Sunday, September 29, 2013

Megan Young, kinoronahan bilang kauna-unanahang pinay sa Ms. World 2013.

Hanggang ngayon ay nagbubunyi ang mga Pilipino sa pagkapanalo ng 23 years old actress at TV host na si Megan Young.

Tinalo ni Megan ang 126 contestant na galing sa ibat-ibang panig ng mundo.

Sa loob ng mahigit animnapung taon ay ngayon lang nasungkit ng Pilipinas ang korona.

Bago pa man ang coronation night kagabi na ginanap sa Bali Indonesia ay early favorite na si Megan.



Sa katunayan siya ang nanguna sa Top Model competition, 5th place sa Beach Fashion at 4th place naman sa Multimedia.

Nang makausap ng inyong Yours Tootie kahapon si Arnold Vegafria, ang Vice President ng Ms. World Philippines ay talagang gustong-gusto raw ng mga taga Indonesia si Megan.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi makapaniwala si Megan sa kanyang pagkapanalo.

Sa panayam ng DZBB kay Megan kaninang tanghali ay ineenjoy daw muna niya ang kanyang pagkapanalo.

Bagamat hindi pa raw siya masyadong nakatulog ay masaya ito sa karangalan na maiuuwi niya sa Pilipinas.

Ibinahagi rin ni Megan ang kanyang paghahanda sa Ms. World.
Hindi man daw alam ng lahat ay matagal na raw itong nag-eensayo para maging isang beauty queen.

Ang mensahe ni Megan sa kanyang mga kababayan…

“Maraming maraming salamat po sa mga Pilipinong sumuporta sa akin at sana patuloy niyo pong suportahan ang journey ko dito sa Ms. World, I-update ko po kayo, iuupload ko ang mga videos na gagawin namin, ilalagay ko sa social media para malaman ninyo kung paano ako makakatulong”

Ang tanong kay Megan kagabi na talaga namang lalong nagpabilib sa milyong-milyong nanuod ng  Ms. World 2013 ay kung bakit siya ang dapat manalong Miss World?

Ang sagot niya : "I treasure the core value of humanity and that guides her into understanding people, why they act the way that they do, how they're living their lives. And I will use these core values in my understanding, not only in helping others, but to show other people how they can understand others, to help others. So that, as one, together, we shall help society."






No comments:

Post a Comment