Taon-taon ay inaabangan ng mga becky at girlash ang pag-rampa ng mga nagwa-gwapuhang kalalakihan na may nakadikit na pandesal sa tiyan.
At ngayong taon ay Cosmo University ang tema ng cosmopolitan magazine para sa kanilang centerfold.
Ang dalawang kapuso actor na sina Tom Rodriguez at Alden Richard ang cover ng naturang babasahin.
At nuong nakaraang linggo ay nakausap ng inyong Yours Tootie ang isa sa mga Kapuso hunk na napabilang sa 69 bachelors na si Aljur Abrenica.
Narito ang transcript ng buong panayam kay Aljur...
Q: Ano yung mga preparations mo… ready ka na ba sa pagrama sa Cosmo?
Aljur Abrenica: Ahhh, mahirap sagutin yan kahit simple lang… Kasi sa kabila ng mga busy schedules ngayon, yung finding time namakapagpahinga at makapag-gym ahh syempre ayoko namang rumampa na hindi ako handa… So mahirap. Mahirap. Mahirap ngayon dahil naghahanap po tayo ng time para makapagpaganda ng katawan pero dahil sa… Yun nalang siguro…
Q: Kasi sumabay yung ano “Prinsesa ng Buhay Ko” noh? Nagte-taping na rin kayo.
Aljur Abrenica: Yes po… Hmm loaded po tayo ng schedule ngayon pero excited ako. Excited ako rumampa para sa mga… sa mga… sa mga pupunta sa Cosmo Bash.
Q: Pero kahit nagfa-find time ka na mag-gym pero sa mga diet… sa food ba pag nasa taping ka medyo careful ka pa rin ba sa mga pagkain?
Aljur Abrenica: Syempre iniingatan din natin yung kinakain natin. Ahhh. Sinisiguro ko rin na… Ahhh… Hindi masyadong mamantika, tapos iwas tayo sa ibang food, tapos brown ahh red rice na. Tapos yung mga sweets natin yung mga cake, lahat. Tas nagyo-yogurt nalang ako yun. Basta anything healthy… Prutas. Yun.
Q: Aljur, na-pressure ka ba kasama mo rin ang kapatid mong si Vince na rarampa---kasi baka mamaya magkaroon ng comparison?
Aljur Abrenica:Naku walang comparison saming dalawa. Di hamak na mas maganda talaga ang katawan niya sakin.
Q: Kahit diba every year yata rumarampa ka.
Aljur Abrenica: Oo nga mam, mga… Yeah parang every year na rin ehh…
Q: Every year na rin diba so wala ng pressure. So masasabi mo bang ready ka na?
Aljur Abrenica: Ngayon ahhh… Oo.
Q: Ready ka na?
Aljur Abrenica: Game na ko.
Q: Game na game na?
Aljur Abrenica: *smirk*
Q: Mas daring ba ngayon ang pagrampa… kasi parang every year yun yung inaabangan ehh… Diba? So may mga pasabog ba? May mga…
Aljur Abrenica: Siguro ang masasabi ko “watch out” nalang guys.
Q: Hindi sila mabibigo sa anumang ineexpect nila…
Aljur Abrenica: Ahh, I don’t know… Siguro…
Q: Magdadala ba si Tito Ruben ng maraming tubig?
Mas lalakas ba ang mga tili ng mga girls?
Aljur Abrenica: Basta ang masasabi ko, bago magstart yung show, isulat nila yung pangalan nila sa papel kasi pagkatapos nun siguradong makakalimutan nila yung mga pangalan nila.
Q: Nandon ba si Kylie… Manonood?
Aljur Abrenica: Ahmm, I hope. I hope. Sana nandun siya.
Q: Pero ininvite mo naman si Kylie?
Aljur Abrenica: Well lahat naman imbitado ehh.
Q: Isusulat ba ni Kylie yung pangalan niya sa papel?
Q: Pano yan makakalimutan ka niya?
Aljur Abrenica: Hindi lang yung pangalan niya yung makakalimutan.
Q: Kailangan ba isulat ni Kylie?
Aljur Abrenica: Sa lahat, para sa lahat naman… Isulat nila yung pangalan nila.
Q2: Kumusta ang “Prinsesa ng Buhay Ko”
Aljur Abrenica: Ayun. Good. On going yung tapings namin. Ahhh, wow ahh, galing... Exciting kasi dahil bago yung production samin. Si miss Lani (Mercado) tas yung director namin na si Direk Dondon Santos. Napakagaling. Mas nagiging interesting yung story. Tapos mejo comic to. Light muna pero matitindi yung mga sitwasyon dito. Maraming makakarelate satin… As an actor, kasi ang motive/objective ko dito is kumbagagusto ko lang talaga maramdaman yung tunay na pagmamahal ng isang tunay na magulang. As an actor, marami akong natututunan sa character ko on how to handle things para idisiplina ang sarili, sa pamilya, idisiplina yung trabaho. Kasi hindi naman lahat tayo biniyayaan ng magulang na magmamahal talaga sa anak. Pero hindi ibig sabihin nun lahat ng magulang… lahat ng magulang… walang magulang na hindi nagmamahal sa anak. May mga circumstances lang na dapat intindihin.
Q: Kalove triangle mo dito si Renz Fernandez.
Aljur Abrenica: Yup! Yeah oo Im so happy to work with him… Eto yung 2ndgeneration… I don’t know kung anong generation but si Renz Fernandez, wow! Such a great guy. Ahh, sobrang humble. Wala kaming hindi napagkakasunduan. So parang magkapatid na kami.
Q: So okay na yung bonding niyo.
Aljur Abrenica: Oo.
Q: Anong pinagkaiba nito sa previous soap mo?
Aljur: Mas mahirap… Hindi naman ehh. Pag kakaiba siguro kasi mas mature na yung pagkakaatake ng character namin dito kasi dun naman tayo pupunta ehh.
Q: Thank you…….
Bago matapos ang panayam ay may dare kami kay Aljur, watch this video ...
PS:
Follow me on twitter and instagram:
@yourstootie
tune in also in Super Radyo DZBB 594khz
Umaga na intriga na: Monday-Staurday, 4:30-5:00
Ladies Room: Every Saturday 11:00- 12:00NN
No comments:
Post a Comment