Nag-iyakan at sinabayan pa ng mga noranians ang mga pinasikat na awitin ng superstar ng patugtugin iyun ni Kuya Germs.
Mahigpit naman ang pagkakayakap ni Nora sa kanyang matalik na kaibigan na si kuya Germs.

Pagkatapos ng kanyang radio guesting ay sinundan ko rin siya sa kanyang guesting sa walang tulugan at talaga namang sa unang pagkakataon ay napuno ang buong studio six ng GMA-7.

"Yakap, halik at pasasalamat" yan ang ibinigay ni ate Guy sa mga masweswerteng fans na lumapit sa kanya sa kanyang TV guesting.
Talaga namang hindi maipinta sa mga mukha ng mga solid Noranian ang kasiyahan ng muli nilang masilayan ang kanilang nag iisang superstar.

Sa kasalukuyan ay sinisimulan ng Superstar ang pelikula nila ni Governor E.R Ejersito na may pamagat na El Presidente.
PS. Hindi na ako pumunta sa fans day niya baka ako lang ang pinakabata duon hahahha.....
No comments:
Post a Comment