Ayon kay Charmaine Mananggon, isang registered Nutritionist
at Dietitian, ang pag-di-diet ay dapat daw angkop sa inyong blood type.
Ang pagkain na tama sa inyong dugo ay nakakatulong raw na
makabawas ng timbang=, plus magiging maganda pa ang inyong kalusugan at
pangangatawan, heto ang programang CGN o Chrono Geno Nutrition program.
Heto raw ang mga dapat at hindi dapat kainin na swak sa
inyong blood type.
TYPE O (origin)- Kumain daw ng baka, fish, vegetables.
pero bawal naman ang dairy product tulad ng cheese at gatas,
bawal din ang tinapay at pasta.
TYPE A (Agriculture)- Pwede ang lahat ng gulay, pwede rin
ang isda, itlog, soy beans at tofu.
pero bawal ang gatas.
TYPE B (barbaric) Pwede ang meat at dairy products, gulay
togue at kangkong.
pero bawal ang wheat bread at pork.
TYPE AB: kung ano ang nasa type A at B ay yun din, pero
mainam ang turkey at lamp.
Pero tandaan mga kapuso, kailangan daw balanse ang mga
kinakain.
kung gustong pumayat, mainam na kumain ng karne na kasing
laki lamang ng apat na posporo.
Magkaruon din ng disiplina sa pagkain nang saganun ay hindi
masasayang ang pag-didiet.
Ayon naman sa isang Fitness Instructor na si Coach Brey
Quintong ng Golds Gym,ang TIME ang laging dahilan kung bakit hindi
nag-eehersisyo.
pero kahit gaaano ka raw ka-busy ay pwede naman itong gawin
sa bahay.
tulad na lamang ng paglakad-lakad, at pag eexercise sa loob
ng bahay.
Unang-una raw na magkaruon ng inspirasyon at motivation para
ang pinapangarap na katawan ay madaling makuha.
ang pag-eexercise sa loob ng 10-15mins. ay malaking bagay na
nakababawas ng timbang.
marami nga raw ang paraan ng pagpapapayat, tulad ng
pagsasayaw at pagbibisikleta.
No comments:
Post a Comment