NUONG AKOY BATA PALAMANG,
DAMANG-DAMA KO NA ANG IYONG PAGMAMAHAL.
INARUGA MO AKO AT INALAGAAN
AT INILAYO SA KAPAHAMAKAN.
WALANG ARAW NA HINDI MO AKO
HINANAP, TINATAWAG MO AKING PANGALAN.
RAMDAM KO ANG IYONG PAG-ALALA
DAHIL IKAW AY TUNAY NA NAGMAHAL .
HABANG AKOY LUMALAKI, IKAW
ANG AKING NAGING KAKAMPI.
TINURUAN AT GINABAYAN PARA AKOY ISANG MAGING MABUTING NILALANG.
SA TUWING AKOY NAIINGIT, PAG-IBIG
MOY HINDI IPINAGKAIT.
DAHIL SABI MO NGA, HINDI
LAHAT NG BAGAY AY AKING MAKAKAMIT.
KAYA NAMAN PAYO MO ITAY AY AKING
NAGING GABAY.
KAYA SA AKING PAG-LAKI,
PANGALAN MOY AKING IPINUPUGAY.
----
AKOY NALULUNGKOT NUON SA
AKING MGA KAMAG-ARAL
IKINAKAHIYA NILA ANG KANILANG
MGA TATAY.
SABI NG ISA...MAGSASAKA
LAMANG DAW SILA
SABI NAMAN NG ISA...STRIKTO
RAW ANG KANYANG ITAY.
PERO ANG SABI KO SA KANILA,
HUWAG IKAHIYA ANG KANILANG PADRE DE PAMILYA.
DAHIL NI MINSAN, HINDI KA
NILA IKINAHIYA.
OO , STRIKTO MAN SILA PERO
GUSTO KA NIYANG MAGBAGO.
---
ANG AKING TATAY NAGIGISING
ALAS KWATRO PALANG NG MADALING ARAW.
TINANONG KO SIYA, TAY BAKIT ANG AGA MO MAGISING?
SABI NIYA, ANAK PUPUNTA SA
BUKID PARA MAYRUON TAYONG MAISAING.
HABANG LUMILIPAS ANG PANAHON,
NARARAMDAMAN KO ANG PAGOD NI ITAY.
MAGHAPON SA BUKID, NAKABILAD
SA GITNA NG ARAW.
KAYA SINABI KO SA AKING
SARILI, MAG-ARAL AKO NG MABUTI.
PARA SA AKING PAGLAKI...TATAY
KOY MAPAPANGITI.
BAGONG BAYANI ANG TATAY NG AKING KAIBIGAN.
YAN ANG BANSAG NATIN SA MGA
O-F-W NATING KABABAYAN
PERO HIGIT PA SA BAYANI ANG
MGA TATAY NA UMAALIS SA BANSA PARA MAGTRABAHO.
BITBIT ANG PANGARAP NA
MAKAKAAHON SA HIRAP AY KAPALIT NAMAN AY MATINDING PANGUNGULILA AT PAGSISIKAP.
IPINAGMAMAYABANG NG AKING
KALARO NA ANG KANYANG TATAY AY HANDANG LUMABAN PARA SA BAYAN.
PAANO NAMAN KASI, ISA IYUNG
MAGITING NA SUNDALO.
MGA SUNDALONG, PUPOPROTEKTA
HINDI LAMANG SA KANILANG MGA PAMILYA KUNDI SA ATING BANSA.
HANDA NILANG BUWIS ANG BUHAY PARA LAMANG MAILAYO TAYO SA KAPAHAMAKAN.
GANYAN ANG MGA TATAY, HINDI
UMUURONG SA KAHIT ANUMANG LABAN.
PULIS PULIS PULIS.
ANG TATAY NG CRUSH KO NOON AY
PULIS.
KASANGA NG BATAS, KALABAN NG
MANDURUGAS.
SA TUWING PUMAPASOK AKO SA
ESKWELA, SILA ANG AKING KASAMA.
MAMA, MAMA PARA, DIYAN LAMANG
SA TABI.
SI MAMANG TSUPER NA PAWIS NA
PAWIS SA PAG-KABIG NG KANYANG MANIBELA.
SA MAGHAPONG PAMAMASADA,
KALABAN NILA AY PANANAKIT NG KATAWAN AT DISGRAYA.
HINDI NILA IYUN INALINTANA PARA LAMANG MAY MAIPAKAIN SA PAMILYA.
TATAY, AMA, DADA, DADDY,
FATHER, PAPA, IDDU, ITAY AT PUDRA.
ANUMANG TAWAG NATIN SA
KANILA.
SILA ANG BAYANI NG ATING
BUHAY.
HINDI MATATAWARAN ANG
KANILANG PAGSISIKAP AT PAGSASAKRIPISYO PARA
LAMANG TAYO AY MABUHAY.
KAYA NAMAN TATAY KO NA AKING
KAIBIGAN.
TATAY KO NA LAGI KONG
SINASANDALAN.
TATAY KO NA LAGI KO NUONG
KALARO.
TATAY KO NA TAGAPAYO.
TATAY KO NA MAPAGMAHAL.
NAGING MATIGAS MAN ANG ULO
NAMIN MINSAN.
HINDI NAGING MATIGAS ANG
AMING PUSO –PARA IKAY LAGING PASALAMATAN.
SA ARAW NA ITO, AT SA
PANG-ARAW-ARAW
LAGI KONG SASABIHIN...
TATAY, IKAW ANG BAYANI NG
BUHAY KO.
I LOVE YOU HAPPY FATHERS DAY