Thursday, November 24, 2011

TIPS PARA IWAS DISGRASYA

-->
NAKAKAALARMA NA NGA  ANG KALIWAT KANANG NAITATALANG DISGRASYA NG MGA SASAKYAN SA KALSADA.
ANG DISIPLINA NGA RAW NG MGA NAGMAMAHEHO O MGA DRAYBER ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAGKAKARUON NG DISGRASYA.
ISA NA RIN DITO ANG PABAGO-BAGO NG MOOD NG MGA HARI SA LANSANGAN, KAYA NARITO ANG AKING TIPS PARA HINDI MASIRA ANG MOOD NG MGA TSUPER AT PARA HINDI MAKAPERWISYO SA IBA.
1.     BAGO LUMABAS SA BAHAY, KAILANGAN NG LAMBING MULA SA MGA MAHAL MO SA BUHAY. PARA HABANG NAGMAMANEHO, ISIPIN MONG ANG IYONG MGA KAMAG-ANAK ANG  SAKAY MO SA IYONG SASAKYAN.

2.     MAGING BURAOT SA PAGKAIN BAGO MAGMANEHO. NAKAKAINIT NG ULO KAPAG WALANG LAMAN ANG TIYAN. KAYA BAGO LUMABAS KUMAIN NG BONGGANG-BONGGA.

3.     ANG PAGIGING SWAPANG SA KALSADA AY HINDI MAGANDANG UGALI, KAYA GIVE WAY TO OTHERS.

4.     “YOU SHOULD INFORM” MAKINIG NG BALITA PARA ALAM MO KUNG SAAN ANG TRAFIC  AT ALAM MO SAAN ANG BAHA, KASI PAG NATRAFFIC KA.. JAN NA MAG-UUMPISA ANG INIT NG ULO AT KAPAG LUMUSONG KA SA BAHA NA KU PO!

5.     HUWAG UTAK WANG-WANG LALO NA SA MGA NAGMAMANEHO NG PAMPUBLIKONG SASAKYAN.  KUNG ANG LAGING NASA ULO NIYO AY ANG KIKITAIN NIYO EH ABA TALAGANG MAGHAHABOL KA NG IYONG BOUNDERY, KAYA DRIVE RELAX AND EASY PARA IWAS DISGRASYA.

6.     HUWAG MAGMANEHO PAG MAY HANGOVER PA , DAHIL KAPAG MAY NAKAGITGITAN SA KALSADA NAKU PO, IKAW ANG UNANG MAG IINIT NG ULO.

7.     MAGING MASUNURIN, ALAMIN ANG MGA TRAFIC SIGN SA MGA KALSADA, KASI KAPAG NAHULI KA NG MGA ENFORCER EH NAGPAPALUSOT KA PA TIKLO KA NA NGA. KAYA IMBES NA MAKIPAG USAP NG MABUTI , ABA DINADAAN SA PAANGASAN!

8.     KUNG MAY IMPORTANTENG PUPUNTAHAN, MABUTING MAAGA KANG UMALIS SA BAHAY PARA HINDI KA MAGHAHABOL, DAHIL KAPAG NAIPIT KA SA KALSADA AYAYYAY MAG IINIT ULO MO TALAGA AT SIYMPRE WALA KANG IBANG GAGAWIN KUNDI PATAKBUHIN NG MATULIN ANG SASAKYAN.

9.     HUWAG MAG MULTI TASKING, OR NAG DRIDRIVE HABANG NAGTETETXT BAKA KASI ANG KATEXT MO EH SYUTA MO EH NAG AAWAY KAYO AYUN TSUK NA MAGWAWALA NA SA KALSADA.
BE SPIRITUAL, BAGO PAANDARIN ANG SASAKYAN MAGLAAN NG KONTING ORAS PARA MAGDASAL, ANG PAGDADASAL ANG ISANG MABUTING SANDATA PARA IKAW AY GABAYAN NG POONG NILIKHA

No comments:

Post a Comment