Friday, February 13, 2015

Mga dapat tandaan bago pumunta sa date ngayong Valentines day

Bakit nga ba aligaga ang mga magkasintahan at mag-asawa sa araw na ito...tinatanong pa ba yan “e di wow” araw ng mga puso (medyo bitter sa mga single)

Mapa-opposite or same sex ay talaga namang naghanda sa araw na ito, at siympre ang isa ang siyang taya at ang isa naman ay feeling maganda, kaya para naman sa mga inilibre ng syota heto tips ko para naman di masayang ang gastos ni labs or ng inyong manliligaw.

1. Magbihis na parang princesa kasi tiyak ang iyong prinsipe ay pagsisilbihan ka at alam kong di ka pupunta sa date kung dimo feel ang iyong kadate kaya ilabas ang iyong pinakamagandang damit na karesperespeto para ituring kang tao.

2. Mag-ayos na parang foundation day para naman hindi tuksuhin ang iyong kadate na may kasamang chaka.

3. Bago umalis ang bahay, i-tsek ang bag kung may....
A. Suklay (mahangin sa labas, para may gagamitin sa pagre-retouch)
B. Maliit na salamin (para tanggalin ang tinga nakakahiya ka)
C. Hand sanitizer ( para naman mabango kamay mo habang naghoholding hands)
D. Sa Lalaki, mouth spray...alam mo na yun in case of alam mo na first base or home base para  ready ka.

4. In case of emergency laging magdala ng....extra money, paano kung nagkulang ang date mo ng anda eh di nganga ?

5. Wag mong hayaan na magkita kayo sa meeting place, sulitin mo na ang pagfefeeling maganda...magpasundo ka, konting effort lang yun para naman safe na safe ka sa daan.

6. Boys... Wag na wag malalate, juice colored minsan tetext ka asan ka na?  ang sagot ba naman ay  “malapit na”.. .( simple question di makaintindi…asan ang malapit na, place ba yun? Ang pagiging late sa date ang kadalasang rason ng pagiging matampuhin ng mga girls… mainipin pa naman sila)

7. Pagkumakain na kayo, pagkakataon mo nang kilalanin siya o magkwentuhan sa anumang bagay; umpisahan mo sa mga magagandang bagay at sa kanyang expectation… at para sincere at sweet  dapat tinitignan ka sa mata habang kinakusap, pero relax ka lang baka matunaw ka.

 8. Kung maaari matapos mag-instagram ng inyong kakaining foods at makapag update sa FB, itago na ang phone at limitahan lang ang paghawak nito...disturbing dude!

9. Makiramdam ka sa iyong kadate, kapag medyo mabilis ay bahala ka nalang kung gusto mo, 
1. Bakit ibibigay mo ito? 
2. Gusto mo ba?
3. Dapat ba? Sa mag-asawa ay go na go normal na eh, pero sa nagliligawan pa lang aba minsan lugar minsan ikaw(Makati) minsan hayop, minsan ikaw (higad) minsan pagkain, minsan ikaw (gabi)

10. give him/her the compliments or your feelings after the dates, token nayun para sa nanlibre saiyo

follow me on Twitter and instagram: Yourstootie



No comments:

Post a Comment