It’s been three years na hindi kami
magkakasama araw-araw ng mga High school friends ko pero until now the
friendship is there I mean always there! Nakakatuwa lang na kahit magkakalayo
kami, na kahit minsan lang kami mag-usap sa text, chat o tawag e buo parin kami
hanggang ngayon.
Three years are not just that easy
when I don’t have them, tipong sabik na sabik ka ng umuwi pag bakasyon, ung
tipong Nobyembre palang o di kaya Pebrero palang pero iniisip mo na lahat ng mga
pwede kong gawin kasama sila.
Pagkatapos pag nagkikita na kami,
ang sarap lang nung feeling na wala paring nagbago lalo na sa pakikisama sa
bawat-isa, nakakamiss naman ooh! Makikita mo lang si Jennifer sa daan sigawan
na, oh dikaya pag na tiyempuhan naming dumaan si Laiza sa bahay aba’y
sasabunutan ka sabay tawa hahaha! Pagkatapos sa gabing iyon na may bigla-bigla
nalang susundo sakin para sa lakad ng barkada. At jan mo palang makikita ang
mga nagsisigwapuhan kong kabarkada si Ariel, Jay-ar, Kevinx, Michael minsan
meron si Dave, si Clayton, Ronel, Randy at ang boss dawn g lahat si Jay haha.
Pero siyempre hindi naman
magpapatalo ang mga nagagandahan kong kaibigan na babae sa papuyatan anjan na
si Laiza at Jennifer na mauutot ka nalang sa kakatawa, si Vanny, si Jessica
Salmo, si Lucky na kahit ang layo ng bahay ay nakakapunta padin, si Fatima at
marami pang iba, Haynako! Sa dami natin guys hindi ko na kayo makabisado lol!
Deeh haha.
At pag nagsimula na ang kwentuhan
lahat nakaabang sa banat na bibitawan ng bawat isa, nariyan ang usapang walang
kakwenta-kwenta pero sobrang matatawa ka, nariyan yung palokohan at tanungan
tungkol sa kursong kinukuha, nanjan yung pagalingan sa pagsagot ng mga tanong o
bugtong na ibabato ng kung sino-sino.
Nakakamiss naman talaga sila, sila
kasi yung mga taong walang pwedeng ilihim, sila yung mga taong lubos na
nakakakilala sa tunay na ugali ng bawat-isa at tatanggapin ka nila kahit ano ka
man, kahit ano lang ang meron ka, sila yung mga taong hindi ka mahihiyang
ipakita ang tunay na ikaw, sila yung aawayin ka, pagsasabihan ka, pero in the
end babalik at babalik din sila.
Sila yung laging umuunawa saking
kadramahan, sila yung laging sumasabay sa aking kalokohan, sila yung laging
nagpapasakit sa aking tiyan dahil sa puno ng katatawanan.
High School friends are my gold,
sila ang isa sa aking kayamanan. At wala ni sino man ang makakagiba sa amin,
wala ng hihigit pa sa sayang dulot ng bawat-isa dahil “walang araw na hindi
Masaya lalo na pag sila ang kasama!” dahil kami ang tropa na puro pasaway man,
walang kasing Astig naman. J
No comments:
Post a Comment