagging kasama sa kama kung ayaw ng karma!

No comments:

Post a Comment