Friday, June 15, 2012

HAPPY FATHER'S DAY


narito po ang kabuuan ng aking binasa sa programa kanina... para ito sa lahat ng tatay...


PARA KAY ITAY

NUONG AKOY BATA PALAMANG, DAMANG-DAMA KO NA ANG IYONG PAGMAMAHAL.
INARUGA MO AKO AT INALAGAAN AT INILAYO SA KAPAHAMAKAN.

WALANG ARAW NA HINDI MO AKO HINANAP, TINATAWAG MO AKING PANGALAN.
RAMDAM KO ANG IYONG PAG-ALALA DAHIL IKAW AY TUNAY NA NAGMAHAL .

HABANG AKOY LUMALAKI, IKAW ANG AKING NAGING KAKAMPI.
TINURUAN AT GINABAYAN PARA AKOY ISANG MAGING MABUTING NILALANG.

SA TUWING AKOY NAIINGIT, PAG-IBIG MOY HINDI IPINAGKAIT.
DAHIL SABI MO NGA, HINDI LAHAT NG BAGAY AY AKING MAKAKAMIT.

KAYA NAMAN PAYO MO ITAY AY AKING NAGING GABAY.
KAYA SA AKING PAG-LAKI, PANGALAN MOY AKING IPINUPUGAY.

----
AKOY NALULUNGKOT NUON SA AKING MGA KAMAG-ARAL
IKINAKAHIYA NILA ANG KANILANG MGA TATAY.
SABI NG ISA...MAGSASAKA LAMANG DAW SILA
SABI NAMAN NG ISA...STRIKTO RAW ANG KANYANG ITAY.

PERO ANG SABI KO SA KANILA, HUWAG IKAHIYA ANG KANILANG PADRE DE PAMILYA.
DAHIL NI MINSAN, HINDI KA NILA IKINAHIYA.
OO , STRIKTO MAN SILA PERO GUSTO KA NIYANG MAGBAGO.
PARA PAGLAKI MO, IKAW AY ISANG MAGING MABUTING TAO.

---
ANG AKING TATAY NAGIGISING ALAS KWATRO PALANG NG MADALING ARAW.
TINANONG KO SIYA, TAY BAKIT ANG AGA MO MAGISING?
SABI NIYA, ANAK PUPUNTA SA BUKID PARA MAYRUON TAYONG MAISAING.

HABANG LUMILIPAS ANG PANAHON, NARARAMDAMAN KO ANG PAGOD NI ITAY.
MAGHAPON SA BUKID, NAKABILAD SA GITNA NG ARAW.
KAYA SINABI KO SA AKING SARILI, MAG-ARAL AKO NG MABUTI.
PARA SA AKING PAGLAKI...TATAY KOY MAPAPANGITI.

 BAGONG BAYANI ANG TATAY NG AKING KAIBIGAN.
YAN ANG BANSAG NATIN SA MGA O-F-W NATING KABABAYAN
PERO HIGIT PA SA BAYANI ANG MGA TATAY NA UMAALIS SA BANSA PARA MAGTRABAHO.
BITBIT ANG PANGARAP NA MAKAKAAHON SA HIRAP AY KAPALIT NAMAN AY MATINDING PANGUNGULILA AT PAGSISIKAP.



IPINAGMAMAYABANG NG AKING KALARO NA ANG KANYANG TATAY AY HANDANG LUMABAN PARA SA BAYAN.
PAANO NAMAN KASI, ISA IYUNG MAGITING NA SUNDALO.
MGA SUNDALONG, PUPOPROTEKTA HINDI LAMANG SA KANILANG MGA PAMILYA KUNDI SA ATING BANSA.
HANDA NILANG  BUWIS ANG BUHAY PARA LAMANG MAILAYO TAYO SA KAPAHAMAKAN.
GANYAN ANG MGA TATAY, HINDI UMUURONG SA KAHIT ANUMANG LABAN.

PULIS PULIS PULIS.
ANG TATAY NG CRUSH KO NOON AY PULIS.
KASANGA NG BATAS, KALABAN NG MANDURUGAS.

SA TUWING PUMAPASOK AKO SA ESKWELA, SILA ANG AKING KASAMA.
MAMA, MAMA PARA, DIYAN LAMANG SA TABI.
SI MAMANG TSUPER NA PAWIS NA PAWIS SA PAG-KABIG NG KANYANG MANIBELA.

SA MAGHAPONG PAMAMASADA, KALABAN NILA AY PANANAKIT NG KATAWAN AT DISGRAYA.
HINDI NILA IYUN INALINTANA PARA LAMANG MAY MAIPAKAIN SA PAMILYA.

TATAY, AMA, DADA, DADDY, FATHER, PAPA, IDDU, ITAY AT PUDRA.
ANUMANG TAWAG NATIN SA KANILA.
SILA ANG BAYANI NG ATING BUHAY.
HINDI MATATAWARAN ANG KANILANG PAGSISIKAP AT PAGSASAKRIPISYO PARA LAMANG TAYO AY MABUHAY.

KAYA NAMAN TATAY KO NA AKING KAIBIGAN.
TATAY KO NA LAGI KONG SINASANDALAN.
TATAY KO NA LAGI KO NUONG KALARO.
TATAY KO NA TAGAPAYO.
TATAY KO NA MAPAGMAHAL.

NAGING MATIGAS MAN ANG ULO NAMIN MINSAN.
HINDI NAGING MATIGAS ANG AMING PUSO –PARA IKAY LAGING PASALAMATAN.
SA ARAW NA ITO, AT SA PANG-ARAW-ARAW
LAGI KONG SASABIHIN...
TATAY, IKAW ANG BAYANI NG BUHAY KO.
I LOVE YOU HAPPY FATHERS DAY

No comments:

Post a Comment