After exhausting days of work, my team decided to
have a dinner at Timog, Quezon City. Then we go to il terrazzo then look
some food that affordable for the 4 of us.
Then a girl wearing a Caribbean suit approached us and showed their menu at Seafood Island.
At first, I don’t want to eat there because I have
an allergy of shrimp and crab, but my friend Miko as the banker that
night, wala na akong magawa kundi sumunod nalang.
Then we pick a package like beach food for boodle that cost 1,300 pesos only and good for four persons.
There are shrimp, crabs, barbeque, okra, tomato, seaweeds, squid and a big grilled tilapia.
So we don’t ask spoon and plate, we are not sosyal kasi so we decided to use our hands to pick foods from the banana leaves.
After an hour, take a look at the last picture, daig pa ang MMDA sa paglinis ng kalsada sa metro manila, diba? Hehehe
A good food at Seafood Island, not bad for the prize
and the ambiance is so nice with matching costumes pa talaga ang
kanilang mga waiter!
You must try it also!
while waiting our order, take some selfie first
ooopss, before you eat make it sure you have souvenir pics on their food plating's ..
then here we go ready to eat..lets do the boodle fight!
Wala nga raw perpektong relasyon, kasi kahit "kayo na"... minsan ay may pagkukulang pa rin.
Kaya naman ang mga pagkukulang na yun ay dapat punuin ng magkasintahan o mag-asawa para kahit hindi perpekto ang lovelife ay masaya naman. Ano nga ba ang dapat gawin para maging masaya o healthy ang relasyon?
Narito ang aking TNT: Tips ni Tootie 1. Selos ay wag
padalos-dalos para relationship ay hindi maagang mag close.
2. Pag nagmahal ka ay kahit hindi perpekto basta ang mahalaga... totoo.
3. Hindi ka man faithful at least loyal ka.
4. Huwag hanapin sa asawa o jowa ang wala sa kanya.
5. Pag-usapan ang pagkukulang para oras niyo'y di masayang.
6. Magkaruon ng kalayaan at pagbibigayan.
7. Tiwala ang mahalaga para relasyon ay laging pinagpapala.
8. Magkaruon ng oras sa isat isa para relasyon ay maganda.
Hanggang ngayon ay
nagbubunyi ang mga Pilipino sa pagkapanalo ng 23 years old actress at TV host
na si Megan Young.
Tinalo ni Megan ang 126
contestant na galing sa ibat-ibang panig ng mundo.
Sa loob ng mahigit animnapung taon ay ngayon lang nasungkit ng Pilipinas ang korona.
Bago pa man ang coronation
night kagabi na ginanap sa Bali Indonesia
ay early favorite na si Megan.
Sa katunayan siya ang
nanguna sa Top Model competition, 5th place sa Beach Fashion at 4th place naman
sa Multimedia.
Nang makausap ng inyong
Yours Tootie kahapon si Arnold Vegafria, ang Vice President ng Ms. World Philippines ay talagang gustong-gusto raw ng mga
taga Indonesia
si Megan.
Samantala, hanggang ngayon
ay hindi makapaniwala si Megan sa kanyang pagkapanalo.
Sa panayam ng DZBB kay Megan
kaninang tanghali ay ineenjoy daw muna niya ang kanyang pagkapanalo.
Bagamat hindi pa raw siya
masyadong nakatulog ay masaya ito sa karangalan na maiuuwi niya sa Pilipinas.
Ibinahagi rin ni Megan ang
kanyang paghahanda sa Ms. World.
Hindi man daw alam ng lahat
ay matagal na raw itong nag-eensayo para maging isang beauty queen.
Ang mensahe ni Megan sa kanyang
mga kababayan…
“Maraming maraming salamat po sa mga Pilipinong
sumuporta sa akin at sana patuloy niyo pong suportahan ang journey ko dito sa
Ms. World, I-update ko po kayo, iuupload ko ang mga videos na gagawin namin,
ilalagay ko sa social media para malaman ninyo kung paano ako makakatulong”
Ang tanong kay Megan kagabi
na talaga namang lalong nagpabilib sa milyong-milyong nanuod ng Ms. World 2013 ay kung bakit siya ang dapat
manalong Miss World?
Ang sagot niya : "I treasure the core value of humanity
and that guides her into understanding people, why they act the way that they
do, how they're living their lives. And I will use these core values in my
understanding, not only in helping others, but to show other people how they
can understand others, to help others. So that, as one, together, we shall help
society."
(Late Post: Aired September 25 via Umaga na intriga na on Super Radyo DZBB 594khz) Hindi nga nabigo ang mga
dumalo sa cosmo bachelor bash na ginanap sa world trade center kagabi.
Umulan kasi ng mga
nagwa-gwapuhan at nag-gagandahang katawan sa event ng cosmopolitan magazine.
Sa tema nilang CosmoUniversity
ay talaga namang stimulating ang semester ngayong taon dahil sa 69 na hunks na
rumampa.
At ilan sa mga cosmo hunk na
talaga namang inenjoy ang kanilang moment sa runway ay ang ilan nating mga
kapuso.
Tulad na lamang ng mga star
ng programang My Husband’s lover na sina Rodjun Cruz, Pancho Magno at Victor
Basa.
Ang highlights ng cosmo bash
ngayong taon ay ang pagrampa ng cosmo centerfolds na sinimulan ng Prinsesa ng
buhay ko leading man na si Aljur Abrenica na nagbigay muna ng isang awitin bago
siya unti-unting hinuhubaran ng mga kasama niyang dancers.
Tanging boxer shorts na
lamang ang natira niyang saplot na talaga namang kitang-kita pa rin ang Machete
niyang pangangatawan.
Pero ang nagpabuhay sa cosmo
bash kagabi ay itong mga lead star ng My husband’s lover na sina Dennis Trillo
at Tom Rodriguez o Tomden.
Unang rumampa si Dennis
bitbit ang kanyang watergun.
Siya ata ang pinakamabilis
na rumampa kagabi dahil wala itong ginawa kundi paputukan ng watergun ang
audience.
Sumunod na rumampa si Tom
Rodriguez bitbit ang kanyang ninja nunchaco.
Nagpakita nga ng konting
martial arts move itong si Tom.
Pero ang talagang
nagpadagundong sa worldtrade center ay nang sabay na rumampa sina Dennis at Tom
sa runaway.
Kahit puting pants lang ang suot ng TomDen ay kilig na kilig ang mga katabi kong mga beckies at girlash dahil sa kakaibang spark ng dalawa.
pero yun nga lang, Inaasahan pala ng ilan na maghahalikan ang mga ito dahil hindi iyun pwedeng gawin sa kanilang teleserye ay itutuloy nila ito sa cosmo bash.
ngunit...nganga ang mga audience dahil fistbump lamang ang ginawa ng
Tomden.
Pero infiernes sa Tomden, pinatunyan
nilang hit na hit ang kanilang tambalan dahil sa mainit at nakabibinging
hiyawan na kanilang natanggap kagabi.
Huling rumampa sa cosmo bash
ang cover ng centerfold na si Alden Richard na lumabas na super nerdy.
Nang nasa gitna na ito ng
entablado ay unti-unti na itong hinubaran at tanging boxer shorts na lamang ang kanyang
suot .
Nagpabuhos pa nga si Alden
ng langis at saka ito kumuha ng isang babae sa audience.
Maswerte ang babaeng iyun
dahil nakakuha siya ng kiss sabay hug sa kapuso heartthrob.
Naging wild nga si Alden kagabi,
taliwas sa kanyang itsura sa ilang programa na kanyang ginagampanan dito sa
GMA.
PS:
Follow me on twitter and instagram:
@yourstootie
tune in also in Super Radyo DZBB 594khz
Umaga na intriga na: Monday-Staurday, 4:30-5:00
Ladies Room: Every Saturday 11:00- 12:00NN
*Here are some photos in Cosmo bachelor bash. video will be posted soon...
Kahit kagagaling lang sa
sakit nuong nakaraang linggo ay magiliw na humarap sa media si Tom Rodriguez sa
presscon na inihanda ng Cosmopolitan magazine.
Si Tom at Alden Richard ang
cover ng centerfold ng naturang babasahin.
Sa naturang presscon ay
nakausap ng inyong Yours Tootie si Tom.
Ikinuwento nga niya sa akin
ang kanyang paghahanda para manumbalik ang ganda ng kanyang body.
Nang dahil daw kasi sa
Dengue na dumapo sa kanya at pagod sa trabaho ay bumagsak ng husto ang kanyang
katawan.
Dala raw ito ng halos
araw-araw na taping sa programang My Husbands Lover.
Kaya naman dahil ok na raw ang kanyang kalusugan ay puspusan na ang kanyang pagbubuhat ng bakal sa gym.
Palalabasin nga raw niya ang
kanyang mga abs para naman yuminess looking ang kanyang pagrampa mamayang gabi
sa Cosmo bachelor bash.
Samantala, handang handa na
ring rumampa ang ka-love team ni Tom sa My husband’s lover na si Dennis Trillo.
Sa mga instagram post ni
Dennis ay kakaiiba ang mga ginagawa niyang work-out na talaga namang kitang-kita na ang kanyang mga muscle.
At sa huli niyang post ay
excited na nga raw ito para sa magaganap mamaya na cosmopolitan bachelor bash.
Taon-taon ay inaabangan ng mga becky at girlash ang pag-rampa ng mga nagwa-gwapuhang kalalakihan na may nakadikit na pandesal sa tiyan.
At ngayong taon ay Cosmo University ang tema ng cosmopolitan magazine para sa kanilang centerfold.
Ang dalawang kapuso actor na sina Tom Rodriguez at Alden Richard ang cover ng naturang babasahin.
At nuong nakaraang linggo ay nakausap ng inyong Yours Tootie ang isa sa mga Kapuso hunk na napabilang sa 69 bachelors na si Aljur Abrenica.
Narito ang transcript ng buong panayam kay Aljur...
Q: Ano yung mga preparations mo… ready ka na ba sa pagrama sa Cosmo?
Aljur Abrenica: Ahhh, mahirap sagutin yan kahit simple lang… Kasi sa kabila ng mga busy schedules ngayon, yung finding time namakapagpahinga at makapag-gym ahh syempre ayoko namang rumampa na hindi ako handa… So mahirap. Mahirap. Mahirap ngayon dahil naghahanap po tayo ng time para makapagpaganda ng katawan pero dahil sa… Yun nalang siguro…
Q: Kasi sumabay yung ano “Prinsesa ng Buhay Ko” noh? Nagte-taping na rin kayo.
Aljur Abrenica: Yes po… Hmm loaded po tayo ng schedule ngayon pero excited ako. Excited ako rumampa para sa mga… sa mga… sa mga pupunta sa Cosmo Bash.
Q: Pero kahit nagfa-find time ka na mag-gym pero sa mga diet… sa food ba pag nasa taping ka medyo careful ka pa rin ba sa mga pagkain?
Aljur Abrenica: Syempre iniingatan din natin yung kinakain natin. Ahhh. Sinisiguro ko rin na… Ahhh… Hindi masyadong mamantika, tapos iwas tayo sa ibang food, tapos brown ahh red rice na. Tapos yung mga sweets natin yung mga cake, lahat. Tas nagyo-yogurt nalang ako yun. Basta anything healthy… Prutas. Yun.
Q: Aljur, na-pressure ka ba kasama mo rin ang kapatid mong si Vince na rarampa---kasi baka mamaya magkaroon ng comparison?
Aljur Abrenica:Naku walang comparison saming dalawa. Di hamak na mas maganda talaga ang katawan niya sakin.
Q: Kahit diba every year yata rumarampa ka.
Aljur Abrenica: Oo nga mam, mga… Yeah parang every year na rin ehh…
Q: Every year na rin diba so wala ng pressure. So masasabi mo bang ready ka na?
Aljur Abrenica: Ngayon ahhh… Oo.
Q: Ready ka na?
Aljur Abrenica: Game na ko.
Q: Game na game na?
Aljur Abrenica: *smirk*
Q: Mas daring ba ngayon ang pagrampa… kasi parang every year yun yung inaabangan ehh… Diba? So may mga pasabog ba? May mga…
Aljur Abrenica: Siguro ang masasabi ko “watch out” nalang guys.
Q: Hindi sila mabibigo sa anumang ineexpect nila…
Aljur Abrenica: Ahh, I don’t know… Siguro…
Q: Magdadala ba si Tito Ruben ng maraming tubig?
Mas lalakas ba ang mga tili ng mga girls?
Aljur Abrenica: Basta ang masasabi ko, bago magstart yung show, isulat nila yung pangalan nila sa papel kasi pagkatapos nun siguradong makakalimutan nila yung mga pangalan nila.
Q: Nandon ba si Kylie… Manonood?
Aljur Abrenica: Ahmm, I hope. I hope. Sana nandun siya.
Q: Pero ininvite mo naman si Kylie?
Aljur Abrenica: Well lahat naman imbitado ehh.
Q: Isusulat ba ni Kylie yung pangalan niya sa papel?
Q: Pano yan makakalimutan ka niya?
Aljur Abrenica: Hindi lang yung pangalan niya yung makakalimutan.
Q: Kailangan ba isulat ni Kylie?
Aljur Abrenica: Sa lahat, para sa lahat naman… Isulat nila yung pangalan nila.
Q2: Kumusta ang “Prinsesa ng Buhay Ko”
Aljur Abrenica: Ayun. Good. On going yung tapings namin. Ahhh, wow ahh, galing... Exciting kasi dahil bago yung production samin. Si miss Lani (Mercado) tas yung director namin na si Direk Dondon Santos. Napakagaling. Mas nagiging interesting yung story. Tapos mejo comic to. Light muna pero matitindi yung mga sitwasyon dito. Maraming makakarelate satin… As an actor, kasi ang motive/objective ko dito is kumbagagusto ko lang talaga maramdaman yung tunay na pagmamahal ng isang tunay na magulang. As an actor, marami akong natututunan sa character ko on how to handle things para idisiplina ang sarili, sa pamilya, idisiplina yung trabaho. Kasi hindi naman lahat tayo biniyayaan ng magulang na magmamahal talaga sa anak. Pero hindi ibig sabihin nun lahat ng magulang… lahat ng magulang… walang magulang na hindi nagmamahal sa anak. May mga circumstances lang na dapat intindihin.
Q: Kalove triangle mo dito si Renz Fernandez.
Aljur Abrenica: Yup! Yeah oo Im so happy to work with him… Eto yung 2ndgeneration… I don’t know kung anong generation but si Renz Fernandez, wow! Such a great guy. Ahh, sobrang humble. Wala kaming hindi napagkakasunduan. So parang magkapatid na kami.
Q: So okay na yung bonding niyo.
Aljur Abrenica: Oo.
Q: Anong pinagkaiba nito sa previous soap mo?
Aljur: Mas mahirap… Hindi naman ehh. Pag kakaiba siguro kasi mas mature na yung pagkakaatake ng character namin dito kasi dun naman tayo pupunta ehh.
Q: Thank you…….
Bago matapos ang panayam ay may dare kami kay Aljur, watch this video ...
Sabi nga ni Ramon Bautista,
bakit di ka crush ng crush mo?
Puwes sa ating TNT as in
Tips ni Tootie ay may ibabahagi ako sa inyo para mapansin ka ng crush mo at
baka sakaling ang tanong ni Ramon ay maging, Bakit ka crush na crush mo?.
Una, siympre mag-isip ng paraan kung paano
mapapalapit kay crush, kaibiganin ang mga malalapit sa kanya tulad ng
kapatid at kaibigan.
Alamin ang mga gusto ni crush at sikapin itong
iparamdam sa kanya.
kung unang beses pa lang nagkita, importante na
marecognized ka niya, kaya banggain mo siya at bigyan ng nakaka-inlove na
titig sa mata at matamis na ngiti.
Makipagtitigan na animoy nang-aakit, pero
iwas-iwas lang baka mapagkamalyang manyak.
Para mapansin ka ni crush ay batukan mo habang
nakatalikod, tapos pag harap mag sorry ka sabihin mo “ay kala ko ikaw ung
friend ko sorry, sorry sorry “ then offer him/her to be your friend at
yayain mo na siyang magkape o mag milk tea para hindi magalit ...tapos
simulan mo na ang mag pa cute.
kung nagawa mo na lahat ng nabangit ko at hindi
epektibo heto ang gawin mo, tawagin ang mga madaldal mong kaibigan at ipagkalat
na crush mo siya… ewan ko na lang kung di pa niya malalaman.
At kung hindi umubra ang number 6 tips ko, baka
ikaw ang may problema, kaya dapat magpaganda at magpagwapo ka na dahil ikaw
ay tsaka, kaya malamang maghihintay ka lang na nakanganga.
At kung hindi pa rin umubra, kunin ang cellphone
number ni crush at mag group message kunwari --- pero sa kanya mo lang
isesend ang matatamis na quotes.
Plus points kung may talent ka…sumayaw, kumanta
at tumugtog ng gitara; boys, ang mga babae ay madali makilig kaya daanin
sa simpleng the moves; girls, ang mga boys-- sasakyan ka kapag nalaman niyang crush ka niya lalo na kung
maganda ka at kung pangit ka, extra
effort pa. push pa te!
Plus point, kung sabihin mo sa kanya ng direkta
na crush mo siya….yung sa iyo mismo magmumula na gusto mo siya, para
direkta niyang maririnig mula sa iyong bibig na hinahangaan mo siya.
PS: kung magka crush dapat yung mas angat sa ganda at
gwapo para hindi masayang ang effort!
Kristoffer Martin on KrisLie, the newly-formed fan club of his loveteam with Julie Anne San Jose: “Oo nga! Nagulat ako, e. Nagulat ako, ha! Meron nang KrisLie fans! Do'n sa Twitter, ha! Nung tiningnan ko, ilang oras pa lang within the day, meron na kaagad mahigit 600 followers. So nagulat ako. At the same time, natuwa ako. Kasi… kahit papa'no may mga sumusuporta na sa una pa lang.
Credit to Tito Ruben Marasigan of Philippine Entertainment portal.
Matapos mag-story conference para sa bagong primetime series
ng GMA-7 na Kahit Saan Ka Man, excited na ang leading man ni Julie Anne San
Jose dito na si Kristoffer Martin para sa pagsisimula ng taping nila. Hindi nga
raw niya akalaing siya pala ang bagong makaka-loveteam ng singer-actress.
“Natutuwa ako kasi sunud-sunod ang project para sa akin, e,”
masiglang bungad ni Kristoffer nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine
Entertainment Portal) sa Sunday All Stars (SAS) kaninang hapon, Linggo,
September 8.
“From Luna Blanca, tapos Pahiram Ng Sandali, and then
Kakambal Ni Eliana, at ngayon nga ay itong Kahit Saan Ka Man.
“Sobrang nararamdaman ko yung blessing ni Lord sa akin every
day, every night… lagi.
“So, sobrang nagpapasalamat talaga ako sa Kanya.
“Nung katatapos pa lang ng Kakambal Ni Eliana, wala pa akong
alam. Hindi ko pa alam kung ano ang kasunod na soap na gagawin ko.
“Tapos parang may sinabi nung handler ko na… 'attend ka sa
screen test na ‘to.'
“So, um-attend ako ng screen test. Tapos two days after,
sinabi… nakuha ko na yung role.
“Hindi agad ako naniwala. Akala ko niloloko lang ako ng
handler ko. E… confirmed nga pala talaga.
“Hanggang ngayon, hindi pa rin nagsi-sink in sa akin yung
project, e. Hanggang nag-story conference na nga kami nitong Saturday
[September 7].
“And… ang ganda ng story. Sobrang kakaiba. At bago rin sa
akin. Bilang ako na bagong artista na gumawa ng ganitong klaseng soap.
“Kasi musical, e. So… kakanta-kanta. Iba-ibang tira na naman
ng arte. Excited ako para sa project na ito.”
DRAMA MUSICAL. Unang beses pa lang siya masasabak sa isang
serye na drama nga pero may halong musical. Masusubok ngayon ang talent din
niya sa pagkanta. Paano siya naghahanda para rito?
“Sa banyo, kumakanta ako. Habang naliligo!” natawang biro ni
Kristoffer.
Magsisimula na mamayang gabi ang bagong programa sa GMA 7 na Akin pa rin ang bukas na pagbibidahan nina
Rocco Naccino, Charee Pineda, Solen Heusaff, Lovie Poe at Cesar Montano.
Isang dekalibreng drama series
sa telebabad ang inyong mapapanuod dahil ang direktor nito ay ang awarded filmmaker
na si Laurice Guillen.
Nang makausap ng inyong Your’s
Tootie si Cesar Montano kahapon sa backstage ng Sunday all star ay sinabi
nitong kakaiba ang storya ng Akin pa rin ang bukas.
Masaya rin si Cesar dahil ang
Direktor ng kanilang programa ay si Direk Guillen na minsan na niyang nakasama
sa isang pelikula at itinanghal siya nuon bilang Best Supporting Actor sa Famas
award.
Naniniwala rin si Cesar na
Superstar in the making si Lovi Poe.
At dahil nagsimula na silang
magtaping ay napaka professional naman daw na katrabaho si Rocco.
Samantala, si Lovi Poe na
nga yata ang pinaka-busy na actress sa ngayon.
Sunud-sunod kasi ang kanyang
TV projects at in-demand din siya sa pelikula.
At kagabi nga ay ginanap ang
premiere night ng pelikula nilang Lihis nina Joem Bascon at Jake Cuenca sa Cinema 2 ng SM North the block.
Bukod diyan ay naging abala
rin si Lovi last week sa promotion ng Akin pa rin ang bukas.
At nang makausap ng inyong
Your’s Tootie si Lovie ay ninenerbiyos daw ito at excited dahil mamayang gabi ay
ipapalabas na nga ang pagbibidahan niyang serye.
Kapansin-pansin nga ang
galing ni Lovi na talaga namang sa bawat character na kanyang pino-portray ay
binibigyan niya ito ng buhay.
Katulad na lamang ng dokyu-serye
na Titser na napapanuod sa GMA news TV tuwing lingo ng gabi.
Kaya naman dahil sobrang
busy ngayon ang actress ay isasantabi muna raw niya ang kanyang love-life.