O yung taong lagi siyang sinusorpresa?
Yung Taong hindi nagkulang sa pagpapakita ng tapat at wagas na
pagmamahal?
Tinanggap mo siya ng buong-buo, inalagaan at ibinigay ang sapat na oras
at pagkalinga.
Pero paano kung ang mahal mo ay kabaliktaran sa ipinapakita mo?
Yung mahal mong hindi man lang maapreciate ang efforts na ginagawa mo.
Yung mahal mong kahit lambingin ka ng konting oras ay hindi pa magawa.
Yung mahal mong kulang nalang lumuhod ka para humingi ng oras nya.
Yung mahal mong hindi magpaparamdam kapag hindi ka nagpaparamdam.
Yung mahal mo na parang nakalunok ng anaesthesia dahil hindi mo man
lang siya maramdaman.
Pero kahit ganuon siya, umaasa ka pa rin na mapapantayan nya ang
ipinapakita mong pagmamahal.
At dahil mahal mo siya, ang tanong…hanggang kailan ka lalaban?
Hanggang kalian ka magbubulagbulagan?
Mahal mo siya, pero mahal ka ba nya talaga?
Sa pag-ibig, dapat maging patas, iparamdam ang totoong nararamdaman.
Magpakatotoo ka, kung ayaw mong mawala ang isang tao ipakita mo sa
kanya, iparamdam mo sa kanya, dahil ang puso…napapagod din.
PANOORIN ang video na ito;
Simple lang naman ang leksyon nito para sa umiibig.
“Wag isawalang bahala” ang pagmamahal ng nagmamahal saiyo.
Hindi purket mahal ka nya, ay hindi na siya magbabago.
Hindi puket mahal ka nya, ay hindi ka nya iiwan.
Hindi puket mahal ka nya, ay gagawin mo ang gusto mo na di mo na alam ay nasasaktan
na siya.
Dahil ang pagmamahal, kapag inabuso ay manghihina din yan, mawawalan
din ng gana kapag hindi mo na ito inaalagaan.
Hindi pa huli… maging patas ka sa iyong minamahal, mahal ka ‘nya kaya iparamdam
mo rin sa kanya ang tunay na kahulugan ng pagmamahal at hindi laging binabalewala.
FOLLOW me on Instagram and twitter : @Yourstootie
No comments:
Post a Comment