KADALASANG SAKIT SA ULO AT GUMUGULO SA ATING ISIPAN ANG MGA KATAGANG…
MAHAL NIYA BA TALAGA AKO?
SERYOSO BA SIYA?
HINDI BA NIYA AKO NILOLOKO AT
SINASAKYAN NIYA LAMANG BA AKO?
KAYA KUNG GUSTO MONG MALAMAN KUNG SERYOSO ANG INYONG INIIROG SA INYONG RELASYON, NARITO ANG AKING MGA TIPS.
1. SI LABIDABS AY HINDI MARUNONG MANUMBAT, TUMUTULONG SIYA SA IYO NG WALANG PAGIIMBOT AT PAG-AALINLANGAN. KUNG NAGBIGAY SIYA NG GIFT, HINDI NIYA SASABIHING “BILI KA RIN NG REGALO KO DAHIL KUNG HINDI, HINDI KO ITO IBIBIGAY”.
2.LUMAGAS MAN ANG INYONG BUHOK, ANG INIT NA PAGMAMAHAL NI LABIDABS AY HINDI MAGBABAGO, IPINAPARAMDAM PA RIN NIYA KUNG ANO YUNG PAGMAMAHAL NIYA NUONG NILILIGAWAN KA PA LANG. IBIG SABIHIN NITO, PARA KANG PATIS NA HABANG TUMATAGAL AY SUMASARAP, BINIBIGYAN KA NG IMPORTANSYA NA IKAW NGA!
3.MINSAN KASI KAHIT NAGKAMALI SIYA HINDI IYUN NAGSOSORY, CONFIDENT SI ATE AT KUYA NA HINDI SILA IIWAN NI LABIDABS. PERO KUNG NARINIG MO SA BOSES NI ATING AT KUYA NA “BEBE SORY MAGBABAGO NA AKO AT HINDI KO NA UULITIN” AYUN ANG SERYOSO, PERO PAG PAULIT-ULIT NA LANG.. HAY EWAN KO SA INYO MGA MARTIR!
4. SAKIT ITO MINSAN NI MIKO SICAT NA MADAMOT, IDINADAMOT SI LABIDABS SA MGA KAIBIGAN, KAKLASE AT PAMILYA, KUNG MAHAL KA TALAGA NI LABIDABS EH HANDA NIYANG TANGGAPIN NA MAYRUON KA DING SARILING MUNDO AT PRIBADONG BUHAY, MALAYA MO RIN DAPAT MARANASAN NA WALANG PAKI-ALAMERANG JOWA.
5. MINSAN KASI SA MGA BABAE KAPAG NANGANAK AY NAHAHAYAN NA NILA ANG KANILANG SARILI, JUMUJUBA AT KUNG ANO-ANO NA ANG NANGYAYARI SA KANILANG ITSURA, KAYA KUNG MAHAL KA TALAGA NI MISTER, TANGGAP KA NIYA KAHIT NGO-NGO KA, MAY KUTO KA, MAY ANGHIT KA, MAY BAD BREATH KA.. IBIG SABIHIN NITO KUNTENTO SIYA SA IYO.
6. IPINAGMAMALAKI KA NIYA SA ANUMANG MAKAKAMIT MO SA BUHAY, YUNG HANDA KA NIYANG IPAGSIGAWAN SA BUONG MUNDO NA PROUD SIYA SA IYO. HINDI YUNG NAKIKIPAGKUMPITENSYA PA SA IYO MISMO!
7. HINDI NIYA IPINAGDADAMOT ANG CELLPHONE NIYA KUNG MAY NAG RING AT NAG TEXT.
8. KAHIT BUSY SI MISTER AT MISIS AY LAGI SIYANG MAY ORAS SA IYO PARA MAG BONDING AT BED TIME, HINDI YUNG “PAGOD AKO TULOG NA TAYO”. NO EXCUSE!
9. KAPAG NAG-AAWAY, HINDI YAN DAPAT PINAPATAGAL, YUNG TIPONG SINUSUYO KA NIYA PARATI AT HINDI YUNG KASALANAN NA NGA NIYA SIYA PA ITONG SUSUYUIN MO.
10. NAGSASABI SIYA NG TOTOO AT HANDA SIYANG MAKINIG SA IYO, ITO NAMAN TALAGA ANG DAPAT MANGIBABAW SA ISANG RELASYON, PAGKAT ANG ISANG RELASYON NA PURO KASINUNGALINGAN AT LIHIMAN AY HINDI MAGTATAGAL AT HINDI MATATAWAG NA TUNAY NA PAGMAMAHAL.
PAHABOL; ANG TAONG NAGMAMAHAL NG WAGAS AY WALANG PINIPILING ARAW AT ORAS, TANGGAP KA NIYA KUNG ANO MERON KA MAHIRAP KAMAN O MAYAMAN, PANGIT KA MAN O MAGANDA.
KAYA HABANG NASA STAGE PA LANG NG PANLILIGAWA MARAPAT LAMANG NA OBSERBAHAN MO NA ANG GINAGALAW NG INYONG MGA MANLILIGAW AT NILILIGAWAN KUNG SERYOSO BA SILA O HINDI.
AT PARA NAMAN SA MAG-ASAWA ANG PINAKAMAHALAGA PARA SA INYONG DALAWA AY ORAS AT ARAW.
HINDI NAMAN MASAMA ANG MAGDUDA DAHIL PARTE LANG ITO NG INYONG RELASYON, KAYA NAMAN MAHALAGANG TANDAAN PO NINYO ITO, SA ISANG RELASYON AY HINDI DAPAT NAWAWALA ANG KOMUNIKASYON, TIWALA AT PAGMAMAHAL!
No comments:
Post a Comment